4th Trip (Darcy)

1.2K 32 7
                                    

[Darcy’s POV]

“A-ahh, Darcy… Ano kasi…”

“Ano ‘yun?” OMG, aamin na ba siya sa ‘kin? Enebey! Hindi pa ako ready papaDave! Emtoyang!  Dejoke, sige amin ka na! Dali dali! Sasagutin na kita, now na!

“’Yung kamay ko kasi. Haha,” 

 BASAAAAAAAAAAG!!

My dreams were shattered! Daig pa ng pagkashatter ng dreams ko sa SystemOne e. Ajujukels.

Magkahawak pa rin kasi kamay namin hanggang ngayon. Shemaness, hindi ko mabitiwan e! Masyadong nag-attract ‘yung protons and electrons sa mga kamay namin, ayan tuloy ang hirap ipaghiwalayin. Hindi ko kasalanang nagkaganun, blame it to the Physics world beyb!

“A-ahh, hehe. S-Sorry.”

Hiyang-hiya naman ako sa kanya! Mapaghahalata na talaga. Agad kong binitiwan kamay niya at tumingin sa may bintana. Ayan, nagagawa ng pagiging malandi. Facepalm.

At dahil malakas ang pandinig ako, narinig kong medyo tumatawa siya. Ohnoes. Wala na talaga, tuluyan na siyang naturn off!

Ilang saglit pa, kinausap na naman niya ako.

“Darcy.”

Eto na ba? For real na? Aamin na?

“May candy ka ba?”

UGH. Leche flan! Anong klaseng tanong ba 'yan? Torpe ata ito eh!

“Meron, ito oh.”

“Thanks,” ngumiti siya.

O NGITI, BAKIT LAGI MO NALANG AKONG TINUTUNAW?

“You’re welcome! Ahm, Dave, NF ka ba? NF kasi ako,” Ahoooo, kunwari pa ‘ko e. Para lang marinig ko ang napakaHOT niyang boses. Nakakanginig ng pwet e!

“Ah, oo. Haha, CE nga pala course ko. Ikaw?” ERMAHGERDNERS. My future husband is a future civil engineer! MAJOR TURN ON!

“Ano, APhy. Hehe!”

Applied physics tapos ang hina-hina sa memorization ng formula. How ironic! Aba, kasalanan ko bang kumopya lang ako ng ilalagay ng course sa UPCAT form? … K. Kasalanan ko na.

“Kumusta naman Math 17 mo?”

“Hahaha! Math 17? Ano ‘yun?! Nakakain?! HAHAHAHA…Ha... Ehh…” Tae. Bakit ko sinabi ‘yun?! Asar, hindi ko napigilan bibig ko! Bwisit na epekto ng Math 17 .

Pagtingin ko sa kanya, nakangiti siya. OMAY, pwedeng pwede na akong iwan ng ulirat ko ngayon! Syete, kissable lips talaga itey.

“Hahaha, ang cute… Okay. I get it. H’wag nalang nating pag-usapan ang Math.”

ANONG SABI NIYA? ANG CUTE?!

AWEEEEEEEEE!! Thank you Lord! Kilig to the bones! ‘Yung pwet ko pumapalakpak na sa ligaya!

 “Ah. Hehe,” Anong klaseng sagot naman ‘yan, magtino Darcy! Magtino!

 “Darcy, may sasabihin ako.”

OMG, namumula siya! Could this mean something? ETO NA TALAGA! READY NA AKONG MAKARINIG NG 3 WORDS! OYEEAAAAH! Hahahaha, joke. Talande. Kakakilala lang, 3 words agad? Hindi ba pwedeng 2 words muna?

Love Story sa BusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon