" Hoy! Ian,nakatanaw ka na naman sa walang hanggan! Tignan niyo guys iisipin ko na talaga na ayaw ako ni Ian lagi nalang pag oras ng klase ko nakatitig diyan sa labas." Pagsasalita ng teacher ni Ian sa English subject. Napangiti na lamang si Ian at sumagot, "Mam kasalanan ko ho bang sa oras na ito lumalabas ang babaeng aking iniibig."
Tumawa ang buong klase, "Hay nako Ian! Andito na nga si Cailee tumitingin ka pa diyan sa labas. Hahahaha nako nako Ian" tukoy ng kaklase ni Ian sa tabi nito. Tila namula si Cailee sa hiya at bumaling ito papalayo sa gawi ni Ian.
Napatawa na lamang ang guro nila, "Nako Ian mapapa 'Sana all' nalang silang lahat sa iyo. Sana all inaantay, sana all nagugustuh--" naputol ang pagsasalita nito nang sumingit na naman ang makulit na estudyanteng si Carlo. "Mam, sana all tinutuloy yung pag lelecture."
Natawa ang buong klase, pati narin ang kanilang guro kaya't nagpatuloy nalang ito sa pagtuturo. Bumaling si Ian sa tila nakikinig na si Cailee at napansin niyang namumula parin ang dalaga. Nakaisip ng kapilyuhan si Ian, kunyari'y manghihiram siya ng lapis tapos ay hahawakan niya ng mabuti ang malalambot at magaan na kamay ng dalaga.
"Cailee, uy pahiram naman ako ng lapis diyan oh"
"Uh, s-sorry Ian. Wala kasi akong lapis eh, simula noong naghigh school tayo di na ko nagdadala ng lapis"
Nadismaya nang husto si Ian, dahil hindi niya man inisip kung may lapis si Cailee. "Sayang" sabi ni Ian sa kanyang isipan. Bumaling na lang si Ian sa kanilang guro at patuloy na nakinig hanggang matapos ang subject.
"Class Dismissed. Oh Ian, pwede mo nang puntahan ang crush mo." Pagbibiro pa ng guro nito sa English bago lumabas ng classroom. Nagsitawan ang mga estudyante at lahat ay tumingin kay Ian na may halong pangangantyaw sa titig ng mga ito.
•••
"Mga preー eto nga pala si Maria", pagpapakilala ni Ian para sa isang dalagang si Maria.
"K-kamusta kayo?", nahihiyang bati ng dalagaー mahinhin itong magsalita at gumalaw para bang isang tunay na dalaga.
"Naks naman pre! Ang cute ni Maria- siya ba yung nililigawan mo?", pagtatanong ni Raymark, isa sa mga barkada ni Ian.
"Oo pre, ihahatid ko lang si Maria sa service niya- "
Nang maihatid na ni Ian si Maria, lumapit si Carlo kay Ian at ngiting-ngiti niyang tinignan ito. "Ano Ian, tuloy pa ba tayo sa Mineski mamaya? Sasama daw sina Roi, si Sean tas si Raymark. Itutuloy ang pustahan kapag sumama ka, tsaka Friday naman ngayon Ian sumama ka na bili! 500 din yun!" Pag aaya nito kay Ian maglaro ng MOBA sa isang kilalang computer shop.
"Kayo talaga! Puro kayo League tignan mo ako nagbagong buhay, gayahin niyo ko pare. Saka uuwi daw si ate mamaya baka mag PS kami. Hilig pa naman nun mag SSB." Pagtatanggi ni Ian sa alok ni Carlo. Na ang totoo ay magkukulong lamang siya sa kwarto at hahanapin ang facebook account nung babaeng lagi niyang tinatanaw sa labas ng bintana tuwing period ng English subject.
"Napaka-KJ mo na ngayon Ian! Saka ngayon lang ito, baka huling laro na natin tong magkakasama. Sumama ka na!" Pagpupumilit pa ni Roi, isa sa mga kaklase nito at katropa ni Ian at ni Carlo.
Natuwa ang apat nang pumayag na si Ian na sumama. Lumakad na ang lima upang magtungo sa nasabing computer shop.
Napansin ni Ian na nagiiba ang kanilang dinaraan, tila ba hindi ito ang tamang daanan papunta sa dapat nilang pupuntahan. "Pre, may bagong mineski ba tayong pupuntahan?" Tanong ni Ian kay Carlo, na siyang kahilera nito sa paglalakad.
"Ah-- oo pre, may bagong bukas dito-- d-dito tayo maglalaro para wala masyadong uhh-- gulo . K- kasi diba sa dati magulo, madaming bata. Pre ayaw natin ng ganun!" Pagsagot naman ni Carlo sa tanong ni Ian, at sabay akbay dito.
"May punto ka pre."
Ngumiti si Carlo at pinalagitik nito ang mga daliri sa parehas na kamay. Lumapit ang apat kay Ian at hinawakan ng mahigpit amg mga kamay nito.
"HOY--- TEKA LANG ANONG GINAGAWA NIYO!?", sigaw ng nagpupumiglas na si Ian.
"Wag ka ng magsalita dahil wala ka ng magagawa."
"T-TEKA HOY! UMAYOS KAY--"
"U-uhh, a-anong ginagawa niyo dito ... Carlo... Roi... Sean.... Raymark--- I-ian?"
BINABASA MO ANG
Who said that Love is Forbidden?
Ficção AdolescenteIsang daglian na umiikot sa mundo ni Ian at ang babaeng bumihag sa kanyang kalooban, isang babaeng pinalaki sa di kapani-paniwalang mundo na kung saan ay pinagbabawal ang mga napakatinding emosyon lalong-lalo na ang pag-ibig.