Number 2?

18 0 0
                                    

Days past. :"> At ayun nga mejo napapadalas na din ang pag uusap namen nito ni John ang kulit kulit kase e! Natutuwa talaga ako pag mag ka chat kame. ^^ Napag usapan na nga rin namen yung tungkol kay Greg.

"Sino ba si number 2?" Number 2 kase yung number nameng dalawa ni Greg. Ewan ko ba kung bakit niya nalaman?

"Wala naman iyon." Ayaw ko lang kase na pag usapan namen yun ni John parang ang akward kase.

"Sure? Ako kaya yun. Tayo pala! Hahaha. 2 kase, tayong dalawa."

"Awww!" Haha. WAla lang kinikilig lang ako nung mga panahong yun. Kase naman bumabanat pang nalalaman! :)

JOHN's POV

Hmmmm. Sino kaya yung hinayupak na number na 2 na yun? Napansin ko lang yun kase sobrang kalkalero ko sa fb ni Jao.

*FLASHBACK*

Uy, wall photos. Baka may makita na naman akong magandang picture niya dito. :"> *click click* Ano to!? Number 2? Hmm. Kapagtaka naman? Tapos may mga doodle pa siya na gawa huh? Meron pa nga dun 'HOPE' Ang emo naman nento? Siguro broken hearted to? -_-" Pero baket di niya sinasabe sa akin sa tagal na nameng nagkaka chat?

*END OF FLASHBACK

"Wala naman iyon." Yan lang sinabe niya sa akin eh? Bakit kaya? Babanat na naga lang ako xD

"Sure? Ako kaya yun. Tayo pala! Hahaha. 2 kase, tayong dalawa." Ayan siguro okay na yan haha!

THURSDAY UWIAN NA NILA JAO NUN. AT NASA BAHAY NA NIYA SIYA.

JAO'S POV

Makapag online nga. :)

*poof* May nag pm sa akin ah? Uy si John.

"Idoool! Paki like nga tong album ko na to. Paki suportahan lang. Hihihi!" May ibinigay siya sa akin na link pag ka click ko. Wow! Ang galing rin palang photographer nento? :)

"Naks! Idol talaga :) Ang galing mong mag picture ha? Picturan mo nga din ako. Haha!" Biro ko sa kanya.

"Oo ba! Tara oh!? Bukas agad!" Hala seryoso? Agad agad e. Haha

"Nyeee! Agad agad? Madaling madali ka Idol? Sa saturday na lang punta ako jan." At ayun nga nag kayayaan na kame sa kita kita  epek na yan. Haha Gusto ko rin kase siyang makita eh. Mukhang malakas din kase mang trip tong lalaking to.

"Weeeh!? Di nga?"

"Oo nga :D Text mo ako. Di ko kase alam kung saan jan senio." Gusto ko talaga e no!?

"Oo! Sige! Gusto na kita makita ng personal."

SABADO NA.

Nagtataka lang ako, kahapon di nag online si Idol. Di rin siya nag tetext. Paano kaya ako pupunta sa kanila!? Ano yun magic? Teleport? Amp. Mejo tinatamad na ako ah? Di kase siya nag rereply.

Natapos na ako maligo, nakapag ayos na ako. 10 pupunta na ako ng school. Buti na lang may practise kame, may program kase na gaganapin sa school. Di ako maiinis sa kanya nento. :) Otw  na ako sa school, still nagtataka pa din ako baket di pa din siya nag rereply or nag tetext? Madalas naman pag umaga mag tetext sa akin to ng GoodMorning, tapos babanat pa? -_-"

Andito na ako sa school. Haaay!

"Oh nay? Pusturang pustura tayo ngayon ah? Saan gala?" Si Kaye yun. Nakapambahay lang kase sila samantalang ako, naka civilian. Obvious nga na aalis ako.

"Ahh ... Ehh .. Makikipag kita lang."

"At kanino naman aber!?"

"Wala ka na dun! Hahaha. Dame mong tanong , tara practise na nga lang."

Natapos na lahat lahat ng gagawin ko. Nakapag practise na ako, wala pa din siyang reply!? Errrrrrr! Kainis ayaw ko nang magpunta dun. :l Pero wait baka wala lang siyang load. Tawagan ko na nga muna. Naka apat na tawag rin ako sa kanya bago niya masagot.

*Riiiiiing Riiiiiing*

 "H-Hello?" Aba mukhang bagong gising lang tong kumag na to ah!

"Hello John!? Tutuloy pa ba ako jan!? Di ka kase nag tetext! Simula kahapon pa!" Naks! Girlfriend lang ang peg ko ah? Hahaha

"HA? Ah eh, wala akong load. Pasensya ka na at ginagamit kase ng kuya ko yung pc kaya di ako makapag online." Mukhang nagkaulirat siya sa sinabe ko ah? Hihi

"Pupunta pa ako jan?"

"Oo naman!"

"Di ko alam jan eh. Tyaka anong oras na kase." Tinignan ko yung orasan, mag aalauna na pala.

"Pumunta ka na, sakay ka ng Paliparan tapos sabihin mo, Bida Homes."

"Eh baka kase mawala ako. Nako naman kase! Di ka nag paload! Alam mo namang pupunta ako jan! Tssss!" Naiinis na ako sa kanaya jan. XD

"Pumunta ka na.." Nagpapaawa siya. I can feel it para magpunta ako. "Sige na pleeeeease? Lapit ka sa driver. Text mo ako, magpapaload ako, basta pag lumampas ka sa SM malapit na yun!"

"Hays, pag iispan ko. Ge." I hang up the phone.

Papalabas na ako ng school nun kase naisipan ko na pupunta ako sa kanila., pero wait may nakita ako. SA tapat ng school, si Greg yun ah? Nagyoyosi. Psss. Nagulat na lang ako nung tinawag ako.

"Uy Jao!" Why the heck did he call me? Wait di ako makalakad ah? Bat sa kanya ako pupunta? WAaa!

"Oh baket? Libre mo naman ako. Yosi din ako." Ay oo nga pala, I smoke cigar. :D Nakasanayan ko na din, na istress kase ako nung nakita ko yung pagmumukha niya. =))))

"Oh. Ikaw ha. Nahihilig ka na naman sa yosi." Wait mahilig naman ako mag smoke eh?

"Nye." Matipid kong sagot habang sinisindihan ko yung yosi.

"Parehas tayo ng lace ah? Palit muna tayo!" Parehas kase kame ng lace, pareho tribal. Mahilig kase sa tribal si Greg. Ako naman si tanga, nakipagpalit.

"Balik mo sa akin sa Monday yan ah? Ge alis na ako."

"Saan ka pupunta?"

"Makikipag date ako. Hahahaha!"

Then umalis na ako at di na ako tumingin sa likod ko.

*tooot* *toooot*

May nag text. Sino na naman to? o_o Ay si John pala, nasaan na daw ako. Hmm. 

"Otw na." Sabe ko..

Nakasakay na ako ng jeep, nagtataka ako, mejo malayo na ah? Baka nalioligaw na ako, pero wait, natatanaw ko na yung SM, text ko na nga siya.

"Idol, sm na ako.

"Hala? Di pa ako naliligo! Wait! Magtanong ka sa driver kung malapit ka na sa Bida Homes!"

"Uy teka lang wag ka nang maligo!"

- NO REPLY -

PASENSYA NA KUNG MAY MGA TYPO AH? :D WHAT DO YOU THINK ANG MANGYAYARE? :"> VOTES COMMENT AND BE A FAN :D SORRY KUNG MEJO LATE NA DIN YUNG UD KO. :) 

Love on Line? :OTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon