Genre: Romance
Written By: JotaarrooThis story is a work of fiction. Names, characters, places, events, locales and incidents are either the products of the Author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincedental.
"Mas maganda ka pa dun" madalas sambitin ng boyfriend kong si Blake sa tuwing akoy nagseselos sa ibang binibining kausap niya. Ou hindi malabong maisip niyo na ako ay napakaselosang binibini at hindi ko yun itatanggi sa iba dahil opo! Ako po yun at di ko yun ipagkakaila nino man.
Huling natatandaan ko ay maganda naman ang aming pakikitungo sa isa't-isa mula ng kami ay nagkarelasyon hanggang kami ay umabot ng limang taon. Sa limang taon na kami ay nagka-ibigan maraming pagsubok ang aming napagdaanan iilan lamang dito ay ang friendship over namin ng bestfriend ko dahil mahal niya ang mahal ko.
Minsan ko nang binalak na hiwalayan ang boyfriend ko dahil napagtanto kong hindi ko na siya mahal at ako'y naninibago lamang marahil siya ang first boyfriend ko. Lumipas ang ilang taon ng aming pagsasama bumalot ito ng kasiyahan, kapatawaran at kalungkutan. Kasiyahan dahil open relationship kami both sides, kapatawaran dahil minsan na kaming nagloko sa isa't-isa at kalungkutan dahil may mga bagay na bumabagabag pa sa aking isipan.
Senior High School na kami noon nang pinagdecide kami kung saan kami mag-aaral ng kolehiyo.
Nang mga oras na yun ay hindi ako makapagdecide ng maayos dahil laging bumubulong sa aking isipan ang salitang "takot". Natatakot akong may makilalang siyang ibang babae na di hamak na mas lamang sa kung anong meron ako. Ou sabihin na nating ubod ako ng selos at advance magisip pero di malabong mangyari lahat ng haka-haka ko, Ika nga ng iba diyan "boys will be boys" meron naman akong tiwala sa kanya pero sa ibang babae wala talaga lalo pa't ngayon na "bitches is everywhere".
So ayun nga sa kadahilanan na kami ay naghahanap ng mapapasukan na paaralan sinubukan naming mag entrance exam sa isa sa mga top universities dito sa amin kasama ang aming ibang kamag-aral at awa ng diyos ay naipasa naman namin ng iba kong kamag-aral habang siya ay waitlist. Kasabay ng aming graduation day ay ang pagplano nang aking mga magulang na lumuwas kami pamaynila to start our vacation at dito po nagsimula ang pangyayaring matagal ko nang kinakatakot.
Fast forward >>>
Buwan ng Mayo ng kami ay nagbakasyon bilang isang buong pamilya habang si Blake naman ay abala sa enrollment niya. Hindi kami nagkasabay mag paenroll sa kadahilanan ngang nasa maynila pa kami nun at bandang katapusan na kami kumuha ng ticket pabalik sa Cagayan De Oro City. Masaya naman ang bakasyon ko kahit paman magkalayo ang agwat naming dalawa sa isa't isa eh hindi naman ako sobrang nangulila dahil meron naman kaming communication through social media at text messages.
Isang linggo'ng mahigit ang nakalipas binalitaan niya akong papasok daw sya ng bridging program sa paaralang papasukan namen upang makaproceed sya ng Computer Engineering o CPE kasi nga GAS nga yung strand namin sa shs at hindi sya fit sa kukunin niyang course. Umuo naman ako sa chat kahit sa kaloob-looban ko eh takot at kinakabahan na. Sinabihan ko naman sya na,
"Baka mambabae ka dun ha!"
"Hindi naman babe. Pagaaral lang naman talaga ang sadya ko dito babe"
"Alam mo naman na ikaw lang ang mahal ko diba kulang na nga lang pakasalan na kita kaso mag-aaral pa tayo/ ako para may mapatunayan ako sa kanila" ani pa niya.
Eh' syempre ba't ko naman sya pipigilan ano ba ako sa buhay niya hindi naman ako ang nagpapaaral sa kanya inshort wala akong karapatan dahil jowa lang ako. Isip-isip din self.
Ilang gabi pa ang lumipas nang nagumpisa na siyang mag bridging sobrang excited siya nun at heto naman ako nakatulala sa mga bituin nagmumuni-muni kung kamusta na kaya siya dun. Lagi naman siyang naguupdate sakin sa tuwing aalis na sya sa boarding house niya, kung kumain na ba sya at kamusta na ang bridging nila hanggang sa tuluyan syang nagging cold at late na sya madalas mag reply saken. Ako kasi yung tipong babae na matampuhin kapagka hindi nabibigyan ng atensyon at napakanegative mag-isip.
Hindi ko na lang yun inisip masyado pinag-abala ko nalang din ang sarili sa pagpasyal sa valenzuela park kasama ang aking mga pinsan at nakakatandang kapatid. Pero hindi ko maiwasang mapadpad ang isip ko kay blake so I decided to text him but I got no replies from him.
Isang araw nagsend siya ng pictures saken sa messenger,
"Mommy asan jan magandang e profile?" ani niya.
*sinave ko ang nagustohan kong picture at isenend sa kanya*
Hindi ko alam na sa mga panahong iyon ay may ka friendly chat na pala siya ewan ko kung as a friend lang ba talaga kase pagkakaalam ko hindi na, inshort wala na silang dalawa sa boundary kasi babae din naman ako at alam ko kung paano kumilos ang babaeng may respeto sa lalaking may jowa na. Minsan din naman kase napaka powerful ng instinct nating mga kababaihan minsan pa nga nagtutugma diba? ((^_^))
So ayun binalewala ko lang yun just for the sake of blake's bridging. Sa totoo lang nangginginig na ako sa kaba at takot para kaseng may something sa conversation nila parang may mali.
May 28, 2019 so ayun nakauwi na kami sa Cagayan De Oro ang saya ko nun kase nga magkikita na kami sa wakas at miss na miss ko na rin siya kasabay naman ng pagdating namin ay nacurious ako kung sino ang mga kaklase niya kaya binuksan ko ang account niya at nagulat ako sa kaba ng makita ko ang conversation nila ng isang babae not one but there's more
d>___<b
Napakasakit sa part ko kase alam niyo yung feeling na madali ka lang palang palitan kahit na ang tagal-tagal niyo na grabe yung sakit na natamo mo sa sobrang tiwala mo sa isang tao masisira lang dahil sa "friendly chat".
Morning yun ng may bumulong sa aking isipan na buksan ko ang account niya at para naman hindi siya makahalata ang ginawa ko ay habang nagchachat kami binuksan ko yung account niya kase nga nagtataka ako bakit napaka late niyang magreply sa chat namin naglakas loob akong buksan dahil may kutob akong meron talagang mali.
"Asan ka na ba blake?"
"Nandito na ako sa AVR"
*nagselfie sya at sinend sa babae*
"Reserve mo naman ako nang seat please"
"Sure! No problem lakas ka saken eh"
Gumuho ang mundo ko ng mahuli ko na may kachat siyang iba habang nagchachat kami di hamak naman na mas mabilis syang mag reply sa babaeng yun sino ba naman ang hindi masasaktan kapag nahuli mo na at nabasa mo mismo gamit ang iyong mga mata.
Wala akong ibang maisip kundi ang tumulala at umiyak kung bakit sa dinamidami ng taong pwede akong saktan siya pa. Siya na unang lalaking minahal ko. Siya na sobra kong pinagkatiwalaan. Siya na binuhusan ko ng isang timbang pagmamahal. Siya na meron ako. Ngunit napagtanto kong,
Wala naman kasing naghihiwalay sa tunay na nagmamahalan. Hindi ako naniniwala sa "kailangan muna nating maghiwalay para malaman natin kung para talaga tayo sa isa't isa". At kung mahal mo, mag-sstay ka. Hanggat kaya mo pa, hanggat may maibibigay kapa.
Mag-stay ka. Diyan ka lang manatili sa tabi niya dahil may tamang oras para sumuko at mapagod hindi man ngayon pero sa takdang panahon.-Binibining Glayce
-------------------
Work of fiction
By: Jotaarroo
YOU ARE READING
Cheating is an Art
Ficção AdolescenteHello there! Newbie pa po ako sa watty and I'm not so good pa po to write stories, really sorry for the grammatical errors and if hindi po kayo satisfied you are free to comment po sa comment section. It is based on my past experience and binago ko...