"Anak bangon na bibili ka pa ng almusal..."
"Opo Ma..."
Routinary na ang ganyang eksena sa aming dalawa ni Mama...kung bakit naman hindi pa ko masanay. Araw-araw ganun kami ni Mama....
Nagsosolong anak? Ah, hindi! Actuallly dalawa kaming anak ni Mr. Abnerancio at Mrs. Zenaida Randez. Parehong babae at ako ang bunso. Alam mo na.... kapag bunso.... utusan ng matatanda.. walang magawa kundi sundin sila at kapag umangal.. patay kang Asther... Opo , yan ang pangalan ko, 17 years old pa lang ako nun at ang ate ko 19 years old naman. Okay naman kami kaya lang ako ang tinatawag na 'ugly duckling'. Well, tanggap ko naman...pero hindi talaga ako pangit ah! Nagkataon lang ang Ate Charrie ang mas maganda sa kin ng ilang paligo lang...I guess so...
Tama, konti lang...may iba akong katangian na wala siya. Hindi naman perpekto ang isang tao di ba? Meron tayong mga magagandang katangian na binigay ng Dios na wala sa iba o vice versa. Depende na lang sa tao kung paano niya gagamitin o maovercome ang kahinaan niya sa tamang paraan. Ang paniniwala ko kasi hindi sa atin ibibigay ng Dios ang lahat ng ito kung hindi natin kayang ihandle.
Sabi nila, inggit lang ako sa sister ko... mmmm...siguro... natural na sa tao yun eh..kaya lang kung paano na lang niya dalhin sa sarili niya...Meron kasi ang 'sobrang inggit', nakakasakit na ng damdamin ng isang tao..minsan napapanuod ko sa tv yung sobrang selos nakakamatay na, o kaya di na nakakagawa ng maganda at marerealized na lang sa huli ang pagkakamali kasabay ng pagsisisi. Bakit na lang kasi gawin na lang na ang mga negative attitude na tulad ng 'inggit', gawin na lang na way para makuha ang gusto natin di ba? Pagsikapan...Kapag naiinggit nga ako sa kapatid ko o sa ibang tao, iniisip ko nalang na magkakaroon din ako at palagi akong positibo..
Noong maliit pa kami ni Ate Charrie, 4 years old ako at si ate 6 yeara old, madalas kaming kasama ni mama papuntang Manila. Mura pa ng value ng pera nun di tulad ngayon..kagrabe..kulang na lng na 'sana' umulan ng pera! Sa Manila, pinupuntahan ni mama ang kapatid niya na nag-aaral sa isang kilalang university...Teacher ang gusto nun eh at gusto pa sa Manila mag-aral, alam naman ng lahat na average lang pamumuhay namin. Palibhasa si Mama ang panganay sa limang magkakapatid...takbuhan siya kapag me mga problema ang mga ito.
Pupunta kami sa Manila para magbigay ng allowance kay Tita Polly. Second year college pa lang siya pero sulit naman si mama dahil nasa dean's lister naman. At least... me kunswelo si Mama sa kanya. Pero kakaiba ang ugali ni tita... sumpungin pero mabait naman.
Bago kami umuwi pa probinsiya....pupunta muna kami nila Mama sa mall...tandang- tanda ko pa ang name...COD! Magaganda ang mga damit dun! Kapag namili si Mama ng damit....pareho kami ni ate para walang inggitan sabi niya...
Palaging pareho kami ni ate sa damit....o sa lahat ng bagay para walang inggitan at kahit iba pa ang kulay nito basta pareho ng tabas ng damit...magkaiba lang kami sa mga laruan...ako..gusto kong mga laro yung luma kong palayok palayukan...mga lutu-lutuan na gawa sa lata na nabibili sa perya tuwing piyesta....kahit mag-isa, naglalaro ako at gamit ko sa pagluluto ay gumamela.... kuntento na ako sa laruan ko.
"Bunso....Bangon na papasok pa kayo ni Ate mo!" sigaw ni Mama...
"Opo..andiyan na!" Haaay...nage-emote pa ako, si Mama talaga...
Bata pa kasi ako ako na ang utusan ni Mama..madaling araw namimili na ako ng almusal kina Aling Tessie...di naman kasi delikado ang panahon nuon di tulad ngayon...noon safe pa maglakad sa daan at zero crime pa... pero ngayon kapag di ka nag-ingat sigurado kinabukasan laman ka ng balita sa daan..o kaya nasa newspaper, tv..o radyo! Nakakatakot na ang panahonkaya ngayon...wala ng pinipili, kahit sino... kaya ang bilin sa aminng aming mahal na magulang palaging magdarasal at hingin ang kaligtasan galing kay LORD.
BINABASA MO ANG
SANA...SANA
Genel KurguIsang salita na madalas na maririnig sa mga taong sa palagay nila na pinalagpas nila ang isang pagkakataon, may pagsisisi sa huli, may nangangarap na mangyari na kahit na alam nilang imposible... pero ang lahat ng sinabi ko tayo pa rin ang gumagawa...