CHAPTER 2

103K 2.7K 728
                                    

CHAPTER 2

NAKALIMUTAN na naman niya. Hindi ito ang unang beses na hiningi ko kay David ang wedding pictures namin. Ang sabi niya kasi ay sa Maynila kami ikinasal kaya't walang naka-display na ni isang wedding picture namin dito sa mansyon. Naniniwala akong malaki ang maitutulong ng wedding pictures namin para bumalik ang alaala ko.

"S-sorry, wife."

He looked at me apologetically. I still managed to smile despite the wave of disappointment that ruffled my chest.

"O-okay lang. May next time pa naman."

Bahagya siyang ngumiti sa akin na tila nakahinga nang maluwag. Hinawakan niya ako sa baywang at hinapit. Napahawak ako sa kanyang dibdib. At dahil mas matangkad siya'y napatingala ako sa kanya.

"Are you mad?"

Umiling ako. Disappointed ako pero hindi ko magawang magalit sa kanya. Alam kong napaka-busy niyang tao at isinisingit pa niya ang pag-uwi rito para lang kamustahin ang kalagayan ko.

"Then look at me, wife. I want to know what's going on with your pretty little head." He kissed my temple, still hugging my waist.

Hindi ko itinago ang lungkot sa aking boses.

"Gusto kong maalala lahat, David. Gusto kong maalala kung paano tayo nagsimula. K-kasi naisip ko, masyado na akong unfair sa 'yo. Mahal kita pero gusto kong buuin ang sarili ko para maibigay ko sa 'yo ang lubos na pagmamahal na nararapat sa 'yo. Gusto kong pasayahin ka nang buong-buo."

An amused smile crept from his lips. Marahan niyang hinaplos ang aking pisngi gamit ang likod ng kanyang mga daliri.

"You don't have to force yourself, wife. There's just one thing that would make me whole---it's you. Just promise me that you won't ever leave me whatever happens."

Tumatagos sa kaibuturan ko ang mga titig niya. I couldn't help but to melt from his words.

"Walang dahilan para iwanan kita, David. Kasi ikaw lang ang dahilan kaya hanggang ngayon hindi ako nawawalan ng pag-asang mabuhay. Salamat dahil kahit hindi ko naaalala kung anong meron tayo dati, mahal na mahal mo pa rin ako. I am the luckiest wife in the world."

Ginawaran niya ako ng sinserong ngiti pero kahit ano'ng gawin niya hindi niya pa rin maitago na may lungkot siyang nararamdaman sa likod ng mga ngiting iyon. David is trying to be strong in front of me. Kahit hindi niya sabihin alam kong mabigat din sa kanya na sa aming dalawa, siya ang mas nagmamahal. Kahit kilala siya ng puso ko, hindi pa rin maiaalis sa akin na hindi ko lubusang kilala ang pagkatao niya sapagkat wala pa rin akong naaalala.

"Good. And I won't ever let you leave me as well, wife. You're the air I breathe; and I couldn't imagine life without you. I don't care if you don't remember the memories that we had before. We can still build new ones together. I love you, wife."

He captured my lips right after. Katulad ng mga halik niya'y natangay ng sandali ang aking mga mata kaya kusang pumikit ang mga ito. Only David can do this to me. Kapag kasama ko siya'y kusang gumagalaw ang aking katawan na parang may sarili itong isip.

Nakakalunod ang kanyang halik kaya't biglang nanlambot ang ang aking mga tuhod. Muntik na akong matumba ngunit mabilis niya akong sinambot sa baywang habang nagpapatuloy ang aming paghahalikan.

"I missed you..." he whispered lovingly in my ear.

Nakahawak na ako sa kanyang dibdib habang ang dalawang kamay niya naman ay nakapalibot sa aking baywang,

"Kahapon ka lang naman umalis, ah. 24 hours pa lang tayong magkahiwalay. Akala ko ba buong linggo kang mananatili sa Maynila dahil sa trabaho mo?"

"I can't help it. Your face keeps taunting me. And don't think that I forgot about what you did yesterday, wife. Sinundan mo si Nanay Soledad kahapon sa palengke."

The Indecent ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon