Chapter 3

20 12 0
                                    

Katatapos lang ng last subject namin ngayon. Sabay sana kami ni Ella pero cleaners ako at naalala ko na may gagawin pa nga pala ako pagkatapos kaya naman nauna na siyang umuwi.

Inilinga ko muna ang aking paningin sa loob ng room upang tingnan kung nandito pa si Drake pero ang loko umalis na ata.

akala ko ba magpapaturo yun?  Tsaka cleaners din sya ah, kasama ata sa mga tumakas tsk.

Lima na lang kasi kami na natira sa loob ng room dahil ang mga hinayupak na mga kacleaners ko hayun at umalis na. 

Matapos ang sampung minuto ay natapos na kami sa paglilinis kaya naman nagsilabasan na sila at ako na lang ang natitira sa room.

Isinara ko muna ang pinto ng room namin atsaka nagsimulang maglakad sa hallway.  Dumiretso muna ako sa library upang kumuha ng libro na gagamitin ko para sa assignment.

Nasa dulong parte  ng library yung libro na hinahanap ko kaya naman nagmadali na ako sa paglalakad, malawak kasi itong library namin kaya mga 20 minutes bago  malibot ang kabuuan nito.

Kinuha ko na ang kailangan kong libro at paalis na sana pero may nakita akong tao na nakaupo sa pinakadulong upuan, nakasubsob ang ulo nito sa lamesa na animong natutulog. Nilapitan ko ito upang gisingin baka kasi isara na itong library maya-maya eh kawawa naman siya kaya kahit hindi ko ito kilala ay naglakas loob na akong gisingin ito.

Kinulbit ko ito at inuga ang balikat nag-angat naman ito ng tingin sa akin. Medyo nagulat pa ito ng makita ako sa harap niya.

Putcha si Drake lang pala ito

"hoy anong ginagawa mo bakit dyan ka natutulog?"tanong ko dito sabay upo sa kalapit na upuan.

'Parang ang feeling close naman nung tanong ko, pero hayae na'

"Hinihintay kasi kita kanina dun sa may gate diba magpapaturo ako, kaso ang tagal mo kaya pumunta muna ako dito tapos yun nakatulog na ako" sagot nito sabay kamot sa batok.

"Ah ganun ba" sabi ko dito sabay tango. Tumingin naman ako sa bintana na katapat nitong silyang inuupuan namin upang tingnan kung maliwanag pa sa labas pero maliwanag pa naman kaya okay lang siguro na turuan ko muna siya.

"Oo pwede mo na ba akong turuan?"  tanong nito sa akin habang naglalabas na ng notebook.

"nasa polynomial expression na tayo ito yung itinuro ni ma'am noong absent ka. Natapos na kasi ni ma'am na ituro yung sequence noong nakaraang linggo pumasok ka naman ata noon kaya hindi ko na kailangang ituro sayo yun."

Ibinigay ko muna sa kanya ang notebook ko upang makopya niya kung ano ang meaning ng polynomial expression. Habang isinusulat niya iyon ay humingi ako sa kaniya ng isang papel upang gumawa ng example ng polynomial.

" monomial ito kapag mayroon itong one term example nito ay 3xy. binomial naman kapag mayroon itong two terms example nito ay 4x+2x  at trinomial naman kapag mayroon itong three terms example naman nito ay 4x+2y+3 ,gets mo? tanong ko dito.

"yeah. madali naman pala magulo lang talaga magpaliwanag si Nathan😅" Sagot nito sa akin ngumiti na lang ako sabay bigay sa kaniya nung papel na hiningi ko kanina.

"Iyan nga pala yung iba pang example ireview mo na lang sa inyo" sagot ko dito. Tatayo na sana ako upang umalis na dahil baka isara na ni Ms. Librarian yung gate kaso hinawakan niya ako sa braso kaya napalingon ako sa kaniya.

"bakit?" tanong ko dito. Tinanggal niya muna ang pagkakahawak niya sa braso ko bago magsalita.

"Salamat sa pagtuturo😊 Hintayin mo na ako sabay na tayo palabas" sabi nito tsaka inayos ng mabilis ang kaniyang mga gamit ibinigay niya na rin sakin yung notebook ko sa math na nakalimutan kong kunin kanina.

"Tara sa kanto malapit sa sakayan ng jeep meron akong alam na tindahan ng ihaw-ihaw" yaya nito sa akin.

"wala na kasi akong pera. Pamasahe na lang."

"huwag kang mag-alala libre ko naman pasasalamat ko na rin sayo dahil tinuruan mo ako" saad nito sabay hatak sa akin.

Nang makarating kami doon ay agad na sinabi ni Drake ang aming bibilhin.

" Ate dalawa nga po noong barbecue, apat na isaw at anim na betamax tsaka po pahingi ng lagayan dalawa.

" Ay di ko pala naitanong sayo kumakain ka ba ng ihaw? baka kasi tuloy ang bili ko hindi ka naman pala kumakain" napapakamot sa ulong tanong nito.

"Oo naman favorite ko nga yan ang sarap na tapos mura pa tsaka yan lang din ang kaya ng budjet ko kaya madalas ay ganyan ang binibili ko" sabi ko sabay ngiti.

"iho luto na yung sa inyo kunin mo na heto ang lagayan oh" sabi nito sabay abot ng cup kay Drake.

"Parang ngayon ko lang siya nakitang kasama mo. girlfriend mo?" tanong nito kay Drake napatigil naman si Drake sabay tingin kay ate.

'tsismosa din pala tong si ate'

"naku hindi po ate Merta classmate ko lang po siya." sagot ni Drake dito.

"ah ganun ba sayang akala ko naman jowa mo ang ganda pa naman niya bagay sana kayo" saad nito kay Drake na animong nalungkot ng malamang hindi kami magjowa ni Drake. Ngumiti lang naman si Drake dito.

" Sige po ate Merta una na po kami." paalam ni Drake.

"sige ingat kayo" saad ni ate Merta habang kumakaway. Nginitian lang ito ni Drake at ganun din ang ginawa ko.

Nagpunta muna kami sa malapit na waiting shed at doon naghintay ng dadaan na jeep.

"San nga pala yung sa inyo?" tanong nito sa akin habang kumakain ng isaw na binili namin kay ate Merta.

" Diyan lang sa Brgy. Pagbi phase 2, 15 minutes lang  ang biyahe sa jeep." saad ko dito.

" Ah magkatulad lang pala tayo sa phase 6 nga lang yung samin kaya mas malayo "

Sakto namang may dumaan na jeep kaya sumakay na kami.

Habang nasa biyahe ay nakatingin lamang ako sa daan at hindi kinakausap si Drake kahit na katabi ko lang ito sa upuan at may kung anong tinatanong hindi ko na nga lamang iniintindi.

Iniisip ko pa rin kasi kung bakit bigla biglang lumapit si Drake sakin at kung bakit sa tagal ko siyang naging kaklase
e ngayon lang niya ako naisipang kausapin. Para kasing may iba, pero baka masyado lang akong nagiging oa.

"Oy dyan na yata yung sa inyo kanina pa kita tinatawag nakatulala ka lang dyan. Ayos ka lang?"

"Omo dito na nga yung samin sige baba na ako salamat sa libre." nakangiting paalam ko dito bago bumaba ng jeep.

Hindi ko alam kung ano ang dahilan niya at kung bakit siya lumapit sa akin pero sana saya ang maging dulot niya at hindi kalungkutan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 08, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon