Part I

16 0 0
                                    

Author's POV

Dali daling tumatakbo si taehyung papuntang school at nung malapit na malapit na siya ay bigla itong sumarado. Great.=_=

"Hyung!" tawag niya kay jin ang VicePresident ng SC sa Zalden High.

"No Taehyung. May rules tayo na dapat sinusunod. Bawal na papasukin ang mga late." sabi ni jin at umiling iling.

"Please hyung papasukin mo na ko hindi na mauulit." pangungulit ni Taehyung.

"Hindi." Matigas na pagkakasabi ni jin sa kanya.

"Please…" pagpapacute nya kay Jin with puppy eyes.

"Aish! Sige pumasok ka na. Pasalamat ka at hindi kita natitiis." wala ng nagawa si jin at pinapasok na sa loob si taehyung.

Agad ng tumakbo papasok si taehyung at nagpasalamat kay jin.

Nang makarating na siya ng room ay wala pa naman ang teacher nila at mga naguusap na mga estudyante lang ang nadatnan niya and as usual pinagtitinginan na naman siya hindi dahil famous siya kundi nandidiri sila sa kanya. Pumunta na sya sa upuan niya which is nasa pinakadulo at pinakasulok ng classroom. Walang gustong tumabi sa kanya dahil daw weird siya freak,geek lahat na ata ng hindi magagandang salita sa kanya eh nasabi na,lahat din ng tao sa school ayaw sa kanya,well except sa President ng SC at sa bestfriend niya. Speaking of his bestfriend ayan papalapit na sa kanya ito at binati siya.

"Good Morning!" Bati ni jimin ang Varsity player ng zalden high.

"Good Morning!" Bati niya rin dito ng nakangiti.

"Bakit ka na late?" tanong ni jimin sa kanya.

"Ah…may mga lalaki kasing humabol sakin at hinihingi yung pera ko buti na lang my nagligtas saking lalaki kanina na naglalakad tas napansin ko kapareho ng uniform natin pero hindi ko nakita yung mukha." pagkekwento niya.

"Talaga? Eh nakilala mo ba?" tanong ni jimin sa kanya.

"Hindi nga eh." malungkot niyang sabi kay jimin.

"Ya mo na. Kung makilala mo na eh magpasalamat ka! Haha!" pagpapasaya ni jimin sa kanya.

"Haha. Ou nga." pagsang-ayon niya.

Dumating na ang kanilang guro at nagsimula na silang magklase.

--x--

*KKRRRIIIINNNGGGGG* (Tunog yan ng Bell!xD)

Nagsitayuan na ang lahat hudyat na tanghali na at lalamon na ng tanghalian.

Sabay na lumabas si Taehyung at jimin papuntang cafeteria para kumain.

--x--

Pagkatapos nila kumain ay dumiretso na sila sa gymnasium dahil P.E sila ngayon,which is ang pinakaayaw ni Taehyung dahil hindi siya magaling sa kahit anong sports kabaligtaran ng kanyang bestfriend na magaling dito.

"Ok guys pumila na kayo dahil maglalaro tayo ng basketball." sigaw ng P.E teacher nila.

Pumila na sila at meron na ding 2 leader na magjajack n' poy para pumili kung sino ang mga kasamahan.

Napili na halos lahat at si Taehyung at jimin na lang ang pagpipilian. Syempre gagalingan na nung 2 leader sa pagjajack n' poy dahil ayaw nila mapunta sa kanila si taehyung and gusto nilang maging kateam si jimin.

"Yes!" sigaw ni Gdragon dahil siya ang nanalo sa jack n' poy. Pinili na niya si jimin.

"Oh? Panu ba yan? Samin si jimin at nasa inyo si weird guy. Edi matatalo agad kayo. Haha!" pangiinis ni Gdragon kay Taeyang.

"Tsk. Kainis!" sabi ni taeyang sabay gulo ng sariling buhok dahil sa inis.

Nagsimula na silang maglaro pero si taehyung ay nakatayo lang sa isang sulok at pinapanood ang kanyang kaklase. Ayaw niya kasi makagulo pa sa paglalaro nila. Nakita ito ng kanilang guro pero hindi na nito pinansin dahil alam niya na hindi naman talaga marunong si taehyung sa ganyang bagay.

Habang nakatulala si taehyung ay hindi niya namalayan na papunta pala sa direksyon niya yung bola.

"Taehyung umilag ka!" sigaw ni jimin sa kanya. Iilag na sana siya pero huli na dahil tinamaan na siya at sakto pa sa mukha.

"Bullseye." bulong ni Kibum sa sarili at ngumisi.

Dali-daling pumunta si jimin kay taehyung at tinignan kung ano na nangyari rito.

"Taehyung! Uy! Ayos ka lang?" tanong ni jimin sa kanya.

"Urgh…ang sakit." sabi niya at hinawakan ang kanyang mukha na tinamaan.

"Teka dumudugo ilong mo! Tara dadalin na kita sa clinic!" sabi ni jimin at handa na sana siyang buhatin pero tumanggi siya.

"Wag na. Ayos lang ako." sabi niya at akmang tatayo na sana pero natumba lang ulit siya. Buti na lang at nasalo siya ni jimin.

"Tsk. Sabi ko sayo dalin na kita sa clinic eh." sabi ni jimin.

"Psh. Hayaan mo na nga siya jimin! Ayaw niya nga daw. Arte masyado. Siya na nga tinutulungan." sabi ni kibum kay jimin.

tinignan ng masama ni jimin si kibum.

"Ikaw na nga ang nagbato ng bola sa kanya tas hindi ka pa nagsorry! Tas ngayon pagsasalitaan mo siya ng ganyan?!" galit na sabi ni jimin kay kibum.

"Tama na jimin. Ok lang ako." sabi ni taehyung kay jimin.

"Pero Taehyu---" hindi na naituloy ni jimin ang sasabihin niya dahil nagsalita na agad si taehyung.

"Wag ka magalala ayos lang ako. Tuloy niyo na lang ulit laro niyo. Haha nakaperwisyo lang ako sa inyo." sabi ni taehyung at pinilit na makatayo at tumakbo palabas ng gym habang may tumutulong luha na kanina niya pa pinipigilan lumabas sa singkit niyang mata.

Nakarating na siya sa C.R at naghilamos ng kanyang mukha. Tumingin siya sa salamin at nakita ang lalaki kanina pero dahil sa pagiyak niya ay malabo ang paningin niya at hindi ito makilala.

Ngumisi ito at sinabi.

"Let's Get Revenge."

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: May 17, 2015 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Who is Kim Taehyung?Donde viven las historias. Descúbrelo ahora