Chapter 4: ZEKE ZAYDEN FORBES

127 4 0
                                    

fast forward.......

ZEKE POV:

*sigh!*

Higit isang taon na din ang nakakalipas simula ng mamatay si Kuya Travis. At isang taon na din mula ngayon nang hindi ako patulugin ni 'white lady'. Natatandaan niyo ba siya? Yung babae sa sementeryo? Oo, siya nga. Grabe lang. Di ako pinapatulog nun. Di dahil natatakot ako, kundi dahil, sa tuwing pumipikit ako nakikita ko yung muka niya lalo na yung napakaganda niyang mata. Ewan ko ba. Crush ko kaya? Tch. Imposible naman yun. Isang taon na. Yun din ang una at huli kong kita sa kanya. Kaya imposible.

Tungkol naman sa mission ko?! Ayun, MISSION FAILED parin -____- Gusto ko ng sumuko pero hindi pwede.

"Hi babe!" - GGSS1

"Hi Zeke myloves!" - GGSS2

"Duh! He's already mine!" - GGSS3

Tch. Mga babae talaga. Ganon na ba ko kapogi? Sabagay.. gwapo naman talaga ako eh. Wala lang akong panahon sa kanila. Masakyan nga.

"Hello mga babes!" me sabay wink ;)

"Kyaaaaaaahhhhhhhh!!!!!"

at nagsimula na silang magtalo talo! Hahaha. hayaan mo sila. Mga babaeng gandang ganda sa sarili -____-

Pumasok na ko ng classroom ko. Don ako umupo sa pinakapaborito kong pwesto. Ang pinakahulihan na malapit sa bintana. Wala akong katabi. Ayaw ko ng may katabi. Alam na nila yun kaya walang tumatabi sakin pwera na lang kung ako ang tatabi sa kanila. Forever alone? Di rin. Madami akong kaibigan dito. Dose talaga kaming magtotropa dito. Wala kaming pangalan sa grupo namin. Basta magkakaibigan kami, yun na yun. We're popular din in & out of our university dahil na rin siguro sa gwapo kami at magaling kami mag basketball. Hahaha! Nga pala, July na. Isa na kong freshmen ngayon dito sa Royale University. Yep, pagmamay-ari to nila kuya travis. Ang kurso ko nga pala ay Architecture pero dahil Freshman palang kami at puro minor subjects palang, magkakasama kami kahit magkakaiba ng kurso. Ang section dito parang hayskul lang, depende sa rank mo. Dahil ako ang Rank 1 sa entrance exam, ako ay 1A :) Karamihan sa 1A na kursong nakapasok ay Architecture, Education, Engineering, at Criminology. Bawat classroom ay may tig 30-35 na estudyante. Hanggang Z ang section sa sobrang dami ng nag aaral dito. Papasok na ko ng classroom.

"LORRAINEEE!! YOU WON'T BELIEVE THIS!!!" sigaw ni Paula papasok ng classroom. Binangga pa ko -_- mukang napaka importante ng sasabihin kasi di man lang ako nilingon para mag sorry :3

"What is it?!" tanong naman sa kanya ni Lorraine na masyadong busy sa paglagay ng foundation. Muka na tuloy siyang espasol sa sobrang puti ng muka -__-

Tumingin tigin muna sa paligid si Paula tapos napatingin siya sakin, lumapit siya kay Lorraine at saka may binulong.

"WHAT?!? IT CAN'T BE!!!!" Sigaw ni Lorraine sa classroom. Napatingin kaming lahat sa kanya. Kasi naman nagulat kaming lahat ng sumigaw at tumayo siya. Nagulat din ata siya sa ginawa niya kaya tumingin siya sa amin, napakagat labi siya at saka umupo ulit.

Nagbulong na lang sila pero halata parin kay Lorraine ang pagkagulat. 

Hays! 7:00am palang. Maaga pa. 7:30am ang start ng klase. Nga pala, ako si Zeke Zayden Forbes, 17yrs. of age. Dapat ngayon, 2nd yr na ko pero dahil sa nangyari, huminto ako. Ano pa ba? Hmm. Sa maniwala kayo sa hindi, NGSB ako. Promise! Ewan ko ba. Di ko pa nararanasan ang mainlab eh, though tinitilian ako ng mga babae, wala akong makita. Wala akong gusto. Pero di ako bading, k? Kilala ako bilang Mr. Cool guy. Ewan ko sa kanila kong bakit. Optimistic akong tao :) Ayaw kong nasasapawan ng negativity ang buhay ko. Matangkad ako. Basta kayo na bahalang magdescribe sakin :3

He's Dating A Gorgeous Gangster (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon