Chapter 1: Broken Candle

878 8 10
                                    

Myrna's POV

"Ang ganda ganda ni ati oh!!" Puri ng nag-make up sakin.

Kahit kinakabahan ako, pinilit kong tumayo at tignan ang sarili ko sa salamin. At totoo nga, Ang ganda ganda ko. Siguro pagka-kita sakin ni Andres ay mabibighani siya sa ganda ko haha. Si Andres.

Kinakabahan ako. Pano kapag ma-reject ako? Hayy! Bahala na nga. Kailangan kong magpakatatag. I need to be strong. Birthday ko ngayon, ayoko namang ipahiya ang mommy at daddy ko sa mga business partners nila. 

Sobrang kinakabahan talaga ako.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Pinagmasdan ko ang taong kaharap ko sa salamin. Npangiti ako, bakit ang ganda ganda ko? Nagulat ako ng biglang tumunog yung pinto kaya napatingin ako, Lumabas lang pala ng kwarto yung make-up artist.

Tumingin ulit ako sa salamin pero......ibang tao ang nakita ko....

Isang nakakatakot na mukha.....

isang matanda...

"Mrynaaaaa Anak!" Bigla akong nagulat. Woooh! Si ate ana lang pala,  yung isa pang yaya namin.  Anak ang tawag niya sakin kasi tinuturing niya na ako na anak.

"KInakabahan ka ba anak? Gusto mo lakad lakad ka muna?" 

Kaya naglakad lakad ako. Pero biglang sumagi sa isip ko yung nangyari kahapon.

Nag-aayos kami nun ng pang-give aways sa mga bisita. Maganda nga ang mga ito. May baso sa loob tapos Mayron din dong picture ko at isang malaking design na sapatos na sandals. Napakaganda ko pa sa litratong iyon.

Pero nakita ko ang pinaka-last na give away, nakita kong basag ang basong nasa loob nito pati  na rin ang sandals. Color red ang kulay ng sandals na saktong kulay ng suot kong heels.

Naisip ko na baka masamang pahiwatig.

Pero hindi!! Masyado na kong paranoid sa excitement kaya kung ano ano na ang naiisip ko. 

Masyadong mabilis ang oras at nagsimula na ang party. mamaya pa ko lalabas eh. 

Maya maya pa, ay oras ko nang lumabas.

Sobrang kinakabahan ako habang pababa ako ng hagdan. All eyes on me.

Simple lang ang gown ko, kulay itim. Magpapalit palit pa kasi ako ng gown ngayong gabi. 15 beses akong magpapalit sabi ni Yaya Rose.

Naghihintay sa pinaka-baba si Micheal, childhood friend friend ko.

Siya yung napili kong escort kasi close na kami simula bata pa kami. Ayoko naman si Andres kasi nakakahiya naman diba. Hindi kami close ni Andres.

Hindi ko nga sure kung pupunta siya pero ininvite na siya ni Micheal. Magkaibigan kasi silang dalawa. 

Kinakabahan kong inabot ang kamay ni Micheal, ang lamig. Parang siya kinakabahan din na ewan. Hahaha. 

"Mas kinakabahan ka yata sakin?" Biro ko sa kanya. "Wala to." Malamig niyang sabi.

Ano kayang problema niya? Bakit parang bigla akong kinabahan sa tono ng boses niya? May masama bang nangyari? Hindi ba siya komportable sakin? Pero pumayag namn siyang maging escort ko ah.

"Bakit? Anong meron?" Pero hindi niya ko sinagot.

Hinayaan ko na lang siya. Baka mamaya may surprise pa siya sakin eh :P

Habang naglalakad kami papuntang gitna, Nakita ko sila May at April, ang kambal kong bestfriend. Nakakatuwa kasi nakapunta sila. Pinsan ng dalwang yan si Michael.

Ngumiti ako sakanila, ngumiti din sila sakin. 

Binigay nako ni Micheal sa first dance ko, anak ng ka-business ni Daddy. Nakita ko na siya before eh. Hindi ko lang matandaan.

Her 18th BirthdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon