"I'm Just a Nerd"
Chapter I
»»——⍟——««
"Ma, alis na ako malalate pa ako yung pera ko?"
"Ah ito oh anak."
"Ano bakit ito lang ma? Kulang 'to! kulang na kulang ano ba yan!"
"Pasensya ka na anak, natalo kasi ako sa sugal kagabi, dibale dadag-dagan ko na lang yan kapag nanalo ako mamaya. Huwag ka ng magalit ha, sige na anak."
"Nakakainis ka talaga paano ko mabibili yung gusto kong bag sa mall atsaka may lakad pa kami ng mga kaibigan ko mamaya pagkatapos ng klase! Bwusit na buhay 'to! Maka-alis na nga lang!"
"Ingat ka anak!"
Yan ang naririnig ko sa baba ng bahay, Inaaway na naman ni Ate si Mama.
Kakatapos ko lang magayos ng gamit dahil papasok na ako sa school kaya bumaba na ako ng hagdan at naabutan ko si mama sa sala.
"Ma papasok na din po ako." Sabi ko kay mama pero hindi niya ako iniimikan.
"Bye po ma." Dagdag ko pero hindi pa din siya nagsasalita kaya tuluyan na akong umalis.
Ako nga pala si Izabelle Dela Cruz, tawagin niyo na lang akong belle or Iza kahit alin dun. Seventeen years old. Kung sa itsura naman sabi ng Papa ko biniyayaan daw ako ng mala-anghel na kagandahan pero hindi ako naniniwala kay Papa simple lang ako.
Syempre para pagaanin ang loob ko.
Mahaba naman ang buhok ko hanggang beywang at sobrang tuwid naman siya pero lagi ko 'tong bini-braid at may bangs na halos matakpan na ang mata ko. I have a frail body na parang masusugutan ako kaagad. Akala nga ng mga kapit bahay namin may sakit daw ako pero wala naman. Nasa 5'6 ang height ko at ang weight ko naman 51 kg. Medyo matangkad na din. Mahirap lang kami pero kahit na ganun kasama ko pa din naman si Papa, Mama, at si Ate.
Si Papa may malubhang sakit siya kaya nasa ospital siya ngayon. Si Mama naman ayun adik sa pagsusugal iyon na nga ang naging buhay niya simula pa nung bata kami ni Ate. Si Ate Marjorie naman ay nasa unang taon sa kolehiyo. Ako naman last year ko na sa high school.
BINABASA MO ANG
The Nerd turns into a Goddess of BEAUTY??
RomansThe Nerd Turns into a Goddess of BEAUTY?? An almost perfect one she's irresistible and that's her charm. A tale about love and painful truths.