"Hooooy! Ano na naman ang tumatakbo diyan sa utak mo't parang wala kang nakikita...! Problema ba yan ha?" bati ni Ehna.
Si Creestina, isa sa mga friends ko since high school. Ehna ang tawag namin sa kanya ng grupo. Iba ang course niya Food Technology...mahilig kasing kumain pero mabait siya at good listener...kaya sa grupo namin siya ang pinagsasabihan ko ng mga problema, ganun naman din siya sa akin. Palibhasa classmate ko sa nung high school kaya kilala na namin ang isa't-isa. Ang iba kasi dito na lang sa university nagkakilala. Okay naman lahat..si Ehna lang kasi ang nakakasabay ko sa pag-uwi.
"Congrats ha, galing mo kanina sa Mi Ultimo Adios...Impress si Ms. Artuz sa iyo ah! Sigurado 1.0 na naman ang grades mo dun. Idol na kita...." dugtong ni Ehna.
"Hindi naman...nagkataon na gusto ko lang yung adios...adios na yun." Asan nga pala ang iba?"
"Andun sa canteen..nauna na ako sa kanila eh, hindi ako nag-almusal..nagmamadali ako kanina eh. O eto nga pala..sandwich at buko juice...alam ko hindi ka pa nagmemeryenda. Medyo naka-extra ako sa erpat ng allowance. Sabi ko me lulutuin kami pero wala...hehehehe...best actress to alam mo ba...o e bakit nagsosolo ka dito?"
"Salamat...Wala naman, napagod lang siguro ako kanina sa kae-emote. Saka bigla kong naisip si Papang eh....Ewan ko ba..siguro namimiss ko lang... Alam mo naman na Papa's girl ang lola mo. Lam mo naman Ehna na bestfriend ko si Papang eh...Ewan ko ba...kung bakit bigla ko siyang naisip..."
"Wag mo ng isipin yun...uuwi din si Papang mo..malay mo sorpresahin kayo nun..to talaga! Ang importante...okay siya dun at pati si Mama mo... tsk..okay lang sila..alam ko naman na malakas ka nuon pa...kaya nga idol kita eh....ha..ha..o ano...di ba tol..?
Napangiti tuloy ako sa sinabi ni Ehna...Oo..totoo yan..malakas ang loob ko nuon pang bata ako. Siguro mas naihanda ko na ang sarili ko kung anuman ang mangyari..pero thanks GOD wala pa naman kagrabe about our family.
"Naalala mo ba nung high school na pinagbintangan ako ng mga kaklase natin na nanguha ng pera?", kwento ni Ehna. "Talagang pinagtanggol mo ako nun kahit na walang naniwala sa akin at dalhin ako sa guidance office. Habang nandun pala ako nagtanung tanung ka kung paano nangyari kahit na makulitan sila sa iyo at halos magalit dahil kinakampihan mo ako...gang sa ma-trace mo na naiwan pala ng bruhang yun ang pera niya sa library nang manghiram ng books. Mabuti nakuha ng librarian. Naku, kung hindi lng sa iyo...tutal na guidance na ako...babangasin ko na ng mukha ng bruhang yun...di pa nga nanghingi ng sorry di ba? Kapal ng mukha! Mabuti nabuntis...mabuti nga sa kanya..."
"Yaan mo na yun..., ang sabi ko.. "At least ikaw kahit na mahirap para sa parents mo na pag-aralin ka...ayan ka pa rin...at least 2 years gagraduate na tayo at magtuturo ka na...dapat proud ka dun.."
"Friend...salamat ha? Basta lakasan mo ang loob mo...kahit na dumating yung time na kelangan nating magpart ways..mahal na mahal kita...SANA...magturingan pa rin tayong big sisters..." sabi ni Ehna.
"Oo naman...magkadikit ang pusod natin, remember?" sagot ko naman sa kanya..
"O tara na...tinatawag na tayo ng mga pangit o...alam mo naman sister...tayo lang ang maganda sa barkada natin.." Sabay tawa ng malakas ni Ehna at sabay akbay sa akin at naglakad kami na nagtatawanan.. SANA...palagi kaming masaya ni Ehna. Masayang kasama sa lahat ang friend ko na ito..kumbaga di boring..ganun.
Walang gaanong hassle for a month..palaging ganun pa rin ang routine ng buhay ko.. may pagbabago konti lang..yung mga projects na pinagpupuyatan ng ilang gabi. Mga drawings..paggawa ng floor plan at gumawa ng miniature house...yung ginawa ko yung dream house ko. Simpleng bahay na gawa sa kawayan..modern ang designs niya...me haligi siyang mataas na consider ng silong...pinaghahandaan ko kasi kapag may sarili na akong bahay yung kahit na 6ft ang lalim ng tubig...safe pa rin kami ng pamilya ko...yung loob niya walang division...ang hagdan ay nasa gitna..kaya para siyang pa letter U. At ang mga kuwarto parang mga kubo na nabibili sa tabing daan. Nang makita ng Professor namin dinisplay kaagad kaya lang me note dun na nakalagay "walang gagaya in the future, dream house ko to". Natatawa ang bawat nakakakita...wierd pero maganda raw..kakaiba. Yan ang forte ko...kahit anong creation ko...gusto ko wala akong ginagayahan...original works ang gusto ko. Kahit sa mga designs. Kaya ang University ginawa akong member as a campus artist. Okay lang kahit dagdag responsibilidad at least nageenjoy ako at yun ang talent ko.
BINABASA MO ANG
SANA...SANA
Художественная прозаIsang salita na madalas na maririnig sa mga taong sa palagay nila na pinalagpas nila ang isang pagkakataon, may pagsisisi sa huli, may nangangarap na mangyari na kahit na alam nilang imposible... pero ang lahat ng sinabi ko tayo pa rin ang gumagawa...