4

0 0 0
                                    

"GOOD MORNING din, bakit ka napatawag?" Inaantok kong tanong  kay  grace sa kabilang linya.

Kakagising ko lang tapos pagkatingin ko sa cellphone ko ang dami  niya palang mensahe na di ko nabasa kaya tinawagan ko na lamang siya.

"Pasensiya ka na mukhang  naistorbo kita sa masarap mong tulog mahal na prensesa." Pabiro nyang ani sakin.

"Tigilan mo nga ako, Grace. Bakit ka ba napatawag?" Tumayo na ko sa higaan at lumabas ng kwarto.

"Bat ba kasi di mo binasa yung mga mensahe ko sa iyo,"

"Pagod ako, okay?"

"Fine." Aniya sa kabilang linya. "Alam mo bang kakauwi lang ni Aquila sa Pilipinas kahit kakaalis niya lang nung isang buwan."

"H-hindi, b-bakit?" Nauutal kong  tanong sa kanya bago ako nakapasok sa kusina.

Kaya ba na wala kahapon si Jacob dahil sinundo niya si Aquila.? Tanong ko sa sarili.

"Iyang pinsan mong iyan nahahalata ko ng inggit yan sayo."

"Huwag ka ngang ganyan Grace. Atsaka ano naman ang kakainggitan niya sakin? Ang pagiging mahirap ko?" Sagot ko sa kabilang linya at uminom ng tubing na isinalin ko sa baso.

"Basta  ewan ko." Sagot niya ng may narinig akong panlalaking boses sa kabilang linya. "Gracey honey who's that?" Dinig kong  boses  ni Justin na tumatawag kay  Grace. "It's Crystal don't worry." Sagot ni Grace kay Justine. "Crystal 'hi' daw sabi ni Justin."

"Hello din sabihin mo kay  Justin. Sige ibababa ko nato para mabigyan ko kayo ng time and space para maglampongan."

Natatawa kong saad sa kabilang linya at pinatay ang tawag.

"Ate may naghahanap po sa inyo.!" Tawag sakin ni Catty mula sa pinto ng kusina.

"Sino raw?" Nagtataka kung tanong bago nilapag ang baso na ginamit ko sa lababo.

"Di ko alam ate, ang sabi lang ni mama na may naghahanap sayo sa labas." Paliwanag niya.

Nagtungo si Catty sa kwarto at ako naman ay nagpunta sa labas dahil may naghahanap daw sakin.

"Anak hinahanap ka ni mang Jules." Ani ni mama ng makalabas nako ng bahay.

"Bakit po mang Jules?" Agad kong tanong kay manong Jules na asawa ni   aling Pacing.

"May package dun sa main gate ng hacienda na nakapangalan sayo iha kaya puntahan mo dun para makuha mo ang package."

"Sige ho manong Jules, salamat po."

"Sige mauna na ako." Nagpaalam na si manong Jules kaya pumasok na ko sa kabahayan.
NAGLAKAD lang kami ni Catty at Janna papunta sa main gate ng hacienda para kunin ang package.

"Ate Kaye, may boyfriend ka?" Tanong sakin ni Janna. Na nasa  tabi ko.

"Wala bakit?"

"Wala lang ate, nacu-curious lang kasi ako ate."

"Bakit naman ?"

"Ang ganda niyo po kasi tapos ang bait bait niyo pa. Sino po bang lalaki ang hindi  maiinlove sa inyo?" Sasagot  na sana ako ng sumingit ang madaldal Kong kapatid na nasa tabi ko.

"Alam mo Janna madaming manliligaw yang ate ko kaso  nga lang di niya sinasagot kasi may mah—" tinakpan ko agad ang bibig ng kapatid kong palasalita para tumahimik.

"Isusumbong talaga kita kay  papa, Catty." Pananakot ko sa kaniya pero hindi  man lang natakot.

"Isumbong mo kay papa ate, hindi ako natatakot, e kakampi ko yun." Sabay ngiti sakin na para bang nanghahamon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 26, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Come BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon