Chapter Six: Roadtrip

0 0 0
                                    

13 junk foods.

6 na coke.

2 Pepsi (para daw sakin)

5 sandwich.

4 na bag. All packed.

Ready to go.

May slight change of plans.

Hindi nga change eh, kundi  dagdag.

Oo.

Nadagdagan.

Nag suggest si Steven na pumunta kami sa isang resort sa Laguna total malapit naman yun sa Enchanted.

Bakit?

Nainggit kasi yung apat na lalaki sa Enchanted na outing namin kaya nagpilit sumama. Eh gusto nila Sabby yung planong double date kaya gumastos si Steven ng resort para manahimik sila doon.

Kahapon pa umalis yung apat kasi gusto ni Sabby mamili ng damit para sakin.

Para kasi sa kanya kailangan daw mag upgrade yung wardrobe ko.

"Hindi ba talaga pwede yung damit nalang na meron ako?" Sabi ko habang namimili si Sabby sa may bathing suit section.

"You mean yung complete collection mo ng shorts at t shirt? You gotta be kidding me, hindi ka ba mahilig sa magdamit ng maayos?" Sabi niya.

"Mahilig kaso tinamad na ako pag tungtong ko ng college kaya nawalan na din ako ng time para sa fashion." Sabi ko

Totoo naman eh.

Hindi ko hate ang fashion.

In fact I love it. Wala lang akong pera for that type of vanity.

"Here. Bagay siya sa skin mo." May hinila si Sabby na dyed pink-blue-yellow na swim suit at kinompare sa balat ko.

Kaso . . .

"Two piece?!" Sabi ko.

My gap. Di ko yan carry.

"Come on. You have a nice body. Show it!"

"NICE BODY?! Sab seriously may mga fats ako. Nakakahiya." Sabi ko.

Two piece talaga? Di ba pwedeng one piece nalang? O kaya rash gear.

"It's not that bad. Dali na Itry mo."

"No."


"Please. Okay ganito nalang. I promise to be honest, at kapag hindi bagay bibili tayo ng rash gear. Pero kung bagay . . . we are going to buy it. Deal?" Sabi niya


Hindi ako sumagot agad. Dito ang Isang bagay na dapat pinag iisipan. Paano ang reputasyon ko.


Nagtinginan lang kami. Pero si Sabby,

Di nagpatalo.

"Okay fine. Deal."

"Yayy!"

Pumasok ako ng fitting room at sinuot. Wow, napaka tipid sa tela.

"Psssst!" Tinawag ko si Sabby.

Ayoko Lumabas no. Mamaya page isipan pa along baliw at maging center of attraction.

"Patingin." Pumasok si Sab sa fitting room.

"OH.EM.GEE. Kayla, you're so. . ."

So ???

Fat?

My Alter-ego ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon