Chapter 1

8.2K 195 9
                                    

Natanggap ni Alexial ang mensaheng ipinadala ni Gabrylle. Naaayos na raw ang problema tungkol sa panganib at banta sa buhay ng pamilya Grande kaya nagdesisyon ang mission control ng Nephilims na i-pull out na siya bilang bodyguard ni Kassandra. Sa wakas makalalaya rin siya sa makulit na babaeng iyon.

Mabilis niyang nahanap ang sasakyan ni Gabrylle sa parking lot nang tinutuluyan niyang pad. Agad niya itong nilapitan at kinatok ang tinted na bintana. Bumaba ang salamin at mula sa loob ay iniabot sa kanya ni Gabrylle ang isang envelope.

"Everything about your next mission is inside that envelope. I'll try putting Rajive on the line later if you have questions. That would be all for now," nagsalita ang lalaking nasa loob ng sasakyan. "Might as well take some time to check that out. I'll wait for your feedback."

"I will. Send my regards to everyone." He tapped the car.

"Yeah, this is from Athrun and it's for you." Isang puting rose ang pahabol na ibinigay ni Gabrylle sa kanya.

Napapangiting kinuha niya ang bulaklak at hinatid ng tanaw ang sasakyang matuling umalis. Matagal-tagal na rin siyang hindi nakadalaw sa La Salvacion. May libreng oras na pero may bago namang assignment. Tinali agad siya ng mga ungas niyang kapatid.

Naisip niyang sumaglit ng convenience store sa kabilang gusali para bumili ng energy drink bago bumalik ng unit niya. Paubos na ang stocks niya roon sa fridge. Sa lakas niyang lumaklak hindi na iyon aabot bukas. Patawid na siya ng pedestrian lane nang biglang dumaan ang humahagibis na motorsiklo. Muntik na siyang tamaan.

"Bullshit!" malakas niyang mura.


Huminto di-kalayuan ang motorbike at bumaba ang rider. A woman? What the fuck! She's wearing a black ripped shorts, knitted blouse, a leather coat and a black boots. Bumagsak ang mahaba nitong buhok nang hubarin nito ang suot na helmet at naglakad patungo sa kanya.

"Are you okay? Nasaktan ka ba?" tanong nito.

"That's one hell of a bullshit and reckless driving!" matigas niyang sagot.

"I'm sorry, hinahabol ko kasi 'yong nambastos sa akin." She flipped her hair. Kasabay na umalma ang suot nitong dangling earrings. "Nakatakas tuloy," angal nitong kinagat ang labi.

"Kasalanan ko pa at nakatakas?" naiirita niyang pakli. Anong gustong palabasin ng babaeng ito? Muntik nang maka-disgrasya ngayon maninisi pa.

"Alangan namang kasalanan ko. Ako na nga ang binastos," tikwas ang kilay na sikmat nito. "Ikaw na lang kaya ang isusuplong ko sa police. Sasabihin kong binastos mo ako."

Umigting pa lalo ang panga niya. Walang pupuntahan kung papatulan niya ito. May tama yata sa utak.

"Hoy, kuya! Saan ka pupunta?" atungal nito nang talikuran niya.


Kuya? Really! He tilted his head, trying to shake off the bad joke.

Last day na niya nang sunod na araw sa security assignment niya kay Kassandra. Wala siyang balak magpaalam at baka kung ano'ng sakit-sakitan na naman ang gagawin ng babaeng iyon. But damn! He's dead-bored right now.

Dinala ni Alexial sa tapat ng ilong ang hawak na tangkay ng puting rose at inamoy. Nagtanggal siya ng isang petal niyon at hinayaang tangayin ng hangin. Habol ng kanyang tingin ang talulot na mas manipis pa kaysa sa pakpak ng paru-paro at magaang tumatawid sa mga turistang nasa baybayin. Hanggang sa dumapo iyon sa tuktok ng ulo ng isang babaeng nakatayo malapit sa puno ng palm tree at nakamasid sa malayong bahagi ng dagat.

Wait, ito iyong babae kagabi. Hindi makapaniwalang nahagod niya ito ng tingin. Kung kagabi ay mistulang gang queen, ngayon ang pinagmamasdan niya ay mukhang anghel. Ang totoo'y hindi lang siya ang nakamasid dito. Karamihan doon sa dalampasigan ay nanonood sa babae.

Agaw-pansin ang ganda nito. She has a bleeding sunset color. Five feet and eight approximately and slim. Her eyes were like those of the gazelle hiding deep on thick lashes, too pretty to be real. Her nose is prominent and lips more than capable to ignite men. Her long, straight hair almost touches her butt. Sumasayaw sa bawat ihip ng hangin.

Iniwas ni Alexial ang mga mata nang tumingin sa gawi niya ang babae. Shoot! She caught him. Umalis siya sa pagkasasandal sa haligi ng bamboo cottage at humakbang. Nagmistula siyang magnanakaw roon na nahuli sa akto. Tinunton niya ang bahagi ng beach na walang gaanong taong naliligo. Ipinamulsa niya ang mga kamay at kalmadong naglakad habang tinatanaw ang mga nagtatampisaw sa tubig.

NS 05: TASTE OF FROZEN SOULS  ✅(To Be Published )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon