Si Nicole

71 0 0
                                    

Muntik na akong hindi makapasok nung second sem. 2.25 lang kasi ako sa College Algebra. E, sa school namin, kahit umabot ng dos ang GWA mo, 'pag meron kang mas mababa sa dos, hindi ka na kasali sa dean's list. Nakakainis 'di ba? Kasi, kahit anu'ng gawin ko, hindi ko talaga kayang maging friend si Math. Agree? 'Yung tipong, alam na alam mo naman talaga ang gagawin sa problem na tulad nun pero 'pag dating sa exam, hindi mo alam kung na mental block ka lang o talagang out of this world 'yung given. Pero buti nalang, si tita 'yung sumagot ng pagpapaaral sa akin. Ang saya saya ko kasi makikita ko si Jade. Kilala nyo naman na sya hindi ba? Naikwento ko na sainyo 'yung tungkol sa amin.

Limang araw akong hindi nakapasok sa second sem. Late enrollee ako, e. Buti nga nakahabol pa ako. Sabik na sabik na sabik akong makita si Jade kaya pag pasok na pag pasok ko palang, dumeretso muna ako sa tapat ng library kung saan kami madalas magaral. Pagkakita saakin ni Jade, niyakap nya agad ako. Pero, nagalit ako sa kanya kasi may babae syang tinuturuan. Si Samantha 'yun. Alam kong mabilis ata at grabe akong magselos kasi nag explain naman si Jade na nagpapaturo lang 'yung Samantha pero dun din kami nagsimula ni Jade, e. Siguro, natatakot lang talaga akong mawala ang mahal ko sa akin.

Noong araw na 'yung din, pinuntahan ko agad ang mga kaibigan ko. Hinanap ko sila sa school. Nasa canteen lang pala sila.

"Guys. Hello!", pagbati ko.

"Nicoooooooole.", sabik na pagbati ni Melissa.

"Wow, Nicole. Akala namin nag disappear ka na ng tuluyan, e.", sabi ni Kim.

"Hinahanap ka nga pala nung Jade ba 'yun?", sabi ni Andi.

"Oo nga. Hinahanap ka ni Jade. Alalang alala nga, e.", dugtong ni Kim.

Pinutol ko ang usapan para maiba ang topic.

"Pakibili naman ako ng mineral water please. Saka biscuit.", sabi ko.

"Asa. May paa ka po.", sabi ni Kim.

"Arayy. Aray. Ang sakin ng tyan ko hindi pa ako nagbebreakfast. Please Kim.", pagpapanggap ko.

"Ayy nako. Ikaw talaga. Drama queen. Hahaha! Akin na nga!", sabi ni Kim.

"Hahaha! O, eto oh. Water at biscuit lang ha", sabi ko sabay abot ng benteng buo.

Habang bumibili sila ay nakita ko si Jade sa labas ng canteen na para bang may hinahanap. Ipinatong ko sa table ang bag ko para hindi nya ako makita kung sakaling ako ang hinahanap nya. Papansinin ko sya pero hindi pa ngayon. Sobrang sakit kasi nung nakita ko. Well, should I say, sobrang selosa lang talaga ako? Pagbalik nila, iniabot sa akin ni Kim ang isang bote ng tubig, ang biscuit at piso. Habang silang tatlo ay kumakain ng mga pagkaing binili nila, ako nama'y nakatitig lang sa piso habang nilalaro ito sa ibabaw ng lamesa. Namiss ko si Jade. Mahal na mahal ko sya. Sobra. Kaya naman dali-dali akong tumayo at hahanapin ko sana si Jade.

"Guys, teka ha.". pagpapaalam ko.

"Saan ka pupunta?", tanong ni Melissa.

"Basta. Teka lang. Dyang lang kayo ha."

Pag labas ko ng canteen, nakita kong magkasama sina Jade at 'yung Samantha na 'yun. Bumalik na lang ako sa canteen at umupo. Binuksan ang biscuit at kumain nalang. Ayy nako Jade. Sinayang mo lang ang pagmamahal ko sa 'yo.

"Mabalik tayo sa usapan kanina. Bakit nga ba late ka na?", tanong ni Andi.

"Mamaya ko ikekwento. Pagkatapos ko kumain."

