"I peel so pree its like a pantasy, having you next to me. Suddenly, its magic." wala na akong pakialam kahit pumiyok piyok na ako. Feel ko kaya yung kanta. Ang ganda kasi eh, tapos excited na rin ako sa movie nun dahil bida yung crush kong sa Mario Mor Mour, basta si Mario. "Suddenly, it's magic, oooh, yeah." Ganito naman ako palagi tuwing nagwawalis ako ng bahay namin, sinasabayan ko ng pagkanta tapos ginagawa kong mic yung walis tambo.
Alam ko na pinagtatawanan niyo ang english ko at pronunciation ko. Public lang kasi ako eh. Kahit papano nakapag-tapos ako ng highschool. Ngayong 18 na ako, andito lang ako sa bahay tinutulungan si Nanay sa paglalako ng gulay sa palengke ng mga gulay. May mga tanim kasi kami sa likod ng bahay namin gaya ng okra, talong, kamatis, sili at iba pa.
Hirap kami sa buhay, swerte na nga lang namin kung makakain kami ng tatlong beses sa isang araw.
Ang tatay ko? Aba, malay ko. Wag niyo na tanungin. Ang sabi lang sa akin ng Nanay ko. Wala siyang Kwenta. Kung hindi niya kami pinabayaan, edi sana may katulong kami ni Nanay sa buhay. Hindi sana nahihirapan ang Nanay kong palakihin at pagaralin ako.
Sa awa naman ng Diyos ay nakakaraos kami ni nanay sa buhay, kahiit mahirap kakayanin.
Biglang bumukas ang pinto! Naku, baka magnanakaw? Teka, ano naman ang nanakawin sa bahay namin? Wala namang pwedeng makuha dito. Wala kaming tv, radio, lalo namang walang ref. Puro wala!
Handa na akong hampasin ng tambo ang kung sino man ang papasok ng pinto.
Napigilan ko lang ang sarili ko dahil si Nanay lang pala! Tinakot naman ako ni Nanay.
"Oh Nay! Andito na po pala kayo, --"
"Ay hindi. Wala pa ako." pasensya na. Idol kasi ni Nanay si Vice Ganda eh. Tuwing Showtime nga nakatambay yan sa tindahan na malapit sa amin para lang makinood.
"Nay naman eh, para kang mais, Corny!" Siyempre, like mother like daughter. Idol ko rin si Vice!
"Maaga akong umuwi ngayon kasi kailangan kong ihanda ang mga gamit ko." dumeretso na si Nanay sa kwarto at nagaayos na ng mga gamit.
Takbo ako sa kwarto at lumuhod sa harapan ni Nanay.
"Nay, wag niyo naman po ako iwan. " Nagmamakaawa ako. "Naging mabait na anak naman ako sainyo ah, inalagaan. Hindi ko naman kayo binigyan ng problema." umiiyak na ako. Pangbest actress ata 'to. "Magpapakabait na po ako Nay, magbebenta na ako lagi sa palengke, di na rin po ako kukupit, wag niyo lang ko iwan Nay!" hila hila ko yung dulong damit ni nanay.
*booogsh!
Ang tunog na yon ay dahil nakatikim ako ng pektos sa Nanay ko. "Aray naman Nay. Masakit yon ah. " Kinamot ko ang ulo ko.
"Ang drama mong bata ka, para namang aabandunahin kita." Umupo si Nanay sa kama, nagaayos pa rin ng gamit. "Nakahanap na kasi ako ng trabaho sa Maynila, pinapapunta na ko doon." Masayang balita ni Nanay.
Pero ako hindi masaya. Tumayo na ako sa pagkakaupo sa sahig. " Maynila? Nay! Heller? Maynila yon. Alam niyo po ba na ang daming masasamang loob doon? Paano kung mapano kayo? Tsaka Nay may sakit kayo, Ayoko, Hindi kayo aalis." Hindi naman sa ayaw ko magkaroon ng trabaho si Nanay, ang inaalala ko lang kasi ay napakalaki ng Maynila at may sakit si Nanay.
Tumayo na rin si Nanay, galit ito panigurado! "Bakit? Sa tingin mo ba ginagawa ko 'to para sa sarili ko ha? Alam mo bang masakit sa akin na ang nagiisa kong anak ay hindi ko man lang mapagaral sa colegio?" Tumutulo na ang mga luha ni Nanay. Pangbest actress!
"Nay, ayos lang naman po ako eh. Napagtapos niyo na ako ng highschool. Okay na yon." Hinawakan ko yung kamay ni Nanay.
"Kung sayo okay sa akin hindi. Wala ka ng magagawa sa desisyon ko. Luluwas ako at magtratrabaho sa Maynila." Final na sabi ni Nanay tsaka nagwalk out.
BINABASA MO ANG
Match MAID in Heaven (On Hold)
Teen FictionFull of humor but at the same time with romance, family, hardships and sacrifice! P.S: Enjoy \m/ :))))