Her Side

28 0 0
                                    

    

     Sabi sakin ni Troy  *Krista tulungan mo muna si kristan kailangan ka pa niya, kailangan niya pa ang tulong mo, nahihirapan si kristan nasasaktan siya. Huwag mo muna siyang iwan siguradong hindi na niya kakayanin kung pati ikaw mawawala sa kaniya.*

  Hindi ako kumibo kasi hindi ko na alam kung ano na ang dapat kong gawin kasi sabi ni troy nahihirapan si kristan eh. Ayoko namang nahihirapan si kristan, Ang inaalala ko lang  kasi pag tinuloy ko pa to baka magalit na ako sa kanya. Nahihirapan na rin kasi ako eh. Ang sabi ko noon bumalik lang si Terrenz iiwan ko na si Kristan ititigil na namin yung ginagawa namin may kailangan lang naman kami sa isat isa dahil pareho kaming nasaktan ang kaibahan nga lang alam naming dalawa na hindi na babalik yung babaeng mahal na mahal niya samantalang ako alam kong babalik yung gusto kong bumalik. Pero paano na ngayong bumalik na si Terrenz maiiwan na naman syang magisa, babalik nanaman siya sa dati, Iiyak nanaman siya, masasaktan nanaman siya at ng dahil sakin na yun at hinding hindi ko yun matatanggap. Pero ang mas higit na inaalala ko ay ang sarili ko hindi dahil sa takot akong masaktan pa kundi dahil kahit alam kong masasaktan ako ay handa parin akong ipagpatuloy to. Kung sasabihin niya lang na huwag ko muna siyang iwan ay mananatili ako sa tabi niya. Kung sasabihin niya lang na gusto niya pa akong makasama ng mas matagal sasamahan ko siya. Kung sasabihin niya lang na gusto niya pang maging masaya kasama ako ay pasasayahin ko siya. Kung sasabihin niya lang na siya na lang at sa kanya nalang ako ay hindi na ako babalik kay Terrenz gagawin ko yun dahil Mahal ko siya. Isa lang sa mga salitang yan ang sabihin niya magiging masaya na ako salita niya lang naman ang hinihintay ko. Ang totoo kasi niyan gustong gusto ko pa siyang makasama ang kaso nga lang wala nang dahilan para makasama ko pa siya. 

  Sobra akong nasaktan nung araw na sinabi ni kristan na * Pano ba yan Krista Lorraine Saavedra bumalik na si Terrenz Jacob sayo ibig sabihin wala nang dahilan para manatili ka pa sa buhay ko , Tapos na tayong dalawa , Ingat. Ay! nga pala Wag na Wag ka nang tatawag dahil hindi ko sasagutin isipin mo nalang na hindi tayo nagkakilala * Alam ko na habang sinasabi niya yan ay nagsisinungaling lang siya at nung tumagilid siya kitang kita ko na umiiyak siya. Alam ko na hindi niya gusto yung mga sinabi niya. Kaya lang ano pa ang magagawa ko nasabi niya na yun hindi ko pwedeng sabihing nagsisinungaling lang siya hindi ko rin sya pwedeng pangunahan siya dahil tiyak kong magagalit lang siya. Gusto ko man siyang pigilan habang papalayo siya hindi ko magawa dahil may pumupigil sa akin ang sabi ko pa nung gabing yun kung talagang gusto niya ako makasama hindi siya maglalakad palayo sa akin gaya nang ginagawa niya ngayon kung lalakad man siya ay hahawakan niya ang kamay ko at isasama niya ako. Isang malaking kalokohan yung nagyari nung araw na yun diba? dahil ngayon parehas kaming nasasaktan at nahihirapan. Alam ko nga nasasaktan siya ngayon ng dahil sa akin alam ko napapansin ko at nakikita na ng lahat ng taong nakapaligid sa amin na ako na ang mahal niya. Ang nakakalungkot nga lang hindi niya yun maamin dahil nakakulong parin siya sa nakaraan niya. Hindi ako yung assuming na babae alam kong mahal niya ako dahil sinabi niya na sa akin yun nung gabing pumunta siya sa bahay ng lasing ang sabi niya pa nga * Krista !! Lumabas ka diyan may sasabihin lang ako!! Kung ayaw mo edi wag diyan ka nalang!! Pero makinig ka!! Krista Mahal naman kita eh alam ko yun nararamdaman ko yun na mahal kita ayoko lang na pangunahan mo ko sa nararamdaman ko mahal kita Krista totoo yun walang halong kalokohan, Pero krista Mahal Na Mahal ko parin si Krissianna eh hindi ko siya makalimutan pero maniwala ka Krista mahal kita  * Masyado na akong nakakaawa pero nung sinabi niyang mahal niya ako napakasaya ko nabuhayan ako kahit alam ko na mas mahal niya parin si krissianna sapat na sa akin na malaman kong mahal niya rin ako hindi ko naman hiniling na kalimutan niya na yun ang gusto ko lang ay ang sabihin niyang mahal niya ako.

Ang Totoo niyan gusto ko na siyang puntahan at gusto kong magmakaawa sa kanya na sabihin niyang gusto niya pa akong makasama dahil kung ako lang ang may gusto walang mangyayari at kahit isang beses niya lang sabihin na gusto niya nga alam ko na he mean it. At alam ko na hindi na mangyayari yun

Nakilala ko si Kristan Shayne Yuman bilang isang tao na May isang babaeng minamahal at sa tingin ko hindi ko na mababago yun dahil kahit kailan hinding hindi ko mapapalitan yung babaeng minamahal niya. Napaka suwerte niya at minahal sya ni kristan. Nakapagdesisyon na ako matapos kong magisip at sariwain ang mga nagyari ititigil ko na to sino pa ba ang niloloko ko wala nang mangyayari dahil si kristan na mismo ang tumapos nito. 

Sana Makalimutan ko siya gaya ng sinabi niya sa akin at sana ganun din siya.

  

Do i have to Continue?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon