First year. Second year. Maayos naman talaga yung buhay ko sa paaralang to e. Nagbago lang talaga nung Third year. Gustuhin ko mang lumipat... Hindi na kaya e. Isa pa, naumpisahan ko na. Mahal na din ang tuition fees sa ibang school. Eto lang yung kaya namin. Marami rin aasikasuhin kung lilipat pa ko. Bagong uniform, books, may entrance exam pa na kailangan bayaran.
Parang kelan lang first day ng klase. Halos nakaka kalahati na agad kami.
Wala namang bago, Wala pa ring kumakausap sakin. -___- Siguro nabawasan lang yung araw na nakikipag talo o nakikipag away ako sa mga ibang studyante.
At etong si Albert? HINDI na nya ko kinukulit. Siguro nalaman na rin nya yung nangyari last year. Ganyan naman silang lahat. Or should I say... Ganyan naman talaga yung mga tao... Madalas nilang jina-judge yung isang tao ng dahil lang sa isang bagay. Ni hindi man lang sila nagtatanong or what. Right or wrong? They will judge you anyway.
Wala man akong kibo sa mga pinagsasabi nila... TAO pa din ako. Pare pareho lang tayong may nararamdaman at karapatan dito. BAGAY na hindi alam ng mga HAYOP na to. Haay!! Masyado nilang ginawang hell yung buhay ko dito.
-------------------------------------------------------------------------------
Magkakaron ng JS Halloween Party tong school. -___- Ayoko sana pumunta kaso kailangan DAW.
O GOOOSHH!! F M L x.x
*Halloween Party*
*Patay halos lahat ng ilaw + Party Rockin + Crowded*
LAHAT NAG SASAYA.... AKO, NAKAUPO LANG. MINSAN PATI AKO NATATAWA NA LANG SA PAGIGING ALONE KO E. HA HA HA.
Lumapit sakin yung adviser namin. "Hey Zoe! Nag iisa ka. Kesa paupo upo ka jan. Makisama ka. Lumapit at makipag usap ka sakanila."
"Miss, nagbibiro ka ba?" Nagulat ako sa sinabi nya. Nginitian nya lang ako, at umalis.
'
"Sunget............... Sunget!"
"Hoy sunget!!!!" IDGAF.
"ARAAAYYY!!" May bumatok saken!!
"Hoy !@#$%^do ka ah!! Anong karapatang mo batukan ako?!" Ughh ALBERT!!
"Chill. Chill. Ayaw mo kase ako pansinin eh!"
"Bakit? Tinatawag mo ba ko?!"
"Oo kaya!! Sunget! Tss"
"UNANG UNA SA LAHAT... HINDI KASI SUNGET ANG PANGALAN KO! Pwede ba!! Umalis ka na lang dito. Panira ka." Tulad nga ng sabi ko.... Ayokong may madamay sa sitwasyon ko.
"ALAM MO KAYA KA ALONE EH! KASI LAHAT NG LUMALAPIT SAYO... TINATABOY MO!!" Ughh. Tugs tugs tugs... Grabe ansakit. Yung puso ko. Yung luha sa mata ko, puputok na.
"....................."
"O ano? Hindi ka makapag salita.... Hindi ka makapagsalita kasi totoo."
Hindi ko na napigilan yung sarili ko. Madalas ako makipagtalo pero hindi pa to nasasabi saken. Lalo na ng katulad nya. Ng katulad nyang baguhan pa lang. "Wala kang alam."
"Ayan ang akala mo." Sino ba sya sa akala nya?!!!
"Bakit? Feeling mo alam mo na lahat?! Bakit? Ano ba pinagsasabi sayo ng ibang tao jan ha?! Ano nanaman ba yung pinakalat nila tungkol sakin?!!"
Okaaay... Hindi ko na talaga kinaya. Masakit talaga eh. Uulitin ko, TAO din naman ako. At walang nakakaalam kung ano talaga nararamdaman ko.
Umalis na ko sa auditorium. Bumaba na lang ako. Ayokong makita ng kahit sino na si Zoe De Guzman, umiiyak ng dahil lang sa salita. Marami na ko napag daanan at hindi basta basta mapapatumba.
Nagpunta ko sa tinatambayan ko malapit sa room namin nung third year. Laging walang tao dun at kami lang dalawa ni Pau ang nagpupunta. Abandonado na rin kasi.
"Albert M. Sevilla" Sino nanaman tong extrang hero na to. Papansin. Ughh di ko na lang kinibo. Huminto ako sa pag iyak pero nakayuko pa rin.
"Albert Manares Sevilla" Napatingin ako sakanya... Si Albert. Wala lang. Yung middle nya, at last name ni Paulo. Pareho sila.
"Tama ang nasa isip mo. Connected nga. Hmmmm... Kapatid ko sya."
"Wala syang kapatid.... Sevilla ka nga e." Umupo din sya at tumabi saken.
"Magkapatid sa ina. Iniwan kasi sya ng tatay nya bata pa lang sya. So si Mama lang yung nagpalaki sakanya. Siguro dahil na din dun kaya bulakbol si Kuya. Nag asawa rin kasi ulit si Mama agad, tas aun. ETO. Ako ung bunga."
Di ko alam kung bakit. Pero muka kong tanga. Naiyak na lang ako bigla.
Alam mo yung pakiramdam na bumalik sayo lahat. LAHAT ng masasakit na bagay, naalala mo pa.
Inakap ako ni Albert. "Tahan na..." Pinunasan nya yung luha ko, pero pakiramdam ko mas lalo pa kong naiyak. Simula ng pangyayaring un, ngayon lang to. Ngayon lang nagkaroon ng taong dadamay sakin sa oras na naaalala ko lahat.
Hindi ko alam kung ano ba talaga yung pakay nya sakin, yung kailangan nya. Bat kinukulit nya pa ko at bat parang gusto nya ko makausap. Pero sa ngayon.... Nagpapasalamat na lang ako kasi andito sya sa tabi ko. Kailangan ko lang talaga ng taong makakaintindi sakin. :(
YOU ARE READING
Take me with you.
Teen FictionDiary ng high school student... Nang malaman mo na hindi lang puro saya ang meron sa high school. Dahil dito mo rin mararanasan ma-inlove, maiwan, madapa at masaktan. Pero pano kung yung mga taong inaasahan mo na anjan para sayo, kasama sa mga taong...