*Kristan Shayne Yuman*
Dalawang araw na akong naglalakad, Saan na nga ba ako papunta? Hindi ko na alam basta ang gusto ko lang makalayo sa lugar kung nasaan man ako ngayon. Gusto ko munang makalimot, Gusto ko rin munang makapag-isip, Gusto ko rin malaman kung kakayanin kong tanggapin ang katotohanang hindi na babalik ang babaeng mahal na mahal ko. Ang tagal kong naghintay umasa kasi ako na babalik pa siya sa akin.
Bakit ngayon ko lang nalaman to? Bakit siya naglihim? Ah sabi nga pala ni Troy ayaw lang daw akong saktan ng kapatid niya. Kung totoong ayaw niya akong masaktan bakit hindi ganon yung nararamdaman ko ngayon? Sa katunayan nga sobra sobra akong nasasaktan ngayon eh! Hindi ako makapag-isip ng maayos! Parang may pumipiga sa puso ko na pag tapos pigain didikdikin naman at pupunitin ng Paulit-ulit.
Ang daming tanong sa utak ko na naghahanap ng mga kasagutan. Bakit hindi niya ako binigyan ng pagkakataon na damayan siya nung panahong naghihirap siya? Bakit pinagkait niya sa akin yung obligasyon kong alagaan siya? Bakit siya umalis samantalang alam niya na kailangan niya ng makakasama? Pano niya kinayang mag-isa? At Bakit hindi niya ibinigay sa akin yung pagkakataon na makasama ko pa siya sa mga panahon na natitira pa sa kanya?.
Ano na ang gagawin ko? Parang wala nang direksyon ang buhay ko ngayong wala na si Krissianna. Kailangan ko bang balikan yung dating buhay ko? Kung saan walang Krissianna na nagmamahal sa akin? Siguro nga kailangan ng bumalik ako sa dati dahil wala na yung taong tumulong saakin para kalimutan ko yung naging buhay ko noon. Matagal ko na yung kinalimutan eh dahil nahanap ko na nga siya yung babaeng alam kong mamahalin ako ng buong buo at tanggap ako. Pero bakit sandali lang yung oras na binigay sa amin? Bakit kinuha rin siya agad? Naging masaya naman kaming dalawa eh, hindi ko nga siya nakitang umiyak nuon eh. Ang kaso ngayon ko lang naisip na baka hindi ko lang talaga nakikita na umiiyak siya. Naging masaya kaya siya nung nasa akin pa siya? O sadyang ako lang talaga yung naging masaya?
Mahal na Mahal ko siya kaya ayokong saktan siya ayokong ring magalit siya at alam ko na ayaw niyang bumalik pa ako sa dati kung saan wala akong pangarap sa buhay, babae dito at babae doon. Pero kasi wala na siya eh tsaka nasasaktan din ako alam ko namang maiintindihan niya ako eh.
*Krista Lorraine Saavedra*
*Krista ! Uy ! Tingnan mo yun si kuyang nakaitim ang gwapo oh ! Pero parang umiiyak siya oh? At medyo madumi siya, Tsaka tulala baliw yata. Pero gwapo parin siya noh?*-Sandra
Tumango ako sa sinabi ni sandra pero sa totoo lang kanina ko pa yan nakikita malayo palang pinagmamasdan ko na siya at oo gwapo nga siya pero bakit ganyan? parang lasing na ewan? gegewang gewang pa oh! tsaka oo nga umiiyak siya siguro iniwan to ng girlfriend niya?
* Oo kanina ko pa siya nakikita! Dun palang siya sa may dulo kita ko na siya. AAAAAAAAY !!. Shemay Naman oh! may balak bang magpakamatay yung lalaking yun? muntik na siyang masagasaan ! *- Krista
Siyete natakot talaga ako duon ah. walang halong joke!
*Krista naman pag tumili kailangan talaga katabi ng tenga ko? pwede namang tumili eh hindi pinagbabawal pero huwag kang OA!! hindi naman siya nasagasaan oh kita mo? Naglalakad parin nga siya eh parang walang nangyari!-Sandra
*Ano? Pakiulit? Tingnan mo nga oh? Susuray suray kung kanina naiwasan SIYA nung jeep mamaya hindi na! Siya yung gumigitna kita mo po ha? Tara lapitan natin yang siraulong yan!! Pag hindi gumilid bugbugin natin!! *- Krista

BINABASA MO ANG
Do i have to Continue?
Ficção AdolescenteThis is a story of this popular boy named Nobody and this Nobody meet this Funny girl named Somebody ^ ^ De joke lang -___- basta basahin niyo nalang para malaman niyo kung tungkol saan tong story kasi hindi ko rin alam sabay sabay nalang nating...