Chapter 15

1.5K 85 33
                                    

Rhian's POV

Kinabukasan ay maaga akong gumising at nagpaalam kay Jason na may pupuntahan at aasikasuhin lang ako. Agad din naman niya akong pinayagan dahil ang sabi niya ay may mga kailangan din naman siyang tapusin.

Dumiretso ako sa condo ko para magpalit at iwanan muna ang bagahe ko. Pero bago pa ako tuluyang makapasok sa unit ko ay may nakapukaw na ng atensyon ko sa may hallway

It was Glaiza.

Nakaupo ito sa may labas ng unit ko at nakatungo. Hindi ako sigurado kung gising ba siya o tulog lang dahil hindi siya kumikilos sa kinauupuan niya

I sighed heavily. Sa totoo lang ay hindi pa ako handang kausapin at harapin siya. Everything is so fresh, at kahit na sabihin pa nating mahal ko siya, hindi ko naman maisantabi ang katotohanang niloko at pinagsinungalingan niya ako

I walked closer to my door. Malamang ay naramdaman na din ni Glaiza ang presensya ko kaya unti unti na siyang nag-angat ng tingin

Nang magtama ang tingin namin ay hindi ko maiwasang masaktan at maawa sa lagay niya. Her eyes look so tired. Gulo gulo ang buhok niya at hanggang ngayon kung ano ang suot niyang damit dun sa kasal ay yun pa din ang suot niya

"Wif-- I mean Rhian.." pagtawag niya sakin at bahagya niyang inayos ang sarili niya saka tumayo

"What are you doing here Glaiza?" Walang emosyon kong tanong

I need to compose myself. I cannot be swayed by her words or her actions

Agad itong tumayo at sinubukan akong hawakan sa may braso ko. Pero ewan ko ba, para ako ngayong biglang napapaso sa mga hawak niya. Baka siguro dahil pa din sa galit na nararamdaman ko para sakanya

Mas lalong lumungkot ang mukha nito dahil sa ginawa ko. Imbes na subukan nitong hawakan ako ulit ay pinigilan na niya ang sarili niya at pinaglaruan na lang niya ang sarili niyang mga kamay

"Rhian, I'm really really sorry. I didn't mean na itago sayo ang katotohanan. Patawarin mo ako kung naging selfish man ako. Gusto ko lang naman na bigyan ka ng konting panahon para pag isipan ang lahat eh.." she started to explain pero ako ay nanatiling matigas sa harapan niya

"Pag isipan? Pag isipan ang alin Glaiza?"

"Gusto kong pag isipan mo ang mga desisyong ginagawa mo. Gusto kong pag isipan mo ang mga susunod mong gagawin. Na for once iisipin mo naman ang sarili mo at ang sarili mong kaligayahan. Na hahayaan mo naman ang sarili mong maging malaya. Rhian I know kung gaano ka na nahihirapan sa sitwasyon. Alam ko kung gaano mo kagusto na wag madisappoint si Jason at ang pamilya mo. Pero Rhian, pano naman ikaw?! Pano naman ang sarili mong disappointment? Ang sarili mong kaligaya--" she wasn't able to finish her sentence because for the second time, I slapped her again

"How dare you to tell me what should I or shouldn't do? Anong karapatan mong diktahan kung anong desisyon ang dapat kong unahin? Ang dapat kong isipin? Hindi mo ba alam na dahil sa ginawa mo eh parang wala ka na ding pinagkaiba sakanila? Dahil sa ginawa mong hindi pagsasabi ng totoo sakin parang diniktahan mo na din ako at pinaikot sa kung ano ang dapat kong gawin? Yes Glaiza! I'll admit na sa tuwing kasama kita, I felt free. I am happy at pakiramdam ko wala akong dinadalang kahit na anong problema sa buhay ko to the point that I almost,ALMOST forgot about my own family! Pero bullshit naman Glaiza, alam naman natin pareho na dapat hindi na tayo ulmabot pa sa ganito!!"

Wala na akong pakielam ngayon kahit na nasa labas pa kami ng condo ko nagtatalo, kahit na halos maputol na ang litid ko sa leeg sa sobrang galit.

Hearing her reasons makes me fume even more. Alam kong ginawa niya lang yun with good intentions pero kasi naman. Alam naman na niya simula't sapul ang lahat, mas lalo pa niyang pinalala ang sitwasyon ko. Imbes na sana naayos na namin ang annulment namin at nakapag proceed na ako sa mga preparations para sa kasal namin ni Jason ay ito.. mas lalo lang natagalan at mas lalo lang gumulo ang lahat

"Rhian, please give me another chance. Please forgive me wifey. I'm willing to do anything para lang mapatawad mo ako" pagmamakaawa ni Glaiza habang umiiyak and she tried to hold my hand again

It breaks my heart to see her like this. Never kong naisip na magkakasakitan kami ng ganito ngayon. Parang ang bilis lang na bawiin sakin ng tadhana ang sayang naramdaman ko nitong mga nakaraang araw. Parang naging panaginip lang ang lahat at ngayon ay tuluyan na nga akong nagising.

At sa paggising kong yun ay tuluyan ko na ngang nakita ang masaklap na realidad

Hindi kami ni Glaiza ang para sa isa't isa

Mula sa pagkakahawak niya sa kamay ko ay itinaas ko ang tingin ko sa kanyang mga mata. Patuloy pa din ang paagos ng kanyang mga luha at ang patuloy na pagsusumamo niya na patawarin ko siya

Pero ngayon. Sa tingin ko ay ako na ang dapat niyang patawarin

"Gagawin mo ang lahat para patawarin kita?" Tanong ko dito at mabilis siyang tumango

"Then let's break up. At ipa annul mo ang kasal natin, ASAP." Walang emosyon kong sabi sakanya at awtomatikong tumigil ang luha niya dahil sa gulat

"Rhian..."

"I'm sorry Glaiza but I'm choosing my own family over you. Hindi ko sila kayang saktan. Hindi ko sila kayang makitang nad.disappoint. And the only way to do that is if I marry Jason. So please, for the last time, itigil na natin ito"

Tuluyan na ngang nabitawan ni Glaiza ang kamay ko at para bang hinang hina na siyang tumingin sakin. She looks so defeated and torned. Mabilis ang paghinga nito na parang pilit niyang pinipigilan ang muling pagbagsak ng luha niya

Makailang beses pa itong lumunok bago siya tumingin sakin

"If that's what you want and your decision,then fine. I will oblige to whatever you want. Ako na ang bahala sa lahat. Tatawagan na lang kita kapag may mga kailangan kang  pirmahan."

Hindi ko na mabasa ang ekspresyon ng mukha nito. Nawala ang lahat ng pagsusumamo at lungkot sa mukha niya at napalitan ng isang blangkong ekspresyon

"Please be happy Rhian. At sana balang araw ay mapatawad mo pa ako."

Yun na ang huli nitong sinabi bago tuluyang maglakad palayo at iwanan ako sa hallway. Hindi ko na siya nagawang lingunin pa dahil nung oras na humakbang siya ay yun din ang oras na tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

It hurts so much to feel like this. Bakit ba pakiramdam ko hindi ako pwedeng maging masaya? O kung maging masaya man ako sa sandaling panahon, bakit ang bilis bilis namang bawiin sakin yun? Bakit ko ba kailangang maramdaman ang lahat ng to?!

I gathered myself at tuluyan na nga akong pumasok sa loob ng condo ko. But to my surprise, I saw a figure sitting and facing me at my living room

"Glad you finally came in.."

----------
An:

Please bear with me. Naga.adjust pa ako sa pagsusulat ko and I'm trying my best to get this story back on its track. Thank you everyone for your patience

-L

Marry Me StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon