Imaginary_Ai Yu

1.2K 19 32
                                    


Dear Diary,

Alam mo kanina, nakita ko si Emmanuel. And guess what? May kasama siyang iba :'( Ang sarap lang kalbuhin nong girl alam mo yun!? Kung makadikit naman kasi sa tinalo pa ang mga linta. Bakit? Sila na ba? Sa pagkakaalam ko kasi walang pinopormahang iba si Emmanuel kasi hinihintay niya ako. O, wad mo akong sabihang feeler ah? Mataas lang talaga pangarap ko sa buhay. Sana tao ka nalang noh? Para naman mapayuhan mo ako at di magmukhang tanga dito na nagsusulat ng kung ano-ano sayo. Pero wag kang mag-alala di naman ako nagtatampo. Nakikinig at makikinig ka parin naman saken diba?.

Sege, tatapusin ko na tong ka-echosan ko. Sad night </3


-Imaginary_Ai Yu

Itinago ko ang Diary Notebook at nahiga na sa kama. Ayoko naman talagang mag-emote. Pero anong magagawa ko? Ako ang natyempohan ni kupido. Wala naman akong karapatang magselos kung may sinasalamuha siyang iba, wala namang kami, pero masakit kasi. Ang hirap magpanggap sa harapan niyang hindi ako apektado at okay lang ako.

I, Jarsey Lim is deeply and madly inlove with Emmanuel Guevera...

Oo, inlove ako sa kanya. Pero ang hirap niyang abutin. Ngayon ko lang nagawang ma-appreciate ang kasabihang "so near yet so far".  Ang lapit niya lang sa paningin ko, pero kahit anong gawin kong pag-unat ng mga kamay ko, hindi ko pa rin siya maabot. I am a nobody. Ni hindi ko nga alam kung alam niya bang may isang Jarsey Lim ang nagi-exist dito sa mundo.

Araw-araw pasikreto kong nilalagyan ng sulat ang bag niya. Araw-araw sinusundan ko siya. Araw-araw pinagmamasdan ko ang bawat galaw niya. At araw-araw, nasasaktan ako dahil sa kanya, pero patuloy pa ring umaasa na balang araw mapansin niya na ako. Bakit ba kasi nahumaling pa ako sa kanya. Ayokong umasa pero tuwing naiisip kong sumuko na lang, sumisikip ang dibdib ko.

Hanggang ngayon, umaasa pa rin akong magiging parte narin ako ng buhay niya. Balang araw, sana mahalin niya din ako...

***

Nandito ako ngayon sa field habang hinihintay ko ang buong tropa. Nakaupo ako sa damuhan at nakangiting pinagmasdan ang mga naglalaro ng volleyball. Well, actually sa isang tao lang naman talaga nakatuon ang atensyon ko at alam nyo na kung sino ang tinutukoy ko. 

Alam nyo bang ang galing galing nya sa larong volleyball? Isa yan sa dahilan kung bakit, nawawalan ako ng pag-asa sa kanya. Nasa taas siya, popular, samantalang ako, kumon na estudyante lamang.

Agad kong kinuha yung Diary ko at nagsimula na namang magsulat ng mga kahibangan ko..

Dear Diary,

Today, mag-isa lang akong nakaupo dito sa damuhan ng field. Hinihintay ko pa kasi yung mga bruha kong kaibigan. Pero alam mo yung nakakatuwa? Malaya kong namamasdan ngayon si Emmanuel habang naglalaro ng volleyball. Ang gwapo niya lalo kapag naglalaro! Kaloka ! Sana akin nalang talaga siya.

-Imaginary_Ai Yu

"HOY!" 

Napahawak ako sa dibdib ko dulot ng pagkagulat. Bigla ba namang susulpot sa likuran ko? 

Napansin kong nakatingin si Joyce sa notebook ko kaya nagpanic ako bigla.

"Uy! Jars, ano yan? Ngayon ko lang nakita yang notebook na yan a." takhang tanong niya.

Oo hindi nila alam ang tungkol sa diary nato kaya 'sshh' lang kayo. Ang mag-ingay di ko bibigyan ng pagkakataong ma meet ang EXO o kahit sino pang Kpop idols na gusto niyo.

Imaginary_Ai YuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon