Nakita ni Aric ang duguang si Laila. Kaya pala panay patak ang naririnig niya mula sa likod. Hindi pala ito tubig kundi dugo.
"Tigilan mo nga ako, ano bang ginagawa mo rito?!"
Sinampal-sampal pa niya ang sarili dahil mukha ngang panaginip ang lahat. Kahit ba malinaw sa kanya ang duguang mukha ng kanyang pinsan ay panalangin pa rin niya na sana ay hindi ito totoo.
"Tutulungan mo pa ako hindi ba?"
Malamig na tinig ang narinig niya. Humampas rin ang malakas na hangin kaya dumampi ito sa kanyang balat at mas natakot siya sa pwedeng mangyari.
"Saan ba? Hinsi ba't patay ka na?"
"Tutulungan mo ba ako o unti-unti kong papatayin ang kapatid mo?"
BINABASA MO ANG
Locked Down (Completed)
Mystery / Thrillerʏᴏᴜʀ ᴀᴄᴄᴏᴜɴᴛ ʜᴀꜱ ʙᴇᴇɴ ʟᴏᴄᴋᴇᴅ ᴅᴏᴡɴ. ᴅᴏ ʏᴏᴜ ᴡᴀɴᴛ ᴛᴏ ᴅɪᴇ? ꜱɪ ʟᴀɪʟᴀ ᴀʏ 16 ᴀɴʏᴏꜱ ɴᴀ ɴᴀᴍᴀᴛᴀʏ ᴅᴀʜɪʟ ꜱᴀ ʀᴀᴘᴇ. ᴀɴɢ ᴘʜᴏɴᴇ ɴɪʏᴀ ᴀʏ ɴᴀɴᴀᴋᴀᴡ ᴋᴀʏᴀ ᴋᴜɴɢ ꜱɪɴᴏ ᴍᴀɴ ᴀɴɢ ᴍᴀᴋᴀᴋᴜʜᴀ ɴɪᴛᴏ ᴀʏ ᴍᴀᴍᴀᴍᴀᴛᴀʏ. Book Cover by: PANANABELS Date Started: January 27, 2020 Date Ended: F...