Chapter 5

565 69 3
                                    

HINDI ko alam kung dahil ba sa sinabawang gulay 'to o ano, pero napapulot ako ng paintbrush kagabi, in my attempt to capture Yuki's vulnerability. I portrayed his young self na nakahawak sa damit ng tatay, the latter, taking shot of Madori and their grandparents. Pininta ko ito sa anggulong nakatalikod ang mag-ama, Yuki's left arm raised to indicate his crying.

Noong nasa gano'n akong edad, I photobombed at least one picture of any events I happened to be at. Wala akong pakialam ke lamay 'yon o kasal, lalagyan ko ng sungay kung sinuman ang katabi ko at maglalabas-dila. Then I would imagine myself on a rocking chair, may hawak na photo album, laughing at my younger self.

Pero itong si Yuki akala mo e daang taon ng namalagi sa mundo, for not being excited anymore in a family photoshoot, so much so na hinayaan niyang si Madori lang talaga ang mag-enjoy. The guy would never allow himself the same joy.

At may theory ako kung bakit.

Kung pagbabasehan lang kasi ang hitsura't pananamit, mas appealing at presentable tignan si Madori; the blue yukata helped a lot. Si Yuki kasi nagmumukhang plain-looking gawa ng mga damit na sinusuot - kupas na nga, butas-butas pa, 'yong tipong pwede ng gawing basahan. Then again, mas maganda pa nga pala ang basahan nila. One could never look twice at Yuki except when you had to. Kung gusto mong mapalapit sa kapatid niya.

Or it could be because he's gay and he didn't want to draw attention. Because the last time he did, walang nakipaglaro sa kanya.

But what he lacked in aesthetic, binawi naman niya sa personality. Sure, Madori had the sunshinier disposition pero may kakaibang karisma rin ang kaweirduhan nito ni Yuki, which range from throwing a pokeball kung 'di niya trip magsalita to throwing you shade when he felt like it. Madalas sementado ang mukha but when you're lucky enough to see him with his ducks, parang naka-loop ang kanta ni Armstrong na What a Wonderful World.

As for Madori, hindi niya na kailangang makakita ng itik na lumalangoy para maging masaya. Sapat na 'yong may magamit siyang bait (aka me) para mapalabas ang halimaw sa banga. Well, sa 'kin naman talaga nanggaling ang suggestion na friendly date... just to appear friendly. Now karma got me. Tototohanin ko na tuloy. But who knew, mamaya ginagamit niya pala si Yuki para mangkilatis. Ayoko magkaroon ng 1 star review.

THEN judgment day came.

'Di naman ako conscious sa choice of clothing ko no'ng date namin ni Madori. Gusot na t-shirt at black shorts nga lang 'yon. Kaya 'di ko mawari kay Yuki ko mabibinyagan ang Lacoste green shirt ko. Friendly date was supposed to be second only to the "date" anyone grew accustomed to. Pero heto nakuha ko pang magpabango.

Nagbaka-sakali akong may mapaparang tricycle (para 'di ako magmukhang mandirigma pagdating sa dulo) but thirty minutes in wala pa ring nadaan, which also meant for thirty minutes, mukha akong tangang may hawak na kaserola na animo'y naghihintay ng tubig-ulan. No choice ako. Lakad talaga.

Malayo pa lang tanaw ko na ang pigura ni Yuki sa bintana. Tinatakpan niya ang suot ng kurtinang lilac. Tinaas ko ang kaserola, to signify my greeting. He replied by throwing a pokeball. Pinulot ko. But the moment I read what's inside, binato ko ito pabalik sa kanya.

"Yuki, inayos ko gripo mo!"

Sa parehong papel niya sinulat ang reply: Sirain mo na lang uli.

"Are you kidding me?" sigaw ko nang mabasa. "Dala ko naman kaserola mo 'di ba? Nagpabango pa ako! I dressed to kill, Yuki. Ba't biglang 'di na tuloy?"

Yuki shut the window and for almost two minutes, kept me hanging. Gusto ko sundan ng, 'Da't ikaw ang tinatawag diyan na bumbay e! Dahil nang-i-indian ka!' pero 'di na kailangan. Not anymore. Dahil nang bumukas ang pinto, it's as if I witnessed an angel's descent.

Undressing MadoriWhere stories live. Discover now