Chapter 2
I laughed sarcastically. This is the first time I'm being sarcastic to someone.
"Coming from a bad boy, hmm, so I really am a bad girl." saad ko sa kaniya.
I can sense that I'm getting annoyed by him.
Hindi siya nakangiti or namangha sa ugaling ipinakita ko sa kaniya. Which is way more irritating. He's just staring at me intently.
Tumayo na siya at ibinulsa ang sigarilyo at lighter ko.
"If you are gonna skip your last subject then go home and don't stay here." anito at binuksan ang pinto para umalis na rito.
Huminga ako ng malalim at napapikit. I know he's not gonna tell anyone but I don't want the idea that he knows about my secret.
Sa araw na ito, pangalawang beses na naman ako nagising ng matagal. Ilang linggo na nang nangyari iyon ngunit napapanaginipan ko parin minsan.
Bumukas ang pinto ng kwarto ko. "Sweety? Aren't you gonna wash up? You're gonna be late." Napabangon ako nang marinig ang mababang boses ni mommy.
"Sorry, mom... I'm going to wash up now." ani ko at inayos na ang higaan.
Mamaya pa ang klase ko sa aking major subject ngunit kailangan kong pumunta sa school ng maaga nang buong linggo para turuan ang isang buong block sa kanilang minor subject na major ko. They asked for my help last friday and I had no choice but to say yes.
Nasa harap ako nang salamin habang tinitignan ang sarili. This is so not me. Napaka-ayos nang suot ko. Halos lahat ay nakabutones. Maging ang makeup ko ay masyadong konti kaya nagmumukhang mabait. I want to put some eyeliner but I know that I can't.
Inirolyo ko ang aking mata at lumabas na nang kwarto dala ang bag ko.
Papasok na ako ng gate ng mapansin ang nagkukumpulang mga estudyante may hindi kalayuan. Naglakad ako palapit roon. Umangat ang tingin ko sa banda ng mga nagkukumpulan.
Clinic? Again?
I rolled my eyes. Huwag mong sabihing si King na naman na pumasok sa paaralan na may pasa sa mukha? Bakit ba laging may kaaway ang lalaking iyon?
"Anong meron?" tanong ko parin sa isang babaeng nakatayo lang sa tabi ko. Mukhang second year college ata.
"Ah, ate Celestia! Hello po!" Yumuko ito para batiin ako. "Uh... Nakita po kasi ng guard si kuya King na may pasa sa labas ng gate. Dinala po siya dito sa clinic pero nanlaban po kaya nakabasag ng gamit sa loob at nasugatan si guard..." aniya.
Nabalik ang tingin ko sa pintong nakasara.
"Nasaan na siya?" tanong ko na hindi na nakatingin sa babae.
"Umalis nga po eh. Hinanap na ni Prez." anito.
Pati ang president ng student council ay nadadamay na sa kalokohan nang lalaking iyon.
"Ganoon ba..." nilingon ko siya at nginitian. "Mabuti pa at bumalik na kayo sa room niyo. May klase pa kayo hindi ba?" Nakangiting suhestyon ko.
Napatingin ang ilang babae sa akin nang marinig iyon. Agad silang nahiya at nilapitan ako.
"Ate Celestia! Magiging okay kaya si kuya King? Mukhang mas malala iyong sugat niya ngayon kaysa noong isang araw! Kawawa naman po siya..." malungkot na sinabi nang isang first year.
"Celestia! What do you think? Mahahanap kaya siya ni Prez?" ani naman nang mukhang kaklase ni King.
Paano ko naman malalaman? Close ba kami? Ni hindi nga kami nag uusap noon.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy King Ferrel
Teen FictionThe first meeting, she was caught smoking cigarette by the person she hated. The second time, the same thing happened again, but she accidentally... kissed him. "Your secret that you don't want anyone to know. I'm taking advantage of it." A...