Chapter 1 (family)

7.5K 223 11
                                    

"Punyeta ka umuwi ka pa!.. blah.. blah..", kasabay ng pagmumura ng kapitbahay namin ang nag gagalabugang kaldero, kutsara, sandok pinggan.... hay naku!. At kung anu ano pa..

Actually, sila ang pinaka alarm clock naming magkakapatid twing umaga.. o(╯□╰)o

To repeat.. twing umaga..meaning araw araaaaww.. (╰_╯)#

Ewan ko ba, bahagi na yata ng buhay nila ang mag away sa umaga at mag loving loving pag gabi.

Asar di ba?!... anyways, dahil nga nagising na kaming magkakapatid nag umpisa rin mag ingay ang bunganga ni madjay.. este.. ni nanay..hehe..

"Micmic, huwag mong kalimutan ang ilaw sa banyo. Sayang ang kuryente!."...

"Ibalik mo ang takip ng toothpaste, Tonton.. kapag nagapangan yan ng ipis magkakasakit tayong lahat.. mahal magkasakit!.."..

"Potpot, wag mong kulitin si Leslie at baka kagatin ka. Mahal mag pa injection para sa rabbies!.."..

"O, Kikay ang higaan nyo. Baka di pa naliligpit, baka maihian ni Leslie!.''..

O, nakita nyo na... di ba ang sweet?..

Ganyan lagi si nanay kapag umaga. Minsan nga gusto ko nang i suggest sa kanya na i record na lang ang mga "words of wisdom" niya para di siya mahirapan..

At saka napansin nyo ba ang mga pangalan naming magkakapatid?...

Tinamad na ata ang nanay na mag isip nang itatawag sa amin.

Aba naman kasi noh,.. kundi inuulit gaya ng Mic, Ton at Pot ay isang napakabantot na Kiiiikay ang type na type niyang itawag sa amin.

Pero ang aso namin, sosyal ang name.. tunog mayaman... ⊙△⊙

Nasaan ang justice dun diba?...

Pero ganyan lang naman ang nanay. Kung OA man na sabihin ko sa inyo na siya ang pinaka the best na nanay in the whole world.. i think pwede naman siyang maging supermom sa aming magkakapatid, dahil siya ang superhero namin.

Ganito kasi yon...... di ba nga ang nanay, "i'm in love with my boss" ang drama?

Tapos naiwan lang......

Laging nakatingala sa langit na para namang may babagsak na bituin sa kanya.

Yung tipong.... malayo ang tingin wala namang tinatanaw.. parang kanta lang..

Nasa loob pa lang ako ng tiyan ng nanay ay gusto na ni tatay Raul akuin ang pagbibigay ng apelyido niya sa akin.

Mag bestfriend kasi sila, pero ayon sa kwento ng nanay ay matagal na pala siyang love ng tatay.

Dahil sa noong araw ay isang malaking kahihiyan at karumaldumal..... ang OA hah...... ang magbuntis ng walang asawa, ay napapayag ng tatay na magpakasal ang nanay sa kanya.

Mabait, masipag, maalalahanin at responsable ang tatay, may itsura pa. Kaya madaling natutunan ng nanay ang ibigin siya.

Whoahh... ang lalim nun ah... (*^__^*)

Akala ko nga noon siya talaga ang tatay ko., kasi ako ang prinsesa ng buhay niya. Mas gusto ko pa nga siyang kasama kesa kay nanay. Kay tatay stress free ako. Wala masyadong bawal. Pero kay nanay,.. walang masyadong.....magawa ang beauty ko! Ang daming bawal.

Malaki na ako ng dumating sa buhay namin si Micaela. Na kung tawagin ng nanay ay Micmic.

Tapos si Anthony na Tonton naman ang itinawag...

At si Patricia na bunso namin na kung tawagin niya ay Potpot.

Masaya kami lagi.. lalo na kapag araw ng sweldo. Hindi kami umaalis sa pintuan at matyagang naghihintay sa pagdating ng tatay.

Sigurado kasing may dala siyang pasalubong sa amin.

At ako, bilang panganay ang mas may ekstrang uwi.. O(∩_∩)O

Every sunday nagsisimba kami tapos ay didiretso na sa palengke para kumain ng lugaw at itlog.

Habang namimili ng uulamin namin ang nanay ay maglalaro muna kaming apat sa playground ng plaza. Doon na namin siya aantayin.

Syempre, nakabantay sa amin ang tatay.

Pag dumating na ang nanay ay saka kami uuwi.


Kikay is da NameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon