1st Trip

3.8K 55 16
                                    

“Love comes when you least expect it.”

[Darcy’s POV]

“Ay! Ano ba ‘yan! 7AM na pala! Hindi na naman gumana ‘yung alarm ko! Asaaaar!”

“Ang sabihin mo, hindi mo lang narinig. Ako nga kanina pa akong 5:30 gising e. Hiyang-hiya naman ako sa ‘yo no, Dars?”

“Ynnah naman e, bakit hindi mo na rin ako ginising? Anong oras na niyan ako makakauwi sa amin! Malelate na tuloy ako sa lakad namin nung friend ko. Apat na oras pa man din ang biyahe ko, dapat niyan paalis na tayo e.”

“So kasalanan ko pa ngayon? Naku! Kung ginising kita, malamang patay na ako ngayon, Darcy! Ayokong putulin pagtulog mo, baka mamaya maging halimaw ka na naman! Ang mabuti pa, magprepare ka na. Late ka na nga, bagal mo pa kumilos. Dalian mo’t kailangan ko na ring makauwi. Birthday ni Mama, remember? Kaya go na!”

Sabi niya kasi nung last time na ginising niya ako dahil malelate na ako, ang dark daw ng aura ko. Panay ko daw sinisigawan kahit wala man siyang ginagawa. Pati ‘yung mga taong nakapalibot sa akin natatakot. Hindi ko naman matandaang nangyari ‘yun! Napakabait ko kaya!

Haaayyy. Buhay nga naman. Kailan kaya ako magiging on time? High school palang ako, nabansagan na akong “SLL”. Ano ‘yun? Simple. Ang “Sekretaryang Laging Late”. Saklap no? Secretary tapos laging late. E kasalanan ko bang binoto nila ako? Palibhasa ang basehan nila ay kung sino ang may magandang sulat.

Oo nga pala, ako si Darcy. 16 years old. Freshman student sa UPLB. Pampangueña. Matapang ako, kahit lalaki nilalabanan ko. Ayoko lang nang inaapi. Basta, bad girl angperfect description sa akin.

At dahil Sabado ngayon, uuwi ako sa Pampanga. Si Ynnah nga pala ay pinsan ko, taga-Calamba lang siya kaya ayos lang sa kanya kahit anong oras pa siya umuwi. Mga isang oras lang kasi biyahe niya e. Magkasama kami sa isang apartment dito sa may Raymundo kasama ‘yung high school classmates niya.

Habang nasa jeep…

“Ampotek naman! Late na nga tayo titigil tigil pa ‘tong jeep! Ang takaw sa pasahero! Aaaahhh!” reklamo ko kay Ynnah.

“Aba, ikaw lang ang late. Saka pwede ba? Walang kasalanan si manong driver. H’wag kang manisi, naghahanap buhay lang siya. Kalma lang Dars. Hindi ka pa mamamatay.”

Pang-asar naman ‘tong pinsan ko. Sige na! Siya na ang good girl. Siya na ang understanding.

“Nakng! This is a matter of life and death, Ynnah! I need to go home immediately! Omaygawd, I think I’m gonna die! Ampotek.”

“Shunga. Ang arte mo! Life and death daw. E gagala ka lang. Tss. O, Olivarez na. Ayun, may bus. Cubao daw. Baba!” tapos nagbeso siya sa akin.

Mga 8:30 na nga pala nang makarating kami sa may Olivarez. Buti nalang wala akong dalang malalaking bagahe ngayon. Isang maliit na backpack lang kaya hindi ako mahihirapan sa pagbibiyahe.

Pagbaba ko… Umarangkada ‘yung bus.

POTEK.

Narinig ko si Ynnah tumatawa sa jeep, at sinigawan pa ako, “Ayan kasi! Ang bagal mo, ayan tuloy! HAHAHAHAHAHAHAHAHA! Bye Dars!”

Ampupu naman kasi. Maghihintay na naman ako niyan for another 30 minutes. Hay, makabili na nga lang ng pagkain. Tutal matagal pa naman ang 30 minutes, di ba?

Pumasok muna ako sa Olivarez para bumili ng pagkain sa Greenwich. Natawa pa nga ako kasi hindi na chineck nung security guard ‘yung bag ko. Naturingan pa man ding security e hindi naman ginagawa ‘yung dapat niyang gawin. Nako.

