"I love you too, Gavin" maluha luha kong sabi.
Lumiwanag naman ang mukha nya.
"That's why I'm setting you free." Nakangiti kong sabi sa kanya.
"B..but"
"You left me. Tapos babalik ka ulit. Gago ka ba? Bakit? Nagbreak na naman kayo nung girlfriend mo. So, I'm a rebound again? Bubuuhin kita tapos babalikan mo ulit yung girlfriend mo while leaving me broken into pieces. No, Gavin. I'm done with you. I love you. Pero mas mahal mo sya. Walang-wala yung pagmamahal ko sa'yo sa pagmamahal mo sa kanya."
Umalis ako at binalikan ko si Yanyan.
"Let's go." Sabi ko sa kanya habang tuloy-tuloy ako sa paglalakad papunta sa parking lot.
Kotse ko kasi ginamit namin.
Pagpunta namin sa parking lot ay lumuha na ako.
"Teka sandali lang!"
Hinila nya 'ko sa wrist kaya naman sumama ang buong katawan ko at niyakap nya 'ko. At doon na naman ako napahagulgol.
"I will always be here. It's ok for me to be your rebound" umiling ako.
"No, ginawa nya sa akin yon. 'Di ko gagawin 'yon sa'yo."
Naramdaman kong hinalikan nya ang noo ko.
God, I feel safe with that kiss.
"I love you, Ysa" sabi nya habang nakayakap.
Wait what?