Panimula

411 3 0
                                    

Ang lahat ng pangyayari sa Encantadia

Ay pawang kathang-isip lang

Ngunit may malagim na trahedya

Para sa lahat ng mga Diwata

Maliban sa isang mapalad,

Si Hadasseh.

Isang pangalang hindi pamilyar....

Hadasseh,

Iyan ang tawag ng mga Encantado sa isang Diwatang hindi nila nakikilala....

Hadasseh....

Hanggang ngayon, hindi na malilimutang muli ang pangalan sa isipan ng iilan nang marinig nila ito....

Sino ba talaga si Hadasseh?

Sino ba talaga siya?

Sino ba talaga....

Si Hadasseh?

      
      Si Hadasseh ay isang Sang'greng may purong dugo ng mga Diwata, Anak siya ng isang Hara duri-e ng Ashena-ve na si Mirvana, na isa ring diwatang lumalaban kasama si Hara Mine-a. Kabilang siya sa unang sangay ng mga inapo ni Hara Haizea, ang nakatatandang kapatid ni Ornia (pangalawang asawa ni Memen) at ni Isveiga (Kauna-unahang Kera ng Mine-ave).

At hindi lang siya ang tagapagmana ng trono ng mga Diwata, siya rin ang kasalukuyang Sang'gre sa Katimugang Kaharian ng Lireo at nagtagumpay sa isang Nandre, ngunit hindi nabigyang pansin ng marami.

Iniisip ng marami na siya ay isang Avterde, at isa ring mahinang diwata.

Ngunit wala siyang pakialam,

Hindi siya nakikinig sa mga salitang binitiwan ng marami.

Sa bandang huli, nagbago na ang ihip ng hangin nang dumating ang kaniyang inang si Mirvana sa kaniyang tabi.

Siya ang dahilan kung bakit tinuruan niya si Hadasseh kung paano gumamit ng sandata.

Hindi alam lahat kung bakit siya nandito, at kung paano natutunang lumaban,

Ngunit naaalala ni Hadasseh ang mga pangyayari habang nasa Lireo, at ang pansamantalang pagsasama nila ng ina-inahan niyang si Amihan.

Sa Lireo.

Qaashi hamdhi ye samarche?.......
(nasaan ngayon ang hustisya?)

'Aashna ya a'azmana aqmal.......
(Pakinggan mo ang aking tinig, mahal)

Qolema........
(sabihin mo sa akin.....)

Qolema.......
(sabihin mo sa akin.....)

Qolema, khiya hisha'ah resham'a shta ahshe?
(sabihin mo sa'kin, habang-buhay ka na lang bang maging bulag sa katotohanan?)

Sino ba siya?

Sino ba talaga siya...

Upang makita ang totoo?

Upang makamit ang hustisya...

Para sa Hara?

At para talunin ang mga nilalang...

Na minsan itinatago ang katotohanan?

Ashena-ve, Queendom of South Lireo

Sa isang palasyong malayo sa kaharian ng Lireo, sa silong ng kalangitan, ang mga hangin ay nagsasayaw nang tahimik habang ang mga diwata ay nagpupuyos sa kanilang mga tahanan. Sa isa sa mga kubo ng hangin, matatagpuan ang isang diwatang si Hadasseh. Mahaba't makulot ang buhok niya at kumikislap sa liwanag ng araw, at ang mga kayumanggi n'yang mata ay puno ng misteryo at sigasig.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 08, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Encantadia Non-Canon Series: Hadasseh And The Peafowl PhoenixWhere stories live. Discover now