Chapter 6

635 63 14
                                    

NAGLALAAN ako kadalasan ng isang araw sa pag-e-enhance ng mga paintings. I could be the most O.C. person pagdating sa details dahil gusto ko maging vivid ito sa mata ng tao. I wanted to breath life onto them the way God breathed life to a clay.

Sa mga araw na 'di ko ginagawa 'yon, dinadayo ko si Yuki para maka-kwentuhan. Magdadalawang linggo na ako sa Zone 10 pero hindi na nasundan 'yong pag-iimbita sa 'kin sa loob ng bahay o kahit man lang sa porch. Hanggang bakod pa rin ako; walang pagbabago. But as long as I got to make him talk, I wouldn't mind the barrier. I wouldn't mind the sun.

Gano'n na pala ako ka-obsessed sa kambal to the point na napapanaginipan ko sila. But last night was so far the worst. Pinagsabay ko raw silang i-date – si Yuki sa puting ootd, si Madori sa kanyang "casual". Sinubukan 'kong i-rationalize papa'no ko napapayag ang dalawa subalit 'di ko hawak ang script.

Papunta kami sa tambayan ni Madori but between them, tila si Yuki ang mas excited dahil siya na naunang bumaba. So I asked the other kung ano'ng problema. Wala naman daw.

Nang makarating sa uupuan, kinuha na ni Yuki ang spot ng isa kaya do'n ito naupo sa kanan. Nag-iwan siya ng space sa gitna para sa 'kin. At that time, naiinis na ako sa pagiging masayahin ni Yuki. Although hiling ko nga 'yan para sa kanya, hindi ito ang appropriate na oras para diyan. Bulag siya sa iniinda ng kapatid.

Until I had enough. I was about to confront Yuki nang mapaturo ito sa ilog. I saw no reason why he shouted bloody murder hanggang sa unti-unting may umahon sa tubig. Kakulay ng anaconda ang sirang hose na pinang-prank ko sa kanya.

"Madori, ang mga bibe ko! Iligtas mo!"

Nagpantig ang tenga ko. It's one thing to get Madori run his errands. And it's another when you put her in danger. Gusto ko sabihing, Ako na lang! subalit itong gagawin ko na, saka naman ako nawalan ng tinig. Worse, hindi ako makagalaw. Parang may invicible na posas sa aking mga kamay at paa.

Without warning, tumalon si Madori; umaagas ang dugo sa kanyang noo. Naamoy marahil 'to ng ahas kung kaya nabaling ang atensyon sa kanya. Ngunit hindi lang ahas ang nahumaling sa amoy. Few meters from her, may tatlong unding na papalapit sa kanya.

Sa tuwing pipilitin kong sumigaw it only came off as a whisper. Pero nang matiyempuhan ko boses ko, pangalan niya una kong binigkas. Napatingala siya sa 'kin. She had that painful smile.

Habang distracted ang ahas, bumaba si Yuki sa ilog at iniligtas ang mga bibe. Nang makabalik sa 'kin, nakahalo na ang dugo ni Madori sa tubig. Nagawa pa talagang magtanong ng isa kung ba't ako umiiyak.

"Hayaan mo na siya, Flavio." Pinunasan niya ang aking mata. "Malakas naman resistensya niya."

For a split second nakawala ako sa invisible na posas at ang una kong ginawa ay sampalin siya. "Anong klase kang kapatid? Ba't 'di mo siya tinulungan?"

Hawak niya ang mukha. "Ang dami na ng itinulong ko sa kanya, Flavio! Sawa na ako!"

Siya, marami ng itinulong? Wasn't it the other way around? That made no sense to me. Or so I thought. Tumayo si Yuki. Hinila niya pataas ang buhok. Sinundan ko ng tingin ang paghagis niya nito sa ilog. Dahil tirik ang araw, hindi ko siya maaninag. Noon lang takpan 'to ng mga ulap saka ko natantong ang tunay na Madori ang kaharap ko.

"Ayoko na ng may iniintinding isip-bata, Flavio. Tutal ako rin lang naman umaasikaso sa lahat ng bagay, hayaan ko na lang siyang mamatay. Atsaka, mabuti na rin ang nangyari. Nakakaamoy kasi ako ng pagtataksil. Gusto ka niyang agawin sa 'kin."

Using all my will, tumalon ako sa ilog. Sinabihan ko raw siyang mas gugustuhin kong samahan si Yuki sa kamatayan kaysa sa kanya. Pero sa halip na tubig, I was met by the floor. Tumalon pala talaga ako mula sa kama.

Undressing MadoriWhere stories live. Discover now