His Side

13 1 0
                                    

    Hindi ko naman tlaga sadya yung mga sinabi ko kay Krista. Pinagsisisihan ko nga yun. Oo sabihin niyo ng tanga ako pero alam kong yun ang makakabuti para sa aming dalawa ngayon. 

  Gustong gusto ko na siyang makita, Gustong gusto ko na siyang yakapin, Gusto ko na siyang mahalikan ulit. Ang gago ko diba? matapos ko siyang saktan yun parin ang gusto kong gawin. Ano namang magagawa ko ? Ayun yung nararamdaman ko eh. Hindi na nga ako makatulog sa gabi dahil laging siya ang nasa utak ko pag ipipikit ko ang mata ko automatic na nakikita ko siya, nakikita ko ang mga kalokohan na ginawa namin, Nkikita ko yung magandang mukha niya na nakangiti sa akin. SHIIIT !!! Mis na Mis ko na siya.

   Kung tatanungin niyo ako kung bakit ko tinapos kung ano man ang meron sa amin yun ay dahil sa nakikita ko na nasasaktan ko siya palagi. Sinusubukan ko namang hindi siya masaktan eh pero sa tuwing binabanggit niya ang pangalan ni Krissianna bigla ko nalang nasasabi na mahal ko parin si Krissanna hindi ko naman pwedeng itanggi sa kanya yun dahil ayokong magsinungaling sa kanya. Alam ko Selfish ako pero gusto kong hayaan niya akong mahalin ko parin si Krissianna At mamahalin ko rin siya sa paraang gusto ko at hindi sa paraang gusto niya. Alam niya naman na hindi ko na magagawang alisin pa si Krissianna sa puso ko dahil matagal nang nakaukit si Krissianna dito. Noong gabing sinabi kong mahal ko siya i mean it pero hindi siya naniwala siguro dahil sinabi kong mahal ko parin s Krissianna.  Hindi naman sa ginagawa ko siyang pangalawa sa buhay ko ang gusto ko lang naman ay matanggap niya ang katotohanan na kahit anong mangyari ay hindi na mabubura si Krissianna sa puso ko. Ang nakakainis nga lang hindi maintindihan yun dahil ang gusto niya kalimutan ko na si Krissianna at siya nalang ang mahalin ko kahit alam na alam naman naming dalawa na hindi na mangyayari yun. Hanggat maaari nga ay ayokong banggitin na sa kanya si Krissianna eh pero siya tong makulit eh lagi niyang binabanggit si Krissianna. Siguro dahil umaasa siyang baka sakaling makalimutan ko pa si Krissianna. Hindi na naman ako maaagaw ni Kris sa kanya eh kaya hindi ko maintindihan kung ano ang ikinakatakot niya.

   Lahat naman ng babae gusto sila lang ang nag-iisa sa puso ng lalaking minamahal nila pero sa sitwasyon namin ni Krista hindi ko maibibigay yung gusto niyang yun. Kaya mas minabuti ko nalang na tapusin yung sa amin at ibalik siya kay Terrenz. Alam ko na sa Puso ni Terrenz ay nag-iisa lang si Krista kaya magiging masaya siya. Kahit na masaktan pa akong makita siyang masaya sa pilinmg ng iba ay ayos na sa akin yun. Kesa naman na nasa akin siya Puro sakit naman ang ipinararamdam ko sa kanya.

  Sana masaya maging siya para masabi kong hindi ako nagkamali sa naging desisyon ko. Pero kung hindi siya sasaya babawiin ko ulit siya at pipilitin kong maging masaya siya sa piling ko.

Do i have to Continue?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon