One: Collided

106 16 7
                                    


"You deserve the pain you felt right now."

Ang simoy ng hangin ay malayang nanuot sa aking mga kalamnan, nagbigay ng kakaibang pakiramdam sa aking katawang nagmula sa lupa, ipinadama ang lamig na dulot nito sa aking puso.

I gave off a sigh.

Ang mga mata'y nakatitig lamang sa 'di kalayuan, muling bumalik sa aking isipan ang mga pangyayaring bumuo't sumira sa aking pagkatao.

The night was deep, so as the wound inside this thing inside my chest.

"You deserve the pain you felt right now."

Here comes the voice again...

Voices.

Their voices.

I covered my ears gamit ang aking mga kamay, trying not to hear the voices that keeps running inside my head. I closed my eyes as I let myself be drown to darkness, still, ears were covered.

"I'm sorry, Olive. But I don't love you anymore."

I heard him, in the midst of thousand voices. Nanghina ako't natagpuan na lamang ang aking sariling tulala at nakatingin lamang sa alapaap. And in a snap, nag-unahan ang aking mga luha sa pagdaloy mula sa aking mga namumugtong mga mata, patungo sa namumutla't nanunuyo.

"Hindi na kita maintindihan, Oli. Hin-hindi ka naman ganyan dati. I'm sorry but I gave up."

I thought tanggap niya ako pero mali pala ang nasa isip ko.

Sumuko na siya.

Yes, iniwan niya ako. Iniwan niya ako sa gitna ng madugong labanan. Hinayaan akong lumaban mag-isa.

I suffered the pain of loosing the fight, of loosing him for almost eight months. Ikinulong ko ang aking sarili sa selda ng kalungkutan at walang ibang ginawa kung hindi manatili sa loob.

I wiped my tears at itinaas ang aking tingin sa kalangitan. The firmament is full of stars, and here I am, sitting under the glitter-filled heavens soaked in the darkness of the night.

Napangiti ako. Siguro kailangan ko nang pakawalan siya dahil matagal na naman niya akong pinakawalan. Tama na siguro ang gabi-gabing pag-iyak, ang pangungulila sa kanyang mga yakap at halik, ang sakit na patuloy kong sinasaksak sa aking puso.

Maybe, this is the time to move on from the past and continue living in the present, without him.

Without them.

Without them?

"Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap," I heard someone talking from my back. Agad kong nakilala ang tinig na iyon kaya nilingon ko siya't binigyan ng isang malapad na ngiti.

"Nika, ikaw pala."

"Kanina pa kita tinitext, hindi ka nagrereply," saad niya. Mabilis kong dinampot ang aking cellphone mula sa aking bulsa at laking gulat ko nang makita ang kanyang mga text messages sa screen. Hindi nalang ako sumagot at ngumiti nalang ulit.

She smiled back at me habang naglalakad patungo sa aking pwesto. Nang makarating sa aking harapan ay umupo siya sa aking tabi, kasabay ang paghaplos sa aking pisngi. I felt the coldness of her palm, the sincerity, the concern.

"Umiyak ka naman ha," she said.
Agad kong inalis ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak sa aking pisngi at tumalikod. I rubbed my eyes and fixed my slightly ssed up hair at humarap ulit sa kanya. Inirapan niya lamang ako, napagtanto siguro na nagsinungaling ako sa kanya.

"Tigilan mo'ko diyan sa drama mo ha? Hindi ka magaling na artista." Bahagya kong hinampas ang kanyang braso na siyang nagpahalakhak sa amin.

Dumaan ang isang babae sa harap namin. Masama ang tingin nito sa akin na para bang naguguluhan na ewan. Mabilis itong naglakad papalayo, paminsan-minsa'y ibinabalik ang tingin sa akin.

Sa amin.

"Parang tanga naman iyong si ate. Napaka-oa ng reaksyon e, tumatawa lang naman tayo," saad ni Nika habang ang mga mata'y nakatuon pa rin sa imahe ng babaeng unti-unting naglalaho sa aming paningin.

Lumapit ako sa aking kaibigan at ipinatong ang aking ulo sa kanyang balikat. Naramdaman ko ang kanyang magkabilang kamay na ikinukulong ako sa yakap niya.

"Mag-ingat ka palagi, ha? At huwag ka nang umiyak. You deserve someone better, Olive. Remember that." Tumango lang ako bilang tugon sa kanyang sinabi.

Tama siya. I deserve someone who is ready to take the risks.

Tiningnan ko ang orasan na nakapulupot sa aking pulso. Alas onse y media na ng gabi, at mas lumamig pa lalo ang paligid. I look at Nika's face at nakangiti na siya sa akin. I can read it from her eyes na it's time to say goodbye for tonight.

"Umuwi ka na, you need to rest," she said at naunang tumayo mula sa pagkakaupo. I nod my head as my response as I stretch up my knees off from the ground.

"Bukas ulit?" tanong niya habang ang kanyang mga kamay ay nakapaloob sa kanyang mga bulsa.

"Maybe, baka busy ako tomorrow. But I'll try my best to catch up with you," I replied at ibinalik ang telepono inside my jean's left pocket.

She hugged me as she bid goodbye for tonight.

I took my way home alone as the light of the moon grazes on my warm, soft skin. How I wish I can find the right guy who'll accept me despite of the imperfections and flaws I have.

How I wanted to be loved just like the moon, that despite of it's holes and craters, everyone loves her in every phases.

A sigh was released from inside of my lungs and a smile coated my pale lips, repainting the colors of my face against the darkness of the night, under the pale moonlight.

"I'll be better, not now but soon," I whispered to myself as I continue walking, home alone. My feet crossed the path of going back to myself from the prison of loosing me.

Tanaw ko mula sa 'di kalayuan ang aming bahay.

Mali.

Aking bahay. Akin lang dahil iniwan na nila ako.

Nakayuko lamang ang aking ulo habang patuloy na paglalakad ng biglang may bumangga na lamang sa akin nang hindi ko namalayan dahilan upang mabuwal ako mula sa aking pagkakatayo. Naramdaman ko na lamang ang pag-untog ng aking ulo sa magaspang na kalsada and the last thing I remembered is I saw a silhouette of a man, standing in front of me and–

Darkness.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 28, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

We, In The Shadows (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon