Blaire's POV

684 40 23
                                    

Isa lamang akong simpleng estudyante. Ako yung tipong nobody sa school. Kumbaga, ordinary lang.

Hindi ako kabilang sa mga popular sa iskwelahan. Ang ginagawa ko lang sa school, mag- aral at..

Syempre, huntingin si crush! Abnormal ka kung wala kang crush. Hahaha.

Ako nga pala si Blaire Escobar. 16 years old. 4th year high school na ako. Infairness, nakaabot ako ng 4th yr. kahit petiks lang ako. Hindi naman kasi ako katalinuhan, tamang pumapasa pasa lang. Baliw daw ako sabi nila. Napakagandang baliw ko naman. Hihi. Tapos mahilig ako mang- scam ng mga tao. Haha. Ang saya kaya.

Pero uy, may crush ako. Simula first year high school.. crush ko na siya!

Siya si Patrick John Alarcon also known as, PJ. Gwapo siya. Cute. Magaling tumugtog ng gitara at higit sa lahat friendly.

Friendly siya sa lahat except sa akin. Bakit ganon? Gusto niya kaya ako? Or nahihiya siya sa akin? Ayeeeee. Kilig ako. Pero nag- uusap naman kami kasi di niya naman alam na crush ko siya.

Tinaguriang class clown pa kami!!! Yeeee. Pero bakit hindi na lang love birds? Huhubels. Okay na din yun no! Atleast may label! Wala kayo nyan! Hahaha.

Alam niyo ba na first time ko siyang maging kaklase. As in. Simula elementary parehas na kami ng school ata pero hindi ko pa siya napapansin nun.

Nagpapasalamat ako sa mga ginugol kong 11:11 wishes araw- araw dahil natupad ang hiling ko na sana maging magkaklase kami ngayong 4th yr. At yes naman oh! Natupad nga.

Try niyo mag- wish. Effective mga teh! Pero talaga namang luluwa mata niyo kakahintay sa 11:11 na yan pero worth it.

''Hoy beh!! Day dreaming nanaman ang peg mo.'' Sabi ni Anika. Bestfriend ko.

''Epal ka talaga kahit kailan. May quiz ba? Hindi pa ako nag- aaral eh.'' Sabay kamot ko sa ulo. Wow ha. Mas inuna ko pa yung day dreaming sessions ko kesa sa studying sessions ko. How nice. Haha.

''Yan kasi. Day dream pa more. Para namang may makukuha ka dyan. Mag- aral ka na. Baka may surprise quiz si Ma'am mamaya!'' Inis na sabi ni Anika.

Ano ba yan. Tinatamad ako mag- aral lalo na't wala pa yung inspirasyon ko eh. Yeeee. Kinikilig ako. Nasaan na kaya yun?

Ay nakalimutan ko.. Nandito pala sa puso ko. Lalala. ♡♡ Walang basagan ng trip. Hihihi.

''Um.. Excuse me, pwede papalit ng upuan ko sa upuan mo? Sanay kasi ako na yan upuan ko eh.'' Sheeeeet. Si PJ. Oh my gosh.

Kinakausap niya ba ako? Weh? Di nga? Baka panaginip lang 'to? Masampal nga sarili ko.. ''Aray!!!'' Shet. Totoo nga.

Agad agad kong binigay yung upuan ko at kinuha yung upuan na hatak niya. Shemay. Effective pala yung plano ko.

Pinagpalit ko kasi upuan namin eh. Wahaha. Anong paki niyo? Mga para- paraan sessions. Haha.

''Salamat.'' Sabi niya. Okay. Sa pagsabi niya nun, mas lalo akong kinilig. Waaaaah. :''>

Alam mo yung simpleng mga conversations mo sa crush mo, kikiligin ka na? Shet. Ang feels ko mga baks.

''Tuwang tuwa teh? Laglag na panty mo na parang sa lola mo pa uy.'' Sabay epal ni Anika.

''Seriously? Hobby mo ba ang putulin ang kasiyahan ng iba? Baka gusto mong ibaon kita sa manhole? -___-'' Letseng Anika. Epal talaga kahit kailan.

''Hoy best.. Ikaw na lang kaya ilubong ko sa manhole with fafa PJ. You want? Yeee.'' Pabirong tanong ni Anika.

''Gora teh! I- push mo yan. Pagawan mo na rin kami ng lapida. Dapat Alarcon na apelyido ko ha? Sheeeet. Kinikilig ako. Bwiset.''At pinaghahampas ko na si Anika.

The Feeling Is Mutual (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon