Bahala Na!

55 2 0
                                    

         Mahirap talagang magkagusto sa isang tao na hindi ka naman pinapansin, na feeling mo na kaibigan lang talaga ang tingin niya para sayo. Yung feeling na wala ka na talagang kapagasa-asa sa kanya.

            Mahirap talaga magmahal lalo na kung ang mahal mo ay may mahal ng iba. Pero paano kung may pag-asa ka pala kaso lang sumuko kna dahil sa akala mo na wala ka sa standard niya. 

             Yan ang napapala natin sa akala, akala natin tama  pero mali pala, akala natin na ito na pero hindi pala at minsan ay akala natin  na hindi tayo para sa taong yun pero destined pala kayo para sa isa't-isa.

           Ako nga pala si Andrew at 16 yrs narin akong nabubuhay dito sa lupa kung saan minsan lang magkatotoo ang happy endings yung maglalast kayo forever. (Sa totoo lang sawa na ako dito sa mundo). Si Reiane ang crush ko simula pa ng makilala ko siya sa school. Pero may gusto na siyang iba. Saklap noh... yung feeling na hindi ka gusto ng mahal mo.

               Sa school ang super cool (daw) at laging nagpapansin (para lang kahit minsan ay mapansin ako ni Reiane my love...hahaha, nakakatawa talaga ako super g@go).Pero isang araw, ito ang araw na hindi ko inaasahan nakita ko siya sa park nag-iisa. Nilapitan ko siya at aasarin ko na sana siya kaso nakita ko siya na umiiyak.

"Oh, bakit ka umiiyak?", tanong ko, obviously worried ako.

"E-eh kasi naghiwalay na kami ng  boyfriend ko", umiiyak na sagot ni Reiane.

"Anu? hindi niya alam kong gaanu kahalaga ang pinakawalan niya.", sabi ko habang pinupunasan ko ang mga luha niya.

                 Umiyak ng umiyak si Reiane hindi na ako nakatiis at niyakap ko na siya. Habang niyayakap ko siya ay sinasabi ko sa sarili ko na bakit hindi ako ang nagustuhan niya, bakitsiya pa, anu ba ang mayroon sa lalaking iyon na wala ako.Kung ako lang ang inibig mo hinding-hindi ka masasaktan.

                          At bigla nalang tumawa si Reiane hindi ko alam kung bakit, at ng tumingin ako sa paligid ay palabas lang pala nila iyon. Pinagkatuwan ako ng buong klase, grabe naman toh oh bat ako pa ang pinagkatuwan nila. Pero pasalamat narin ako sa kanila dahil kung hindi sa kanila ay hindi ko mayayakap si Reiane.

                           Pagka-uwi ko ng bahay ay naka-ngiti parin ako dahil doon grabe pati pa naman sa paghiga ko ng higaan ay naka-ngiti parin ako hanggang may nag txt sa akin.

"Grabe ka naman kung makayakap wagas", txt ni Reiane.

"Sorry!, grabe kayo bakit ako ang pinagtripan ninyo" ang reniply ko sa kanya

"Wala lang, ok lang yun", sabi naman niya.

"Reiane pwede ba tayong magkita bukas",sabi ko

"Oo naman,saan?" sabi niya

"Sa park",sabi ko(yes ito na ang pagkakataon na sasabihin ko ang feelings ko)

       Kinabukasan ay nag-ayos talaga ako dahil sa ito na ang time na sasabihin ko na ang feelings ko para sa kanya. At doon na nga sa park, grabe ang ganda niya talaga nilapitan ko siya at tinakpan ko ang kanyang mga mata.Sabay sabi na I Love You Reiane.

     "Huh? A-anu?", gulat na sinabi niya

      "Mahal kita Reiane, noong una pa lamang kita nakita ay mahal na kita" kinakabahan na sinabi ko.

    "I love you too, Andrew but were better off to be friends" sabi niya

     Naluha ako sa sabi niya saka siya umalis sa araw na iyon ay nawasak na buo ang puso ko parang gusto ko nang mamatay. Parang ayoko na ngang pumasok dahil lang doon pero natawa nalang ako ganun talaga akala ko magiging ok pero hindi pala.

      Hay buhay nga naman parang life, wala talagang happy ending. :(

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 25, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bahala Na!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon