Chapter 3

0 0 0
                                    

"Hindi kaba talaga mage-entrance exam?" Tanong ko sa bestfriend kong si Li na kausap ko sa telepono.


"Oo naman alam mo namang sa ibang university ako mag aaral" Napanguso ako dahil sa sagot niya.


Junior high school kami naging magbestfriend ni Lianne. Simula nun,naging sanggang dikit na kami. Hindi ko nga maimagine na magkakahiwalay kaming dalawa dahil magkapatid na ang turing namin sa isa't isa.


"Eeeeh sayaaang magkakahiwalay tayoooo" pangongonsensya ko sakanya pero tinawanan lang ako ng gaga.


"Sige na baka malate kapa. Goodluck. Atsaka mag ingat ka malayo layo pa yun. May pagka tanga ka pa naman minsan" kainis haaa. Walang kwenta talaga kausap.


"Oo na sige na hahaha wala ka talagang kwenta kausap."


Nagsuot lang ako ng white shirt,jeans,saka sneakers. Then maliit na bag lang,lagayan ng requirements. Nagpulbo lang ako then ponytail. Pagkatapos kong mag-ayos,nagpaalam lang ako sa mama ko na aalis na din ako.


Nagji jeep lang ako pag aalis kasi wala nang time si mama para ihatid ako dahil may trabaho siya. Tiningnan ko ang wrist watch ko. 7:00 am palang  eh 8:00 am ang examination so maagap pa ako.


Okay na ang maaga wag lang late hahaha. Naglakad na lang ako papuntang sakayan ng jeep kasi maagap pa naman.


------

"Don't be noisy during the exam. Hindi ako nagbibigay ng warning once na makarinig ako ng ingay sayo, out! Understood?" Saad ng proctor namin.


Kasalukuyan na akong nasa examination room kasama ang mga kapwa kong estudyanteng gustong makapasok dito sa university.


"So if you want to pass,don't do something stupid or else hindi niyo matatapos itong exam at hindi kayo makakapasa. Are we clear?" Pagpapaliwanag niya.


By the way, CPA ang gusto kong ipursue. Share ko lang. Agad naman kaming nagsimula. Pero habang nasa kalagitnaan ako ng pagsasagot,naramdaman kong kinukuhit ako ng kung sinong walanghiyang nasa likod ko.


"Pssst miss. Miiiiss" aniya pero pabulong lang. Hindi ko na pinansin dahil nagmamasid yung proctor.


"Miiiiiss" pangungulit niya habang kinukuhit ako.


Paglingon ko, owmyyyyy. Fafa siya mga besh. Pero imbyerna ako sakanya. Deadma dapat ang kapogian niya kasi baka siya ang dahilan para mapagalitan ako. So, inignore ko ulit ang kuya mong fafa.


"Miiiiiiiiiss psssst hoooy" pabulong niyang sigaw. Huwaaat? Basta pabulong na sigaw.


Dahil hindi na din ako maka concentrate at naiinis din ako, nilingon ko siya. "What the hell dude? Anong problema mo? Gusto mo bang mapalabas tayo haaa?" Sabi ko ng pabulong habang magkasalubong ang kilay.



Medyo kinakabahan ako sa pwesto ko kasi nasa likod ko siya. Eh nasa unahan yung proctor namin so madali akong makita kasi nga nakalingon ako sa nasa likod kong lalaking hinayupak na iniistorbo ako.


"Can I borrow some pencil or ballpen? Wala akong dalaaa" ang tanga naman niya. Entrance examination ang pinuntahan niya pero wala siyang panulat.


"Wag ka sakin manghiram wala aking dalang extra. At wag mo na akong kukulitin kung ayaw mong mapabalas tayo" saad ko at saka na ako umayos ng upo.



Nagbalik na ako sa pagsasagot. Maya maya lang,naririnig ko naman siya nanghihiram sa katabi niya siguro pero hindi yata siya pinapansin.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 01, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Be MineWhere stories live. Discover now