Years have passed but the place is still the same.
The same as the place I left before.
"Buti nalang naisipan mong umuwi dito," Grace said while preparing our food in the table. "Magtatagal ka ba dito? I mean,are you staying here in the Philippines or you're going back to States after your vacation?"
"I'll stay here for good."
"That's good to hear." Umupo na si Grace sa bakanteng upuan na nasa tabi ko.
"By the way,how's your life in States? Do you have suitors there,Crystal?" She asked me as we continued eating our supper.
"Baliw ka talaga noh. Hindi ako pumunta ng ibang bansa para magpaligaw dun, Grace nandun ako para mag-aral, okay?" Baliw talaga tong kaibigan kong 'to.
Nagkahiwalay kami nung grumaduate kami ng high school. Magkaklase kami since elementary kaya parang kapatid na ang turing ko sa kanya.
Sa probinsya kami nag-elamentarya at dito naman kami sa Maynila naghigh school. Nakatanggap kasi kami ng scholarship kaya nasa Maynila kami nakapaghigh school.
Pero nung makagraduate na kami ng high school naghanap agad ako ng pwede kung ma-apply-yang scholarship. Then I got the scholarship abroad.
Apat na taong pag-aaral at limang taong pagtatrabaho sa ibang bansa bilang isang designer ng mga bahay.
"Talaga bang dahil sa pag-aaral mo o baka dahil may tinatakasan ka dito sa Pinas?"
"Tssk, kumain ka na nga lang." Kumain na lamang ako nung niluto nyang adobong manok.
Alam nya kasi kung ano ang rason kung bakit ako umalis ng bansa. She knows what had really happen in the past. She knows the reason why I leave.
She knows everything. Alam nya kung gano ko kamahal si Jacob.
At kung pano ko iniwan si Jacob dahil sa pinsan ko.
Nagparaya ako para sa kaligayahan ng pinsan ko. Kahit na alam kong mahirap ang iwan ang taong mahal ko ay ginawa ko parin.
Iniwan ko si Jacob dahil ayaw kong masaktan ang pinsan ko.
"Teka maiba nga tayo, kayo na ba nung Ventura na yun?" I change the topic to lighten the atmosphere.
Hindi sya sumagot at halata sa mukha nyang nagbingi-bingihan lang sya.
"Hey, did you hear me Mrs. Ventura?" Agad syang napatingin sakin dahil sa sinabi ko.
"Don't call me that." Inis na sabi nya. "I'm not yet Mrs. Ventura."
"There you go, you said it. Huwag kang mag-alala, your secret is safe with me."
Mahilig talagang magtago ng secreto ang babaeng to and she's good at it.
"Sorry hindi pa kasi pwedeng malaman ng publiko ang relasyon namin."
"Hindi nga ba pwede? O baka ayaw mo lang talaga?" I told her. "I know you too well Grace."
"I'm sorry. I just can't face them..."
"Then you better face them before that Ventura get tired of hiding and understanding you. You need to be brave for the sake of your relationship. Fight for him. Face the consequences. Don't be afraid to face them because I know that Justin Ventura is so much in love with you and he can't live without you by his side."
Matagal ko na ring kilala si Justin Ventura. Kaibigan siya ni Jacob at teammate sa basketball noon kaya naging kaibigan din namin siya.
Matagal ko ng alam na mahal ni Justin ang kaibigan ko dahil sa mga tingin palang nito noon halatang mahal nya ito at nagtapat din sya saking mahal nya si Grace para tulungan syang mapalapit din dito at mabantayan ko daw habang wala siya sa tabi nito.
Mayaman ang pamilya ni Justin kaya ayaw ni Grace na i-public ang relasyon na meron sila. Hindi naman mayaman ang pamilya ni Grace. Simpling may bahay lang ang nanay nya at nasa kabilang buhay na ang tatay nya kaya natatakot sya.
Natatakot syang husgahan na 'gold digger'. Dahil yun naman palagi ang iniisip ng mga tao. Pagmayam ang boyfriend mo at ikaw naman ay mahirap babansagan ka talagang 'gold digger'.
Pero alam ko namang hindi ganun si Grace. Nagkataun lang na mayaman si Justin at naging matulonging boyfriend.
Ngayong isa na syang ganap na doctor alam kong kaya na nyang ipaglaban at harapin ang lahat na babalakid sa relasyon nila ni Justin.
"Thank you for being a friend and a sister, Crystal. I don't know how can I pay you back..."
"You don't need to pay me back, Grace. The friendship that you have offered to me is enough." I hug her and show her how much thankful I am that I have her.
I know Grace for too long. She's my very best friend and my so called 'sister'.
Nag-ayos na ako ng mga gamit ko dahil pupunta na ako sa probinsya namin.Sa probinsyang kinagisnan ko.
Grace will be left here in Manila. She need to stay here to fix everything.
Nabanggit nya din sakin na nasa Manila na din daw ang pamilya nya. Kaya hindi na sya uuwi sa probinsya kasi wala na daw naman syang uuwian dun.
Maaga akong gumising dahil maaga ang byahe nung eroplano na sasakyan ko.
"Huwag mo siyang susukuan, Grace. Harapin nyo ng magkasama ang mga problema na darating at susubok sa inyo," niyakap ko sya ng mahigpit bago bumulong. "Love him the way he loves you. Fight for him, huwag mo akong gayahin Grace." Bumitaw na ako sa pagyakap sa kanya.
"Mag-ingat ka dito ha. Tawagan mo ako kung kailangan mo ng tulong." I told her before bidding goodbye and went inside the airport.
Isang medyo may kalakihang maleta at bag lang ang dala ko.
Pina-LBC ko nalang kase yung mga pasalubong na ibibigay ko para di nako mahirapan.Kalahating oras yung byahe nung eroplano bago nakalapag.
Hindi alam ng pamilya ko na ngayun ako uuwi kaya walang susundo sakin ngayon.
Kailangan kong sumakay ng bus ng higit kalahating oras bago ako makarating sa syudad ng probinsya namin.
Hindi naman boring yung byahe kasi maganda yung view. May mga puno at minsan din makikita mo yung palayan ng mga tao dun.
Nakakapagod pero kere lang kasi pagnakauwi nako samin ay magiging worth it ang lahat ng pagod ko kasi kasama ko na ang pamilya ko.
Bumaba nako ng bus at pumasok sa malapit na 7/11. Bumili ako ng makakain dahil medyo gutom narin ako. Bumili narin ako ng para sa pamilya ko.
Pumara nako ng trycicle na maghahatid sakin sa hacienda na tinitirhan ng pamilya ko.
I am coming back.
To the place where I first met him.
And the place where I left him.
Crying.
And hurting.
...