†WARNING† This story contains of MATURE CONTENT but it's not about the age it's about how do we understand it.All rights reserved klekline11 @2020
Paranormal|psychological|Horror|
I'll taste your blood as my success psyche:)))))))
PSYCHO PSYCHE AND MY DEMON
Micel's POV
A/N:Syempre hindi ito ang main character mamaya niyo na malalaman basahin ito muna lalagyan ko muna ng trick pagiisip ng nagbabasa.:)
"ahhh!tulong!please wag mo'kong sasaktan!please I'm begging you Psyche bff mo'ko!"napahinto ako sa isang matinig na sigaw ng isang babae. Nagmamakaawa at duguan ang tiyan. May saksak siya!
"HAHAHAHA!!! bakit Kiez!?Hindi kita inaano jan ah" kunwaring nasaktan siya habang sapo ang noo. Dun kumapit ang ibang dugo sa mga kamay niya. Nagtago ako sa likod ng isang drum at nakinig sa mga pinag uusapan nila. Nalinlang ako ng aking mga mata ng dahan dahan akong nag-angat ng tingin.
I saw her right hand. Puno ng dugo!at may hawak na kutsilyo!
Natutop ko ang sariling bibig at sa di inaasahan ay humarap siya sa gawi ko ng masapo at bahagyang gumalaw ang drum. Nanlaki ang mata ko pero agad akong nakatago ulit.
Nakita niya ba 'ko?
Hindi malayo ang kinaroroonan nila sa gawi ko at medyo masukal ang napagtagu.an ko kaya di agad ako makikita.
"Peach ko!Mahal kong Peach!inaalay ko ang babaeng nasaharap ko sayo!"nakatingalang nakatitig siya sa buwan. Nakita ko kung paano niya pibaikot ikot ang kutsilyo sa kamay at agad na ibinato sa noo ng kausap.
Kahit nakatagilid siya sa gawi ko alam kong umiiyak siyang nakangisi habang nakatingala parin sa buwan.
Anong problema niya?
Nasapo ko ang sariling bibig ng dahan dahang humarap siya sa gawi ko na may nakakasindak at nagliliyab na mata. Iginiya niya patagilid ang kanyang ulo para maaninagan ako at Sandaling natigilan ako ng ngumiti siya. Lumapit siya sakin at iginiya ako papatayo.
Ilang saglit pa'y sapilitan niya akong hinila.
Anong gagawin niya sakin?
Nadungisan ang kamay ko ng dugo mula sa kamay niya. Napaka panghi at malansa pero pinipigilan kong maduwal natatakot ako sa kakahinatnan ko.
"Ako nga pala si Psyche. Na miss kita ng sobra." panimulang pangungusap niya habang nasa buwan parin ang tingin."Naiintindihan ko ang takot mo sakin,pero di kita sasaktan kase di yun inutos ng pinakamamahal na kapatid ko. Nice meeting you Micel"Malawak ang pagkakangiti niya na humarap sakin.
"Paanong kilala mo'ko?" halo halo na ang emosyon ko. Natatakot na maiiyak na minsa'y nangangatal at nagkakautal utal ang aking pagsasalita.
"ID mo schoolmate" ngumiti ulit siya at kung Hindi ako nagkakamali ang uniporme niya ay uniporme ng special students namin sa campus.
Bumuntong hininga ako at ngumiti na lang sa kanya. Napamaang siya at maluha luhang tumitig sakin. Ramdam ko na mas humigpit ang pagkahawak niya sakin.
"hmmm Psycho schizophrenia ang sakit ko. Yun yung sabi nila pero Hindi ako naniniwala kase may kamalayan ako sa ginagawa ko" mas lalong napamaang ako sa sinabi niya at paulit ulit kong inirehestro sa utak ko.
Agad niyang nilingon ang nakahandusay na babae habang matatas parin ang kanyang mga tingin dito.
Anong GAGAWIN ko? Paano kung idawit niya ko sa pagpatay?
Tinitigan ko siya at makikita ko ang pabago bago niyang ekspresyon sa mukha. Minsa'y kumukunot at biglang iiling. Minsan nama'y ngingiti at bigla biglang malulungkot. Nakakatakot dahil minsan ay nagmala demonyo ang kanyang pagngiti.
"ilibing na natin yan"kunot noo na nakatitig siya sa akin. Tila kinikilatis niya ako. Natatakot akong tumitig ng deretso.
"Ha?"tanging nasagot ko na ikinagalit ng kanyang mukha.
"ah oo ililibing na natin ito"natutulirong atungal ko. Baka masaktan ako kung tatanggi pa ako.
MADALING ARAW na ng matapos namin iyon. Agad niya akong iginiya papuntang ilog para linisan ang sarili. Nakakatakot ang malalim na tubig sapagkat di ako marunong lumangoy. Tampisaw lamang ang ginawa ko habang siya ay tumalon pa mula sa mataas na parte hanggang sa mahulog sa baba. Tinitigan ko ng maigi ang tubig na malinaw ngunit ilang saglit pa ay bigla na lang naging pula ang ilog at doon na ako natakot sa mga nasaksihan ko.
Kinusot kusot ko ang aking mga mata ngunit di nagbago ang kulay ng tubig. Pula parin ito!
“Wanna play The Bloody Dare?” tanong ng babaeng nagngangalang spyche. Pula na ang buong katawan niya at naka hubo't hubad na ito.
Nanginginig man ay dahan dahan akong tumayo. Nanginginig na ang aking mga kamay at ang mga luha ko'y naguunahan na sa bagsak. Di ako maka tingin ng deretsa sa kanyang mga mata.
“P-psyche k-kelangan ko na talaga u-umalis. Baka hinahanap na ako samin” agad kong itinahak ang daan ngunit sa di inaasaha'y ininulak niya ako sa tubig!
Pumapasok ang masasangsang na tubig sa aking ilong at baba sapagkat di ako marunong lumangoy. Nahahagilap ng aking mga si Psyche na nakangiting nakatitig sakin. Kinawayan niya pa ako hanggang sa unti unti na siyang makaalis.
“Psyche!!!”palahaw ko ng sa di inaasahan at may humila sa paa ko pababa ng tubig!
Nawawalan na ako ng pagasa!unti unti nang dumidilim ang paningin ko at nahihirapan na sa paghinga. Halos mapuno na ang katawan ko ng tubig na naiinom ko.
“I'm Peach” isang bulong ang narinig ko bago ako mawalan ng malay.
~~~~~~~~~~~
Author's Note:have a lot of patience sa paghihintay ng update!:)