†WARNING†
Bawal sa may sakit sa puso. Wala akong pakialam kung brokenhearted ka kaya keep on reading na lang.†CONTENT† “Bullying”
It's an act of violent maybe physically,emotionally and mentally abused or hurt. #STOPBULLYINGALL RIGHTS RESERVED @ KLEKLINE11 2020
†PSYCHO PSYCHE AND MY DEMON†
CHAPTER 2: GRUDGE OF PSYCHE
PSYCHE'S POVRadio speaking
“Ang kaisa isahang anak ng Mayor sa Don Fernandez Quezon ay pumanaw matapos ng aksidenteng pagkakalunod sa Hacienda de Margaretta Private river ng pamilya de Margaretta. Sa ulat ay nang trespass ang dalagita at lumibot sa kabuuhan ng Hacienda, sa di inaasahan matapos ang matinding Ulan ay naging madulas ang daan. Napaapak siya sa matarik na parte ng bangin at sa di inasahan ay nadulas siya at nahulog sa tubig. Rumaragasa ang tubig at may kailaliman din ito bukod pa roon ay Hindi siya maalam sa paglalangoy.”
Napabuntong hininga ako dahil sa balita.
Paano siya nakapasok sa aming Hacienda? Paanong napasok niya ang hacienda?nasa akin lamang ang susi at ang iba pang bahagi ng susi ay sa pamilya na, kaya paano?
“bukas ba ang hacienda Pa?Paanong nakapasok yun?” Hindi ko maitago ang pagtataka sa mga nangyayari. Malabo na talaga na mabuksan din yun kase bago pa man maikulong ang kapatid ko sa Mental ay Hindi na ako nakakapunta roon. Kahapon lang ano nakapunta run nung nakatulog pa ako at wala na namang maalala.
“Why are you asking me that? Supposedly I'm the one who should ask you that Sy.”
Wala na kaming imikan ni Papa pagkarating sa school. Nagpaalam na lang ako at pumasok sa school.
NUNG NAKARAAN PA ang pagbubukas ng klase ngunit kahapon lang ako nakatanggap ng tawag na natanggap ako sa senior bilang acceleration.
“Diba yan ang kapatid ng baliw?” dinig Kong bulong ng isang babae sa katabi.
“ay oo nga at guess what baliw din daw yan e” napapikit ako sa inis at bigla na lang akong nahilo at sa kabutihang palad may tatlong lalake ang tumulong sakin.
“Ayus ka lang?” bakas ang pagalala ng isang lalake. Hindi ako nagpakita ng kahit ano mang reaksiyon sa mukha at sa halip ay napatitig lang ako sa ID niya.
Samuel Anzarta Motir
Kung Hindi ako nagkakamali anak ng may-ari ng Darnum company to. Company of good wears and furnitures.
“Dalhin na natin siguro sa clinic.” agad namang sabat ng nagngangalang Frederick Lucas. Matangkad,maputi,matangos ang ilong,walang bahid ng tigyawat, Pino ang mukha at may kasingkitan ang mata. May kakapalan ang kilay,manipis ang labi at pointed ang ilong. Isang salita isa siyang foreigner.
“hey are you alright?”naagaw ang atensyon ko sa isa pang lalaki na nagsalita.
“tsk. Obviously Jaiseo Hindi maganda ang pakiramdam niya. Why do you ask if she's OK huh?” Sarkastikong sabi ng Samuel. Napakagwapo niya kung tutuusin pero di ko gusto ang presensya niya sa halip ay inangat ko ang paningin ko sa kanilang tatlo.