Chapter 6
Nanunuod kami ng movie sa kaniyang TV habang ako ay nakaupo sa kama niya. Siya naman ay nasa upuan at sa tabi ng kama pumwesto.
Nilingon ko siya.
"Pwede ka namang mahiga sa tabi ko. Kama mo naman 'to." suhestyon ko.
Huminga siya ng malalim at umiling.
"Hindi ka ba uuwi?" tanong niya at nilingon ako.
"Nope!" sagot ko agad.
Eto kasi ang unang beses na pinayagan ako ni Dad na pwedeng bukas umuwi kaya sinamantala ko na. Paniguradong pumayag lang 'yon dahil akala niya kayla Harold ako makikitulog.
He sighed, again.
"Say, why are you doing this?" Nagulat ako sa tanong niya pero kalaunan ay nagkibit balikat nalang rin.
"No reason."
"Are you lonely?"
Natahimik ako at ngumuso.
Well... Today, I was so desperate of human contact and he was the only person I could think of. Alam ko kasing hindi siya makakatanggi dahil sa sekretong nalaman ko.
"Yeah... I'm lonely." sagot ko habang ang mga mata ay nasa TV. Patay ang ilaw at ang TV lang ang nagbibigay liwanag sa kwartong ito.
"Do you really have to come here?" tanong parin niya at hindi inaalis ang tingin sa akin.
Is he trying to interrogate me?
I shrugged. "What do you think?" Nilingon ko siya at nakita ko na naman ang mga mata niya.
I'm not seeing this wrong. His unamused and uninterested face — it's really attractive. I'm digging it.
"Sanay ka bang pumunta sa bahay ng mga lalaki mo?" Napaawang ang labi ko nang marinig ang kasunod na tanong niya.
I chuckled. "Of course not! Bahay lang ni Harold ang napuntahan ko. Hindi rin ako pumupunta sa bahay ng iba dahil ayoko ng issue." kaswal kong sagot.
"So, why are you here? You aren't afraid if a scandal would be spread out?" He's questioning me but he doesn't look interested. However, he's really asking me bunch of questions, huh?
"Of course, I'd be scared. But, I know it's not going to happen." I said and pouted.
Tinagilid niya ang ulo para tignan ako sa mata. "Why?" He asked.
Umayos ako ng tayo para masagot ang tanong niya.
"Isn't it obvious? Because you are not going to let it happen." saad ko.
Hindi naalis ang tingin niya sa akin. Maya maya ay napailing nalang siya sa sagot ko at tumayo na. Mukhang napagod kakatanong sa akin. Lumapit siya sa closet niya at nilabas ang isang damit. Itinapon niya sa kama iyon at sinara na ang closet.
"Para saan 'to?" tanong ko at kinuha ang nakatuping puting damit. Sobrang haba nito dahil sa katangkaran niya.
"Walang kakasya na pajama para sa'yo. May dala ka bang underwear?"
Yes! Napapayag ko siya!
Tumango ako at pilit na itinago ang ngisi ko. "Yeah..." At may dala rin akong mga damit sa kotse ko. Sasabihin ko ba?
Sinamahan niya ako sa paglabas ko para kunin ang underwear ko. Plinano ko talaga 'to kaya nagtagal ako sa pagdating sa bahay niya. Ibinaba ko ang bag na may lamang mga damit at dress ko para itago. Tanging paper bag lang na may lamang underwear sets ang dinala ko.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy King Ferrel
Teen FictionThe first meeting, she was caught smoking cigarette by the person she hated. The second time, the same thing happened again, but she accidentally... kissed him. "Your secret that you don't want anyone to know. I'm taking advantage of it." A...