Kabanata 2

10 1 0
                                    


Necklace

"He's so damn good looking! Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakakita ng ganung lalaki." aniya matapos humagikhik.

"Khloe. Stop it! Nakapagpakilala ka na, okay na siguro yon. May girlfriend siya. You better respect that." sabi ko sa kanya.

"Huh? Paano mo naman nalaman? Sino!?" sabi niya sabay panlalaki ng mata.

"That girl named, Martha"? I think yun yung girlfriend niya. I don't know." sabi ko sabay kibit balikat.

"I don't care! Wala namang masamang magka- crush. By the way, Dylan pala pangalan niya!" aniya habang malalim na nag iisip.

Nagpicture lang kaming lahat sa view ng Mt. Manalmon pagkatapos bumaba na din kami.
Nakita ko pa yung mga kaibigan nung Dylan na nagpipicture din sa magandang view.

Nagtatawanan kami habang naglalakad malapit sa Madlum River dahil sa joke ng isa sa kaibigan ni Khloe dito sa Bulacan. Hindi ako ganon ka close sa kanila. Pero nakakasabay naman din sa kwentuhan. Actually, si Zach lang ang close ko.

"Parang nakita ko na siya sa isang event eh! Di ko na matandaan. Diba kasama kita non sa isang Gala event sa Manila?" tanong niya sakin pagkatapos naming makababa sa Mt. Manalmon.

"I attended a lot of events and night galas, so I don't remember if I already saw him before." sabi ko sa kanya.

"Sayang di ko na matandaan. Pero familiar talaga siya." sabay kibit balikat niya.

"Khloe! Thaliah! Pupunta kami sa bahay nila Jessi. Tara! Sama kayo!" sabi ni Zach. Isa sa mga close ko. As what I've said kanina.

"Sige ba? Anong oras ba?" tanong naman ng pinsan ko.

"Mga alas tres siguro. Liah! Sama ka ha?" sabi sakin ni Zach sabay tabi at akbay sakin. Mas matangkad siya sakin. Moreno. Makapal ang kilay at pilik mata. He's good looking and has a nice personality.

"Yeah! Of course. Pupunta ako pagkatapos mag pahinga." sabi ko sabay ngiti sa kanya.

"Hanggang kelan nga lang ba ang bakasyon mo?" tanong niya.

"One week lang eh, kailangan ko kasing bumalik agad." sabi ko sabay tingin sa magagandang nadadaanan namin.

"Too fast.. Sayang naman. Come back again soon, okay?" sabi niya na nalulungkot na mga mata pero agad din nawala. Ngumiti siya sakin.

"Of course! I like it here." sabi ko sabay ngiti. Totoo naman kasi gusto ko talaga dito. Bulacan is my hometown.

Maraming unforgettable memories na nangyari dito. Dito ako lumaki at nag-aral. Dun nga lang ako sa Manila nakapag tapos ng college.

Nakauwi na kami sa tinitirahan naming Mansion dito sa Bulacan. Family House talaga namin ito. Dito ako lumaki at dito kami tumira. It's modern but a little bit spanish ancestral house. Merong 8 rooms kasama na yung masters bedroom, room ko, guest rooms, maids room and library.

Umakyat na agad ako sa grand staircase para pumunta sa kwarto ko. Nagbabad ako sa bathtub sa sobrang pagod. Pagkatapos maligo at magbihis. Kumain muna ko at umakyat ulit sa taas para makapagpahinga saglit.

Nakatulog ako. Nagising lang ako ng may kumatok sa pinto. Bumangon ako at pinagbuksan ang pinsan ko naka highwaist denim shorts with blue top.

"Tara na! 3pm na. Mag ready kana." sabi niya sakin. Oo nga pala, pupunta kami sa bahay nila Jessi. Kaibigang babae ni Khloe. Her dad is a governor here in Bulacan. Lagi kami doon tumatambay kasi mas malawak doon ang lugar.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 13, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Waiting for The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon