3

26.5K 685 6
                                    

"BAKIT nagmamadaling umalis si Jewel, Bernard?" tanong ni Julia nang pumasok sa bahay ang binata.

Nagkibit ng balikat si Bernard. Tinungo ang kusina.

Sumunod si Julia.

Nagbukas ng ref ang binata at kumuha ng canned beer. Binuksan at dere-deretsong ininom hanggang sa mapangalahati.

"Ano ba talaga ang nangyayari sa iyo, Bernard? Bakit bigla ay ibinaling mo ang pansin mo sa mga babaeng Montejo? Hindi ako makapaniwalang ganoon kadaling magpalit ng damdamin ang isang tao."

"Hindi kami bagay sa isa't isa ni Jewel, Tiya Julia. She's rich..." matabang niyang sinabi. Hinila ang upuan sa dining table at naupo. Itinaas ang mga paa sa isa pang silya.

"Isang malaking kalokohan iyang sinasabi mo, Bernard!" ani Julia na nanlaki ang mga mata. "Maaaring hindi tayo makapangalahati man lamang sa yaman ni Leon pero hindi ka rin naman mahirap. Bilang anak ni Alicia, kalahati ng de Silva farm ay pag-aari mo. And by anyone's standard you're a rich man. Not to mention very handsome, too."

Tumaas ang isang sulok ng mga labi ng binata. Itinaas sa bibig ang lata ng beer and downed in two swallows. "Not all people shared your sentiments, Tiya..."

"Pero, Bernard..."

Bagot na tumayo ang binata. "Susunduin ko pa si Sandra, Tiya Julia, nangako akong ipapasyal ko siya sa de Silva farm."

"Hijo, you're doing a very big mistake," patuloy ni Julia na inikot ang wheelchair upang sundan ang binata. "Bakit hindi mo sabihin sa akin ang problema? O, kung ayaw mo sa akin ay kay Marco."

Isang bagot na buntong-hininga ang pinakawalan ng binata at nilingon ang matandang babae. "Gusto kong malaman ninyong walang problema. Kung sakali mang gusto kong makipagkita kay Sandra o kahit na sa kaninong babae sa bayan, iyon ay dahil gusto ko."

"Hindi ka dating ganyan, Bernard," giit pa rin ni Julia.

"People changed..."

"Oh... hindi ko maintindihan ang ginawa kong pagpapalaki sa inyo ni Marco. Pareho kayong tahimik at sinasarili ang mga suliranin. Only Emerald changed his attitude but it took thirty-two years for him to change into a happy man. And what about you, hijo?" nanlulumong wika nito.

Isang matabang na ngiti ang ibinigay ni Bernard dito. "Tiya, huwag n'yong sisihin ang sarili ninyo. No one can find fault sa pagpapalaki ninyo sa amin." hinagkan nito sa noo ang matandang babae at lumabas na.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Julia at sinundan ng tanaw si Bernard.

Kristine 4, Jewel, black Diamond COMPLETED  (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon