pagtatapat ni Lizzy:)

20 1 0
                                    

CHAPTER THREE

    TUMIGIL ang service car nina Lizzy at John sa harap ng Woosong High at bumaba na si John na napatigil nang tawagin ni Lizzy sa bintana. “Bye bye Kuya, ingat ka.”,sabi ni Lizzy na naka-ngiti.

“Ingat ka din. At siguraduhin mong maiibigay mo ‘yong t-shirt ko kay Sumi.”,paalala ni John kay Lizzy.

“Ok kuya. Halika na Sebby, baka ma-late pa ako sa klase ko.”,anito at pinaandar na ni Sebby ang kotse at umalis. Sumama si John sa mga ka-grupo nito ng makita siya ng mga ito.

“’Yon ba ang kapatid mo?”,tanong ni Josh kay John.

“Oo.”,matipid na sagot ni John kay Josh. Inakbayan ni Josh si John.

“Hindi ko masyadong nakita ang mukha ng little sister mo.”,panghihinayang na sabi ni Hiro.

“Maganda ba ang kapatid mo John?”,tanong ni Ryou kay John.

Tumawa lang si John bilang sagot sa tanong ni Ryou. Nagsipagtawanan na lang silang lima ang biglang tumikhim si Steve at nagsabi. “Tumigil na nga kayo sa kakatanong ng mga weird na bagay. Ang aga-aga, may sayad na kaagad kayo. Yan tuloy nadadamay ako.”,pangaral ni Steve sa mga kasama niya.

“Sige ba. Pagbigyan natin ang ating hari.”,panunudyo ni Ryou kay Steve. Umalis ang Cool Princes at pumunta sa kanilang classroom.

Bumaba ng service car si Lizzy. Nang papasok sa gate, may nakita siya kumpol ng mga estudyante. Hindi naiwasan ni Lizzy ang ma-curious sa commotion na nagaganap kaya lumapit siya at nagtanong kay Hanna. “Hanna, anong nangyari?”,tanong ni Lizzy.

“Lizzy nandito ka na pala. Yung baunan kasi ni Tiff nasa taas ng puno.”,sagot ni Hanna kay Lizzy.

“Sino naman ang naglagay sa taas, Tiffany?”,tanong ni Lizzy kay Tiffany.

“Hindi ko nga alam.”,mangiyak-ngiyak na sagot ni Tiffany kay Lizzy.

Tumingin si Lizzy sa mataas na puno at may nakita siyang pusa. Sinundan niya ng tingin ang pusa na nasa puno bitbit nito ang lunch box ni Tiffany.

“Hanna, pwede mo bang hawakan muna ang bag ko, please?”,tanong nito. Tumango si Hanna bilang sagot kay Lizzy. Binigay na ni Lizzy kay Hanna ang kanyang bag at dali-daling umakyat ng puno. Kinuha ni Lizzy ang lunch box ni Tiffany at kinarga ang pusa at bumaba na ng puno. Lahat ng mga babae ay namangha kay Lizzy at sabay sabay nagsabi. “Na-inlove ulit kami sayo, Lizzy!” Binitawan na ni Lizzy ang pusa at inipit niya ang kanyang buhok sa likod ng kanyang tainga at lumapit kay Tiffany.

“Tiff,ito na ang lunch box mo. Pagpasensyahan mo na yung pusa. Gutom lang din siguro kaya niya tinangay ang baonan mo. Saka Hanna, salamat sa paghawak ng bag ko.”,paliwanag ni Lizzy.

“No problem.”,ani Hanna.

“Maraming salamat Lizzy.”,sabi ni Tiffany sabay yakap kay Lizzy.

“Well, mag-ingat na lang siguro kayo araw-araw. At bantayang mabuti ang mga gamit niyo para hindi mawala.”,paalala ni Lizzy sa mga babaeng pumapalibot sa kanya. Nagsi-lapitan ang mga babae kay Lizzy at sabay sabay nag-sabi. “Mahal ka namin Lizzy!”

“Ok.”,nag-aalangang sagot ni Lizzy. Tuluyan na siyang pinalibutan ng mga babae na parang masoso-suffocate na siya. May nakahuli ng atensiyon ni Rayven habang papasok siya ng gate. Nagulat siya ng makita niya si Lizzy na pinapalibutan na ng mga babae. Agad niyang nilapitan si Lizzy at niyakap dahil nahalata niyang nahihirapan itong huminga.

“Girls, please proceed to your respective rooms now!”,pasigaw na tugon ni Rayven na medyo nag-aalala. Nagulat ang mga babae at sumunod na lang sa sinabi ni Rayven. Ang mga estudyante ay pumunta na sa kanilang mga classrooms.

   Hinihingal si Lizzy na tila ngayon lang naka-hinga sa hinaba haba ng panahon. “Thank you, Rayven.”

“Ayos ka lang ba? Regular na ba ang paghinga mo ngayon?”, nag-alalang tugon ni Rayven kay Lizzy habang yakap yakap pa niya ito.

“Ayos lang ako.”, anito na ayos na ang paghinga at panatag sa bisig ni Rayven.

“Ano ba ang nangyari ulit? Bakit na naman nagkakagulo dito, ang aga-aga eh may commotion na kaagad.”, pasermon na sabi ni Rayven. “Hindi naman po importante, kaya ‘wag niyo na pong alamin pa.” Makalipas ang ilang minuto, ay kumawala na si Lizzy sa pagkakayakap sa kanya ni Rayven. Dumating na rin si Sumi.

“Good morning Sir Rayven, Lizzy.”, nakangiting bati ni Sumi sa dalawa.

“Good morning din. Ay, may ibibigay pala ako sayo.” Binuksan ni Lizzy ang bag niya at naghalungkat sa loob nito. Inilabas ni Lizzy ang t-shirt ng kuya niya at iniabot kay Sumi. Halatang masayang-masaya at buo na ang araw ni Sumi dahil sa t-shirt ni John,na matagal na niyang crush.

“Maraming salamat Liz.                 Best friend talaga kita.”,masayang sabi ni Sumi.

“Walang anuman ‘yon. Ay Rayven, magkakaroon ba tayo ng Judo Training ngayong araw?”, tanong ni Lizzy kay Rayven. “Oo.”, matipid na sagot nito. Tumango ito bilang sagot.

“So, halika na.mag-uumpisa na ang klase after 10 minutes.”, sabi nito pagkatapos tingnan ang wrist watch nito.

“Opo Sir Rayven.”, sabay na sagot nina Lizzy at Sumi kay Rayven. Sabay ang tatlo na pumasok sa main building at nagsipag-tungo sa kanya-kanyang rooms.

Two Different PersonalitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon