6

684 31 12
                                    


Hindi ako umuwi ng safehouse ng ilang araw dahil sa mga pasang natamo ko mula sa kabayaran ng kapalpakan ng aking mga tauhan. Hindi naman sana palpak yun kung hindi lang ako pumasok sa bahay. At kung hindi lang ako nagpadala sa awa sa babaeng iyon. At speaking of her, pinatakas na raw siya as what I have commanded before leaving the house early that morning, sabi ni Pamaypay. It's been four days, siguro nakapaglayo na siya. And I'm hoping na hindi ko ulit siya makikita, baka sa susunod hindi ko na siya papakawalan. Pero patuloy pa rin ang paghahanap ko ng impormasyon tungkol sa kaniya. May hindi ako alam na dapat kong alamin.

Napapikit ako sa aking pagtayo dahil hanggang ngayon masakit pa rin ang katawan ko. This is one of his rule, kaya hindi ko na kinikwestyon kung anak niya ba talaga ako o hindi. Dahan-dahan akong humakbang patungo sa salamin para tignan ang aking sarili. Napabuntong hininga naman ako sa nakita ko. The scars around my body and to my face are still visible. Nangingitim na. But this is only natural part of healing process. Matagal lang makuha.

Kinuha ko ang phone sa aking bulsa para tignan ang mga calls and messages na aking na missed. To sum it up, they are fucking hundreds. Ganun na ba ako ka importante sa kanilang mga buhay?

Ibabalik ko ulit sana ang aking telepono nang may biglang tumawag. It's Peter. One of my acquaintance na anak ng isang senador. Sinagot ko ito at nakinig sa kaniyang sinabi.

"Bob is here. He just got home from Canada."

Bob is a twin brother of Peter, but way too villainous than his sibling. Well, sa akin lang. Mula nung magkagusto ang babaeng nililigawan niya sa akin. Hindi ko naman yun type eh. Pero doon na nagsimula ang pagkocompete niya sa akin na hindi ko naman binibigyang pansin. Masyadong immature kapag patulan ko pa. Anyway, my Dad is their godfather, kaya kilala ko sila. Pero si Peter lang talaga ang lumalapit sa akin para makipagkaibigan. Pero hindi ko siya tinuring na kaibigan dahil ayaw ko.

"What now?" I replied, not giving a single damn about that man. Totoo naman eh. Anong pake ko doon?
Narinig ko ang tawa nito sa kabilang linya bago magsalita.

"I'm just going to remind you to take care. Hindi ko makakalimutan ang huling kita niyo na sinuntok mo siya sa mukha. He's very vindictive. Gaganti yun."

"I know. Kung papatayin niya ako, edi patay. Hindi ako takot masunog sa apoy. I'm already used of the suffering kaya ienjoy nalang."

I've grown this way. At deserve ko ang magsuffer because I killed many innocent people dahil sa gusto ng aking ama. Anak ako ng demonyo. Bakit ako matatakot?

"Anyway, I send you something on the gmail. Just check it. I found it on my father's files. May pagkadetective ka kaya alam kong magugustuhan mo ang bagong assignment. It's all about... the missing of President's daughter, na matagal nang tinatago sa publiko. Alam yan ng ama mo, dahil bise presidente siya ng Pilipinas.."

He hanged up the call pagkatapos sabihin yun. Nagtataka naman ako na may nawawalang anak pala si Tito Franco. All I know about him is that, namatay ang asawa niya sa isang plane crash kasama ang dalawa nitong anak na babae. So ibig sabihin, may isa pa siyang anak pero nawawala?

Agad akong pumunta sa computer sa tabi ng aking kama at binuksan ito. There's a notification in my inbox, but before I click it, bigla akong kinabahan. But I just shook it off, baka nasobrahan lang ako sa kape. Binuksan ko na iyon at tumambad sa akin ang isang larawan. Larawan ng isang babae. Tinignan ko iyon at kinusot ang aking mga mata. I can't believe this. Mas lalo akong kinakabahan dahil alam ko na ang sagot sa aking katanungan. Nakita ko naman ang buo niyang pangalan sa baba.

Frances Margaret Russell

So, this is the President's daughter?! Same with the woman na pinatira ko sa safehouse pero pinakawalan?! Ughhhhh.

Napasabunot ako sa aking buhok. Kaya pala gusto siyang ipapatay ni Dad. Because of his evil plan na naman. He's very insecure at the President.  Kaya pala...

Tumayo ako at agad lumabas sa aking kwarto.

Now.

I'm going to find her first bago maunahan ni Daddy.







Unlie (On-Hold)Where stories live. Discover now