Pag-order ko, sabi hintay muna daw ng 10 minutes kaya umupo muna ako. Ang bagal ng oras. Tae.

Nang tumingin ako sa relo ko. ASDFGHJKL! Five minutes palang ang nakalipas?! Five minutes pa hihintayin ko bago ako makakain. Potek. Gutom na gutom na ako!

“O Cubao! Cubao! Kamias! Crame!”

Ano daw?

Ay asdfgkjhljhgihfkljswfhofawackrhar!!! Cubaaaaoooo! WAAAAAAAAAA! Teka bus! Tekaaaa! ‘Yung order ko, bakit ang tagal!!! Ay ampopo! Kamalasan ko nga naman! Bakit ang aga nung bus!

Wala akong nagawa kung hindi palagpasin na naman ang bus na ‘to, hindi ko naman kasi pwedeng iwan ‘yung order ko. Sayang pera. Saka hindi pa ako nag-aalmusal e.

Pagkabigay nung order ko, sabi ko kay kuyang nagbigay ipapatake out nalang. Baka kasi may dumaan na naman bus tapos hindi na naman ako makasakay.

Paglabas ko sa Olivarez plaza, naghintay ako.

Hintay…

Hintay…

Hintay…

Gaaaahhh! Thirty minutes na at wala pa rin! Anak ng kabayo naman oh! Bakit kung kailan naghihintay ako, dun walang dumarating?

[Dave’s POV]

Saturday, 8:45 AM.

Uuwi ako sa Olongapo ngayon. Hindi ko pa tantsado kung ilang oras ang biyahe. Pangatlong beses ko palang magbibiyahe ng ganito kalayo ng mag-isa e. Ang masasabi ko lang, sobrang nakakabagot. Ni minsan wala pa akong nakasabay ng kakilala. Kung sabagay, kakaunti palang naman kakilala ko dito.

Ako nga pala si Dave, 17. New freshman sa UPLB. Tahimik lang akong tao. Hindi rin ako gaanong mahilig makihalubilo. Ewan ko ba, mapili ako sa mga sinasamahan ko. Good boy kasi ako. Hahahaha.

Kadarating ko lang sa may Olivarez Plaza. Wala ata gaanong bibiyahe ngayon. Ang napakaunusual pa, dadalawa lang kaming naghihintay ng bus. And ‘yung isang ‘yun na naghihintay rin, NF rin sa UPLB. Paano ko nalaman? Kasi friend ko siya sa Facebook…

Si Darcy, ‘yung crush ko.

First time ko siya makita in person. Grabe, mas maganda siya sa personal! Sa Facebook ko nga lang kasi siya nameet. Noong summer kasi, active ako sa group para sa mga incoming freshmen ng UPLB. Active rin siya. Mahilig siyang magpost nun. E ako, lagi akong nagcocomment sa posts niya. Ayun, naging close kami sa Facebook.

Noong una palang, crush ko na siya. Ang friendly kasi, tapos ang ganda pa. Pero alam ko hindi niya ako kilala. Hahaha! Anime kasi ‘yung DP ko nun tapos private lahat ng pictures ko. Sa cyberworld ko lang kaya makihalubilo. Di ba nga, shy type ako? Kaya ayun, wala gaanong nakakakilala sa akin sa personal. Pwera nalang sa mga naging kaklase ko this sem. Pero oy, kahit mahiyain ako, lalaki ako ah!

Tinignan ko siya, mukhang nagmamadali. Kanina pa siguro siya dito. Halata sa mukha niyang naiinis siya e. Baka may importanteng lakad.

Saktong 9:15AM, dumating ‘yung bus papuntang Cubao. Heto na, sasakay na kami. Pinauna ko na siya, gentleman e. Haha! Pag-akyat namin sa bus. Grabe. Puno.  Buti nalang may dalawa pang seats ang available sa may bandang likod. At nakakatuwa pa, magkatabing seats ‘yung bakante. Swerte ko ngayong araw na ‘to.

Mukhang sa unang pagkakataon magiging masaya ang biyahe ko.

Love Story sa BusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon