Chapter 1: Mike's Agony [Part 2]

406 7 2
                                    

Chapter 1:

**Mike's Agony [Part 2]**

-Luke's POV-

2: 17 pm

***

Andito ako ngayon sa isang mall malapit dito sa park. Hindi ko na kase sinundan si Mike nung habulin nya si Dana. You see, I don't want to poke my nose into their affairs. Pero deep inside of me  "something" is saying, "Uy Luke, kaibigan mo si Mike. Makialam ka naman." Haaaaaaaay! Ano nga ba ang nangyari kanina? I wonder what happened between him and Dana.

-_____________-

I texted Mike pero 'di sya nagre-reply. I tried to call him pero can't be reached. Natatakot ako para kay Mike kase kapag may problema yun, naku! Kung anu-ano na lang nag naiisip! Minsan nga nung 'di sya nakapag cash advance naisipan nyang butasin ang gulong ng sasakyan ni Goliath. Success naman sya sa plano nya pero yun nga lang nabawasan sweldo nya. Pambayad dun sa gulong na nasira nya! Buti na nga lang at yun lang ginawa sa kanya nung Goliath na yun at hindi sya na-fired. HAHAHAHAHAHA!

Dahil medyo antok nako at bored na rin 'tong buhay ko kakaupo dito sa loob ng Pizzahut, nakapag decide akong mag-ikot na lang. Pampatanggal lang ng antok.

Una kong pinuntahan ang Oxygen. Syempre, namili ng pwedeng bilhin. Simula kase kaninangumaga 'di pa ako nakapagbihis. Wala pa man din akong baong damit. Kung ano yung suot ko nung nag jogging kami ni Mike, yun din ang suot ko ngayon. BWAHAHAHAHAHAHA! ^____________^"

"Hmmm..." I started to choose clothes na nagustuhan ko. Merong sweater na stripes - kulay brown, orange and white.

Kinuha ko tapos sinukat dun sa fitting room.

"Gandang lalaki neto ohh.. haha!" sabi ko sa sarili ko habang naka-pogi pose.

"Oh well, time to take this off." Inilagay ko sa right shoulder ko yung sweater. Maganda kase tong sweater na 'to lalo na't three weeks to go ehh December na. Ibig-sabihin palamig nang palamig na ang panahon so pasok na 'rin 'tong sweater.

Lumabas na 'ko ng fitting room tapos namili ulit. This time, shirts naman ang bibilhin ko. Nice yung light gray na shirt na may print sa harapan na, "I'M SINGLE" tsaka "WILL YOU BE MINE?" naman ang naka print sa likod. Hindi ko na sinukat kase kaparehas lang ng size nung sweater itong shirt.

Luke, I Love You! ♥ (The Umbrella Hotel Scandal) ON-HOLD!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon