I LOVE YOU "LABO"

258 8 25
                                    


BEGINING..

"Apat ang mata!" -- Sigaw ni Alfred sa kanya na sinundan ng malulutong at mapang asar na tawanan hindi lang ni Alfred kundi pati na rin ng mga iba pa'ng mga kabataan na kasama niya..

Nakita ko ang unti-unti'ng pag mo-moist ng makapal ko'ng eye glasses tanda ng nag babadya ko'ng pag iyak..

Nakaka inis talaga! Ang tamad tamad kase ni Terry. Ayan tuloy ako ang inutusan ni nanay na bumili ng Pandesal sa may Labasan. Hindi na rin naman ganoon ka aga dahil 8:00am na. Pero alam ko na may tinda parin na pandesal sa bakery nang mga batanguenio nang ganito'ng oras dahil
24/7 sila'ng bukas at di nawawalan ng pandesal dahil iyon lang ang tinapay na tangi'ng tinitinda nila.

Eto na naman ako. Siyempre isa lang ako, madami sila. Talo agad ako..

"Labo! Labo! Labo! Labo!" -- Chorus na panunukso nila sa akin nung hindi parin ako umimik.

"E anu ngayon kung malabo ang mata ko!?" -- Sabi ko noong hindi ko na na tiis. And yes, I am relly pissed! Basag na ang boses ko at may umalpas nang maalat na tubig mula sa mga mata ko..

"Wala naman Labo!" -- May panunuya parin na sagot sakin ni Alfred sabay hagalpak na naman ng malulutong na tawanan na lalo'ng nakapag pasama nang loob ko.

Bakit ba sa dinami nang mga bata dito sa sub. ako pa ang napili nila'ng pag tripan?

Nilagpasan ko nalang sila kahit ang totoo gusto ko talaga'ng gumanti sa kanila. Pero ano'ng gagawin ko? Hindi ko sila kaya'ng mag-isa dahil Anim sila at iisa lang ako. Hindi ko naman  sinusumbong kina Nanay dahil alam ko na i-ga-grounded lang naman nila ako at sasabihin nila sa akin ang famous line nila'ng "Wag ka na lang kase lumabas Mau! Aawayin ka lang nila. Matulog ka nalang para mabilis ka'ng lumaki." -- Tapos noon, hindi na nga nila ako palalabasin.

Kaya naman kapag nakaka salubong ko sila, hindi ko nalang pinapatulan kase alam ko na wala naman din ako'ng laban sa kanila. Bukod doon ay kaibigan sila ni kuya Mitchelle. Alam ko naman na hindi niya aawayin ang best friend niya para saken. Isa pa hindi naman nila ako sinasaktan kase nga barkada sila ni kuya. Yun nga lang, palagi nila ako'ng binubuska. Hindi ko talaga maiwasan na hindi ma-iyak sa mga pang-aasar nila sa akin lalo pa at hindi naman ako marunong mang alaska nang kapwa bata at isa pa. Kasi. Crush ko siya. Oo crush ko nga siya kaya lang nakaka inis lang kase napaka sama ng ugali niya. Bakit ba ako nagkarun nun sa kanya? Nakaka asiwa.

I LOVE YOU "LABO" [OneShot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon