Chapter 1

0 0 0
                                    

"A-Akala ko ba ma-mahal moko?" Saad ko habang pinipigilan ko ang sarili ko na mapahagulgol.


Kasalukuyan kaming nasa park ng boyfriend kong si Bryan. We're supposed to be celebrating our 3rd year anniversary pero nakikipagbreak na siya sakin.


"I'm sorry" tugon niya nang hindi siya makatingin sakin.


"Why?" I ask.


Lumingon siya sakin at tiningnan ako ng direkta sa mata "I just *sigh* fell out of love" sabay tingin sa malayo.


Shet. Ang sakit.


Sa pagkakataong ito,hindi ko na napigilan yung luha ko. Nag unahan na silang tumulo.


Pinaghahampas ko siya habang umiiyak ako. "Shet ka naman eh!A-ano? Yun na yon?" Sinapo ko ng dalawa kong kamay ang mukha ko para naman di niya makita yung pag uunahan ng luha ko.


Naramdaman ko namang niyakap niya ako pero nagpumiglas ako
"Wag mokong yakapin. Ma-mahihirapan lang akong ilet g-go k-ka"


"I'm sorry Shin, makakahanap ka din ng taong magmamahal sayo ng totoo. Sadyang diko lang kayang magstay sayo nang hindi na kita mahal" saad niya habang hinahagod ang likod ko para pakalmahin ako.


"Just go. You don't need to say that. It can't lessen the pain I'm feeling right now." Saad ko habang inaayos ang aking sarili.


Umalis na din siya agad. Fvck. Ang sakit sobra. Masyado kasi akong umasa na kami talaga hanggang huli. Masyado akong umasa na siya na talaga. Haaays. Too much love and hope will hurt you in the end.


"Hello? Earth to Shin!" Saad sakin ng bestfriend kong si Lianne habang kinakaway sa tapat ng mukha ko ang kamay niya.
Kunot noo siyang nakatingin sakin.


"What the hell was your problem? Si Bryan nanaman? Ghaaad! Kalimut--" I cut her off.


"Of course not!!"


"Then why are you spacing out?!" Oa ng gaga.


"Pwede bang hinaan mo yung boses mo? Nakakairita ang ingay ingay. Hindi ko siya iniisip okay? I already moved on. Iniisip ko lang kung saang university ako magkacollege" pagpapalusot ko sakanya. Mukha namang pinaniwalaan niya ako kasi kung hindi maiirita lang ako sa mga sermon niya.


Our break up happened last year October 2019 but it's already 5th day of February yet I still love him. Sinasabi ko lang kay Lianne na wala na akong pakialam kay Bryan pero alam ko sa sarili kong hindi iyon totoo.


After din ng break up namin,wala na akong narinig tungkol sakanya. Iisa kami ng school pero yun nga, umalis siya at hindi ko alam kung ano nang nangyari sakanya.


And I hate the fact that I still care for him. I'm always missing every part of him.


"Una na ako Shin ingat haa" pagpapaalam sakin ni Lianne habang nagliligpit ako ng gamit.


"Osige ingat ka din"


Pagkauwi ko sa bahay,sumalubong sakin ang isang tahimik na tahanan. Ako na lang at ang mama ko ang natitirang magkasama. My father died because of lung cancer back when I was only 12 years old.


"Ma kelan ka po uuwi?" I asked through video call


"Next week sweetie okay? May inaayos lang si mama dito." Napanguso naman ako dahil sa sinabi niya.


"Last week lang sinabi mo ngayong week ka uuwi, tapos ngayon naman next week nanaman" natawa si mama dahil sa sinabi ko.


"Ma dito kana lang magtrabaho working student naman ako eh please?" Dugtong ko.


Napabuntong hininga na lang si mama dahil sa mga pinagsasabi ko sakanya "Diba napag-usapan na natin to? Para naman sayo to eh titigil lang ako pag nakapagtapos kana okay?"


I rolled my eyes kasi wala na din akong magawa "Fine." I said


After naming mag usap, kumain lang ako then natulog na.



Be MineWhere stories live. Discover now