Kuya, Penge Number *One-shot*

475 12 10
                                    

a/n: nakakatuwa lang :') biglang naisip.. XD

good vibes lang muna ^^ SALAMAT sa PAGBABASA ^^

---

<Joan’s POV>

"Ateng! Ayun siya..." sabay pasimpleng turo kay Kuyang crush ko. Kasalukuyan kasing nakasabay na namin siya sa LRT.

Sa totoo lang, lagi namin siyang nakakasabay sa tuwing sasakay kami sa LRT pauwi galing sa university namin. Actually, stalker na niya akong maituturing kasi sa Facebook, Twitter, Formspring, Tumblr, Wattpad, Instagram at kung ano-anu pang social networking sites ay ini-stalk ko siya. Alam na alam ko yung mga account names niya doon. Lagi kong binubuksan yung mga profile niya doon everytime na mago-online ako. Hindi lalagpas ang isang araw na hindi ko binibisita ang profile niya.  Dina-download ko nga yung mga pictures na pino-post niya doon at naka-save sa isang folder sa laptop ko.

Okay fine, stalker na ako. hahaha... :') Well, ganyan talaga pag super crush ko ang isang tao... hihihi~

Okay, muntanga na ko dito. Joan po pala mga mambabasa. At si Kuyang crush ko ay nagngangalang 'Spencer Lee'. Anu ba yan? Kinikilig ako... >////////////////////<

"Lapitan mo na dali..." sabay tulak ng mahina sa akin ni Che, yung kasama ko.

"Eh? Nahihiya ako..."

 

"Hay nako... Walang mangyayari sa'yo kung nahihiya ka." payo niya sa akin.

"Pero.... Kasi... Ano? Nakakahiya kasi talaga..." pagtanggi ko sa plano niya.

"Dali na.. Ang tagal-tagal na nating nakikita yan, hanggang ngayon, nahihiya ka pa rin. Ako na nga lalapit." tapos akmang lalapit na siya kaya bigla ko siyang kinapitan sa may braso niya.

"Fine! Sige, bukas talaga. Kukunin ko na yung number niya..." sabi ko kay Che.

---

Kinabukasan, mag-isa lang akong sumakay ng LRT pauwi kasi may ginawa pang project si Che. Hinihintay ko si Spencer sa may platform habang hindi pa dumarating yung LRT.

Nagliwanag yung mukha ko nung patakbo siyang bumili ng ticket sa counter at nagmadali papunta sa dumating na LRT. Nakatitig ako sa kanya kaya hindi ako masyadong nakapagmadali doon sa biglang pagdating nung LRT. Mabilis iyong napuno ng tao, kaya mas minabuti ko nalang hintayin yung susunod na LRT para wala nang masyadong tao.

Nanatili na lang akong nakatayo doon sa lugar ko habang pasimpleng patingin-tingin kay Spencer na hindi rin sumakay doon sa LRT. Kinilig ako sa thought na naisip ko. Feeling ko kasi, hindi siya sumakay sa naunang LRT kasi hindi ako sumakay...

Yiiiieeeeeh~! Asyumerang tunay. Pero kinikilig talaga ako sa thought na yun. Pano kung totoo? OMEGED! ^//////////////////////^ Kinikilig talaga ako.

Kuya, Penge Number *One-shot*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon