Wendy point of view
Lumipas pa ang mga araw di na namin nakikita ang isat isa, siguro dahil umiiwas din sya kaya ganun...
Dumating na yung point na madalang nalang ako mag parinig sakanya yung tipong kada dalawang araw isang parinig na post para saknya, hanggang sa nag post ako nang pag kahaba haba, sa facebook ko ito sinabe dahil di pwede sa messenger kasi nga inignore nya ako, kaya sa facebook ako nagpost
Ang sabi sa post nayun, salamat alexah sorry alexah ganun, tapos kung ganun ganun nalang ba talaga? di naba tayo maayos tapos sa pinaka dulo nun nakalagay
"React ka pag nabasa mo na para madelete ko agad" sabi ko sa post
After ilang minutes nakita ko nang nilike nya ito, kaya ayun... nalungkot ako dahil react nga lang talaga
Mag dadalawang linggo na galit padin sya saken, kung ano ano na yung natatanggap kong balita, tapos etong kaibigan nya inignore din ako ayaw daw kase nilang nakikita si beb na umiiyak dahil saken.
Di ko mainindihN ibig sabihin nila don, pero bahala na
lumipas ang dalawang araw matapos kong mag post sa facebook nang pag kahaba haba, nag post ulit ako at sabi ko don sa post nayun
"Sige na, di na kita guguluhin, di na kita kukulitin" sabi ko
Nung araw nayun sukong suko na talaga ako, ayoko na talaga... nagalit sya saken nang di ko alam? nang di ko alam yung dahilan? ewan ko ba, pero kung maka asta ako parang jowa ko sya, yung tipong ayaw ko syang umalis at mawala.
Makalipas ang ilang minuto, nakita ko syang nag post sa timeline ko ang sabi nya don
"Wait kalang, chachat din kita di pa sa ngayon" sabi nya
Hinintay ko ang sinasabi nya na iyon pero wala paden, hanggat sa nakaabot to sa iba ko pang mga kaibigan (Shane at umbal) kaya ayun, inakyat nila si beb para kausapin, pero pinipigilan ko sila dahil galit na galit sila kay beb na para bang gusto na nilang saktan si beb, kaya pinipigilan ko sila
Lumipas pa ang mga araw at ganun paden, gusto padin nilang kausapin beb, hanggat sa pumayag nako na kausapin nila si beb, pero nakiusap muna ako sakanila
"Please, wag nyo syang sasaktan, kilala ko kayo, binabawian nyo yung mga taong nag papaiyak sa kaibigan nyo kaya please wag nyo syang gagalawin o maski mahawakan man lang" pakiusap ko
Matapos nang pakiusap nayun, nag usap na sila
Matapos ang pag uusap ay bigla kong tinanong si shane kung ano pinag usapan nila, ang sabi saken ni shane
"may family problem lang daw sila kaya di ka nya muna kinakausap" sabi ni shane
Nang marinig ko iyon nabigla ako
"Yun lang? family problem pero nadamay ako? ano yun?" sabi ko
"Malay mo ayaw ka nyang madamay" sabi ni coleen
"Ayaw ako madamay? bakit ano ba ginawa ko? at isa pa, ang sabi namin sa isat isa na kapag mat problema mag sabi agad" sabi ko
"Ewan ko din ba bakit ganun" sabi ni coleen
Ewan ko kung bakit pero nakaramamdam ako nang galet, hayss bat pa kasi kaylangan ganun diba? bat kaylngan ko madamay, wala naman akong ginawa
____________________
Thanks for reading
BINABASA MO ANG
STICKY NOTES (EDITED)
FanfictionIsang babae na nag kagusto sa kapwa nya babae, lagi nya itong binibigyan nang papel na tinatawag na "sticky notes" na naging simula nang storya nilang dalawa "Pinagtagpo pero hindi tinadhana" (HEHE! MEDYO NA PALITAN YUNG IBANG PART PERO BASE PARIN S...