Chapter Three: Dream House

159 1 0
                                    

Chapter Three: Dream House

 
Sophia’s POV

“Ano ba nagpapakamatay kaba? “ sigaw ko sa kanya ng bigla ay nagpreno sya.

“sorry” sagot niya at pinagpatuloy na niya ulit ang pagmamaneho. simula narinig niya ang I love you ko kay aiden kanina ay naging ganyan na siya, parang nawala sa focus.

“Boyfriend mo ba yun?” biglaan tanong niya sa aken, at ano naman sa kanya kung boyfriend ko ba si aiden o hindi.

“Yes” proud na sagot ko.

“Ahh.” tipid na sagot niya.

sa sinabi kong yun ay naging tahimik na ulit ang biyahe namin. ang tagal naman kasi ng biyahe na ito. ganoon ba kalayo ang bahay na titirhan namin.

“gusto mo ba buksan ko ang radio” tanong niya . siguro nahalata niya na naboboring na ako .

“sige” sabi ko na lang . para naman kahit papaano ay mabawasan ang katahimikin sa amin.


“so here’s the no.1 requested song”

 

What would I do without your smart mouth

Drawing me in, and you kicking me out

You got my head spinning, no kidding, I can't pin you down

What's going on in that beautiful mind

I'm on your magical mystery ride

And I'm so dizzy, don't know what hit me, but I'll be alright

 

pagkaplay ng sounds ay nagkatinginan na kami kasi intro pa lang alam ko na kung ano yan.

All of Me lang naman ni John Legend . Kaya pinatay na niya agad . siguro alam niya na ayaw kong marinig ang kantang yan.

“Sorry. Nangaasar yata talaga” sabi niya

“Ok lang” sabi ko sakanya .

“Malayo pa ba tayo?” tanong ko sakanya . parang ang layo naman kasi hindi na kami nakarating. kanina pa kami nasa byahe.

“medyo malayo pa ” sagot niya

“Idlip ka muna, gisingin na lang kita ” dugtong pa niya


----

"Kim gising na , dito na tayo "   rinig kong sabi niya habang tinatapik tapik ako . nakatulog pala ako ng di ko namalayan.

“Tara. Baba na tayo, para dun ka na lang ulit magpahinga”

“sige una ka na “ sabi ko na lang sa kanya.

“sige sunod ka na lang ” sabi niya bago bumaba sa sasakyan bitbit ang mga gamit ko.

Pagkatapos kong ayusin sarili ko bumaba na din ako ng sasakyan at laking gulat ko ng bumungad sakin ang magandang bahay na napapaligiran ng mga paborito kong bulaklak .  (picture on the side para mas maimagine niyo.)

“nagustuhan mo ba?. “ nabigla ako sa biglaan tanong niya . diko namalayan na nasa tabi ko na pala siya.

“naalala mo pa ba ito.? ” tanong niya ulit sa akin . tumingin lang ako sakanya habang tinitingnan niya ang bahay.

“diba ganito yung pangarap mong bahay. Ganito yung dinrawing mo na dream house mo noong high school pa tayo” kaya napatingin ako ulit ako sa bahay na nasa harapan ko . oo ito nga yung dream house ko .  di ko akalain na naaalala niya pa pala yun.

“pinaghirapan kong idesign yan. At gusto ko ako yung gumawa nito . diba ang sabi ko sayo noon na tutuparin ko yung pangarap mo na yun . at eto na yun.” Nabigla ako sa sinabi niyang yun . ano ba gusto niyang iparating na utang na loob ko pa ito sa kanya.

“sana hindi mo na lang ginawa yan. Hindi mo na kailangan pa tuparin yun ”

“kahit hindi na tayo gusto ko tuparin ko pa rin yun kasi mahalaga ka pa rin sa akin at alam ko galit ka lang kaya nasasabi mo ito. Kaya pwede bang magpasalamat ka na lang .” tugon niya

“Sorry kung sa tingin mo hindi ko naappreciate. Pero salamat” sagot ko. Kasi alam ko sa puntong yun ako ang mali. Na sumosobra na ako .

“Ok lang. Tara pasok na tayo alam ko naman pagod ka pa sa biyahe” sabi niya at pumasok na sa loob dala dala ang mga gamit ko.  

Pagkapasok sa loob ay namangha ako dahil hindi lang sa labas maganda pati na rin sa loob at masasabi kong pinaghirapan nga niya talaga ito.

“Tara hatid na kita sa kwarto mo” sabi niya kaya sumunod na ako sa kanya.

--

Pagkahatid niya ng gamit ko sa loob lumabas na agad siya. At inayos ko na rin ang mga gamit ko.

Pagkatapos kong ayusin ang gamit ko ay humiga na ako sa kama.

Yung pangyayari kanina, Alam ko galit sya sa sinabi ko sakanya. Kahit sinabi niyang Ok lang..

Oo tama siya galit lang ako kaya nasabi ko yun pero masisisi  niyo ba ko nasaktan ako ng sobra sa ginawa niya.

Nasabi ko lang naman sakanya kanina yun dahil ayoko ng maalala pa yun yung panahon na magkasama kami. Kasi kahit na may magaganda nangyari ng panahon na yun hindi ko pa rin maiwasan na maisip ang mga dulot nitong sakit.

 

-----

May nagbabasa pa ba ?

pasensya na sa matagal  na update .. 

Enjoy Reading .. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 10, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Second Chance On Love(On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon