Hurts
It took me a lot of confidence para lang makapasok, kase makikita ko na naman siya, yung sakit magiging sariwa na naman.
I need to be strong enough, kase titignan ko lang siya ay nanginginig na ako.
Umupo ako sa bandang likod kung saan walang nakaupo ni-isa. Dati ay magkatabi kami sa tabi ng aircon, ngayon sila nang dalawa ni Ariana.
Kahit di ako tumitingin ay nakikita kong naglalampungan sila. Ayos lang, ako naman yung nagpakatanga para sakanya, na ganon kabilis ay may iba na siya kaagad.
Lumipas ang oras at recess na. Hindi na ako bababa dahil wala din naman akong pambili ng pagkain. Pumunta nalang ako sa hagdanan ng 4th floor at doon nagpalipas ng oras.
Uwian na at didiretso na ako sa trabaho ko sa coffee shop. Pauwi nako nang nadaanan ko si Ariana at Archer na magka-akbay habang naglalakad.
"Look who's here, eto pala yung pinaglaruan mo, Archer?" sabi ni Ariana habang nakayapos kay Archer.
"Pasensya na kailangan ko ng umalis."
Dali-dali akong umalis dahil sobrang sakit, sobrang sakit na makita siyang masaya kasama ang iba.
It hurts that he's not mine anymore, but it sucks that he's happy with someone else.
Nagugutom ako habang naglilinis ako sa coffee shop. Alas-dies na nang maglakad ako para makauwi na nang may namataan akong kotse na pamilyar.
Lumabas si Archer at nilapitan ako. I was surprised because he looks miserable.
"G-Geo, about sa.."
"Ah ano Archer ayos na saken lahat. Yung lahat ng binigay mo sa akin ibibigay ko nalang bukas nang umaga sayo. Hahanapin ko lang lahat."
Tinalikuran ko na siya dahil sobrang sakit. Sobrang sakit talikuran ng pinakamamahal mo. Pero that's the only thing I can do to ease the pain, kahit konti lang.
Nasa bahay nako at hinanap lahat ng binigay niya saken. Ibabalik ko sakanya ito not because I am bitter, but because I know that all of the affection he showed me was fake.
At mabuti nang ganito, mas magiging masaya siya sakanya. Ang buhay nila ay pantay, samantalang kami ay siya ang langit at ako naman ang lupa. He'll do better with her.
Pinagluto ko na si lola dahil pagkatapos ay may labahin pako, extra kita din.
Pumasok nako sa kwarto ko at humiga. I cried in the darkness. The darkness comforted my despair. Darkness is my escape from the pain and chaos. How I wish to turn back time, to the time when the only thing I adore is the moon up above.
Bakit pa kaya kami pinagtagpo kung hindi naman pala kami tinadhana? To learn from the pain? Ganito ba matuto? Sobrang sakit palang matuto.
Kinaumagahan ay hindi na ako pumasok dahil sobrang sakit ng pakiramdam ko, sa kakaiyak siguro kagabe. Nilalagnat ako pero kailangan ko pang maglaba, para may pangkain kami ni Lola.
Uupo na sana ako pero biglang nagdilim ang paningin ko. Walang makita. Hilong-hilo ako at ang huli kong alaala ay bumagsak ako sa lapag.
YOU ARE READING
To the Moon and Never Back
FanfictionGia is your typical poor girl from a poor family. Masipag na bata at gagawin lahat para sa kaniyang Lola. Hindi siya naniniwala sa pag-ibig dahil sa kaniyang mga magulang. Mabait, at kayang tanggapin lahat ng sakit. Hindi siya pala-imik kaya't kahit...