"Hinahanap ka ni Jade. Alalang ala.", sabi ni Melissa.

"Hmm! 'Wag nyo ngang mabanggit banggit ang pangalan nun.", sabi ko naman.

"Bakit? Wala na agad kayo? Grabe.", sabi ni Kim.

"Ewan ko. Bahala sya sa buhay nya."

"Ha. Bakit? Bakit ano 'yun? Hahaha.", sabi ni Melissa, "Anong nangyari girl?"

"Sya kasi, e. May Samantha na sya."

Nagkatinginan sina Melissa at si Kim at sabay nagtawanan.

"Hahahahahahahahahahahahaha! Nakakatuwa ka naman, e.", sabi ni Kim.

"Ha?"

"Si Sam? 'Yung naka boy cut tapos bilugan ang face na nagpapaturo kay Jade?"

"Um. Sya nga."

"Hahahahahaha!", tawa pa nila.

"Bakit ba? Anu'ng pinagtatawanan nyo? Ano ba?", naguguluhan kong tanong.

Tumingin ako kay Andi pero nakikitawa lang din sya.

"Bakit ba kasi?", nag uumpisa na akong magtampo sa kanila.

"Ano ka ba kasi? Pati tomboy pinagseselosan mo.", sabi ni Andi.

"Ha? Hindi sya mukhang tomboy."

"Duh. Nanliligaw kaya sa akin 'yun. Hahaha!", sabi ni Andi.

"Whhaaaaaaat? E. Bakit..."

"Ang kulit mo. Tomboy nga 'yun. Kulit kulit.. Kaya nga Sam ang pakilala nya lagi, e. Hindi 'yung buong pangalan nyang Samantha.", sabi ni Andi.

"Bakit ba kasi boses babae, sya, e."

"Hahahaha. Malamang. Babae naman talaga 'yun nung pinanganak. So syempre, boses babae. Duh.", sabi naman ni Kim.

"Ayy. Nako. Ang baliw baliw ko."

"Sinabi mo pa. Tara nga hanapin natin si Jade.", sabi ni Melissa.

"No need. Alam ko kung nasan sya."

Pumunta kami sa tapat ng library. Pagkakita ko sa table ay may nakasulat na note, Nicole, please follow the arrows. Kim, Melissa and Andi, please go with Nicole.

Sinundan ko ang mga arrows na 'yon na papunta sa university chapel. Nakatayo ako sa tapat ng chapel. Nakatingin sa napakagandang cross at entrance nito hanggang sa may kamay na tumakip sa mga mata ko sabay may bumulong ng ganito:

"Related ka ba sa Math? Kasi, kahit gaano karaming x na ang dumaan sa buhay ko, I don't know y I can't stop loving you. Sorry Nicole. Mahal na mahal na mahal kita."

Pag dilat ko, nakita ko ang dalawang bouquet ng roses. Nagtataka ako kung para kanino 'yun isa ng biglang dumating si Sam, kinuha ang isang bouquet at ibinigay kay Andi. Habang si Jade naman ang kumuha nung isa at iniabot sa akin.

"Mahal na mahal kita Nicole. 'Wag ka ng mawawala sa akin, okay?"

"Okay po. Mahal na mahal din kita."

At dumampi nanaman sa mga labi ko ang malalambot nyang mga labi. Hinagkan ko sya ng mahigpit. Inabutan nya ako ng box. Pagbukas ko ay may piso sa loob. Inirapan ko lang sya. Ngumiti sya sa akin at hinawakan ang kamay ko at sinuotan ng singsing.

Ngayon, masaya na kaming dalawa ni Jade. Sina Andi at Sam naman, bagama't forbidden love, ay magkasama pa rin ngayon. Sina Kim at Melissa ay kaibigan parin namin at masaya parin kaming magkakasama. Ang pamilya ko naman, nakapagtayo ng isang negosyo at medyo mas stable na kami ngayon in terms of financial matter at kaya na nila akong suportahan sa pag aaral ko. Isang taon nalang at ga-graduate na kami ni Jade. Pagkatapos naming gumraduate ay magte-take kami ng CPA board exam. Siguro after ilang years, sa ganitong paraan ko na masusulat ang pangalan ko: Nicole de Jesus-Reyes, CPA.

PisoWhere stories live. Discover now